Capítulo 38
"Walang kikilos." Sabi nito habang itinututok yung baril sa amin.
Ano nang gagawin namin. Isang kalabit niya lang sa hawak niyang baril pwede na kaming masaktan..
Eto na ba ang katapusan ng pagtakas namin?
"Sumuko ka na prinsesa." Seryoso niyang sabi.
"Hindi ko hahayaang mangyari yan." Ikinubli ako ni Jhon sa likuran niya. Handa siyang saluhin ang bala kung sakaling magpaulan ang lalaking sundalo ng baril. Pero may napansin ako... Yung lalaking sundalo nagsasalita ng wikang Leuropia gayun paman naintindihan iyon ni Jhon at nagawang sabatin sa wikang Leuropia. Marunong si Jhon?!
"Ibibigay mo siya o gusto mo pang mawala ang buhay mo?"
Nagmatigas si Jhon. Hindi kami kumilos sa kinatatayuan namin lalo na ng hampasin ni Mirko ang lalaking sundalo sa ulo.
Tama, saktong lumabas si Mirko mula sa banyo.
"Anong nangyayari dito?" Napatanong si Mirko sa gulat ng makita niya ang mga nakahandusay na mga lalaki. "Sa tingin ko dapat na tayong umalis."
Walang sabi-sabi na hinila ako ni Jhon papalabas ng kwarto. Si Mirko ang nauuna sa amin at naghahanap ng lugar na maaaring mapagdaanang walang nakabantay. Pagkalabas namin sa inn na tinutuluyan namin kaagad ng may mga nakaabang na mga sundalong rebelde. Mabuti na lang at nagawa nila akong itakas.
Sumakay kami sa kotse. Kung kanino man yun, hindi ko alam. Basta si Mirko ang nag drive katabi niya si Jhon. Madilim na ang paligid at mangilan-ngilan na lang ang dumadaan sasakyan.
Nakahinga naman ako ng maayos at napaupo ng mabuti sa backseat. Mabuti at ligtas pa ako. Kala ko katapusan na namin.. Katapusan na ni Jhon.
Napailing iling na lang ako sa naiisip.
Nakakapagod ang araw na ito. Nakakaantok.
"*%&#!" Napamura si Mirko sa wikang Leuropia. Bihira lang siyang magmura kaya napadilat ako at napatingin sa daan.
Check point.
Napansin kong nakita na kami ng mga sundalo. Tinututukan kami mg ilaw kaya't hindi namin masigurado kung sundalo ba sila ng bansang ito o ng Leuropia.
"Tumakas na kayo." Sambit ni Mirko.
"Pano ka?" Nag-aalala naman akong tinanong siya.
"Guguluhin ko sila."
Nakita ko ang tapang at diterminasyon sa mga mata ni Mirko. Seryoso siya sa gagawin niya.
"Mirko.."
"Maraming salamat prinsesa." ngumiti muna siya bago si Jhon kinausap. "Jhon, ikaw na muna uli ang bahala sa prinsesa. Wag mo siya pabayaan."
"Kahit kapalit pa ang buhay ko."
Bumilis na naman ang kabog ng puso ko. Bakit ba ako laging nasa ganitong sitwasyon? Natatakot ako.
Bago pa tuluyang makalapit ang mga sundalo sa amin, kaagad kaming lumabas ng kotse. Hinawakan ni Jhon ang kamay ko at sabay kaming tumakbo sa kakahuyan.
"Hulihin sila!" Narinig kong sigaw kaya napalingon ako. Hindi maaari! Sinusundan nga kami!
"Jhon.." Nag-aalala kong tawag sa kaniya.
BINABASA MO ANG
My Royal Secret✔️
Roman pour AdolescentsJhon Ybardolaza, makulit, joker, walang trip sa babae magkakagusto... Sa akin? Pano kung malaman niya yung Royal Secret ko?