Bonus Chapter ^___^ - The Guys (Part 1)

81 4 0
                                    

 KAT'S POV


3 months ago...


Anong oras na ba kasi? Ang dilim dilim na! Sigurado ako hinahanap na ako ni Tita sa bahay!



Di bale! Next week lilipat na rin lang naman ako ng bahay at wala ng mangsesermon saakin kung uuwi man ako ng late kasi pinayagan na ako ni Tita Esme, gusto daw kasi niya ako maging independent.



Pero pano na niya ako pagkakatiwalaan kung late nanaman akong uuwi ngayon? Hayy! Ang buhay nga naman, parang life -_-


Dapat kasi pumayag na lang ako na ihatid ako ni Apollo pauwi... pero anong ginawa ko? Tumanggi pa ako! Ang tanga tanga ko rin naman kasi paminsan eh! Pakipot ka pa eh gusto ko rin lang naman! Bakit ba kasi ang bait ko? Tss...


Nagdecide na lang ako na maglakad pauwi. Wala rin naman kasi ako masasakyan na jeep o kahit tricycle man lang kasi nga gabi na rin.


Habang naglalakad ako, parang napapansin ko na may sumusunod saakin. Hindi ko nalang pinansin kasi baka imagination ko lang.


Hindi ko na talaga kaya! Feeling ko talaga na may sumusunod saakin kaya naman lumingon ako. Wala naman!


Hayy...pagod nga lang siguro talaga ako!


*lakad**lakad**lakad*



*lingon**lingon*



*lakad**lakad**lakad*



*lingon**lingon*


Hala! matatanggal na ata itong ulo ko sa kakalingon. Ihhh!! Ano ba naman kasi 'to! Para talagang may sumusunod saa--


"Miss! Nag-iisa ka lang ata." Dahan dahan akong tumalikod at may nakita akong isang NAPAKATABANG nilalang sa harapan ko. O.A. na kung O.A. pero mataba talaga siya! PRAMIS!!


Hindi ko na lang siya pinansin at tinalikuran ko siya. Nakakatakot kasi eh. Lasing pa naman at parang mukhang rapist!


Ilang beses pa niyang sinisigaw ang "miss!" pero hindi ko siya pinapansin at binilisan ang paglakakad ko.


Nararamdaman ko na hinahabol niya ako kaya naman, yung mabilis kong lakad ay naging napakabilis na takbo.


Nagulat ako nung bigla niyang hawakan yung braso ko at ipinaharap ako sa kanya. WOW! For a pig he runs a lot faster than I expected.


"Ano bang kailangan mo saakin?! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa MATABANG nilalang na nasa harapan ko.

"Miss, makikipaglaro lang naman ako ehh... Sige na! Mabilis lang 'to" 

Naiiyak na talaga ako kasi ang sakit ng pagkahawak niya sa braso ko at pilit ako na hinihila.

"Tulungan niyo ako! Please...Please! Kahit sino, tulungan niyo ako!!"  sigaw ko habang patuloy na lumalabas ang mga luha ko. Sana pala nagpasama nalang ako kay Bes. Bugbog sarado itong baboy na ito kung nandito lang siya.

Bigla akong nagulat nung naramdaman ko na wala nang nakahawak sa braso ko. Nakita ko nalang si taba na nakahandusay sa sahig.

"Miss, okay ka lang ba?" tanong saakin ng taong nasa harapan ko. 

Napatingin ako sa kanya.

*O* Ang gwapo niya! Ay, hindi pala! Sooobrang gwapo pala! Yung akala mo sa TV mo lang makikita? Para kasing photoshopped yung mukha!

Naka-maong siya na jacket tapos naka white na sando sa loob. Naka Black rin siya na jeans na nagcocomplement sa suot niyang pantaas. Yung buhok naman niya, medyo shaggy at jet black ang kulay nito.

"Uhh...miss? Hello? Ok ka lang ba?" tanong niya habang winiwave yung kamay niya sa harapan ng mukha ko.

Why should I care? [O N H O L D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon