"Bree, sumuko na ako sa kanya..." Yan ang unang pangungusap na lumabas sa kanyang bibig nang magkita kami sa tagpuan namin. O_O
Siya si Raj. Bestfriend ko. Super close kami. Heartthrob siya sa school namin.
And lately kasi nagkakalabuan na daw sila ng girlfriend niyang si Courtney.
Dati nga pinagselosan pa ako ni Courtney eh. Inexplain ko naman sa kanya na kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Raj. Well, naintindihan naman daw niya iyon.
"Huh? Bakit?! Sabi mo, di ka bibitiw?" Gulat kong tanong sa kanya. "Mamaya sabihin pa nang iba, ako ang dahilan ng break up niyo." -_-
"Hindi naman ikaw eh... AYOKO NA! PAGOD NA AKO! NAHIHIRAPAN NA AKO NA PALAGI KAMING NAG-AAWAY..." *sob* :'(
Waaaah. Umiiyak si bespren. What to do? What to do? >.< Di pa naman ako marunong magcomfort. :3
"Errr. Dapat kayanin mo. Lalake ka. Kailangan mong intindihin siya. Kailangan mong maging matatag. Sa tingin mo ba maaayos ang di pagkakaunawaan niyo kung susuko ka?" Sabi ko sa kanya nang inaalo siya.
At dahil naman doon napatingin siya sa akin.
Aish! Di ko alam magcomfort mas lalo nang mag-advice.
Naalala ko nung sabi sakin ni Raj noon "gusto mong matutong mag-advice? Magbasa ka nang wattpad."
Mamaya na ang pagrereminisce.
"Ikaw bespren ah. Gumagaling na sa pag-aadvice. Pero alam mo tama ka." Sabi niya nang pinupunasan ang luha at matipid na ngumiti.
"Talagang tama ako. Kaya kung ako sayo tumayo ka na diyan at bawiin mo na yu---" di ko na natuloy dahil pinutol niya ang sasabihin ko.
"Tama ka nga, dapat patunayan kong may nagbago noong sinukuan ko siya." Puno na pag-asa niyang sambit.
Halaaaa! Hindi iyon ang ibig kong sabihiiiin. -_- ang kulit talaga nang bespren kooo. Ang moody pa! >___<
"Ah-- eh-- Raj, hindi iyon ang ibig kong sabihin."pagkumbinsi ko sa kanya.
"Bree naman eh. Sobrang sakit na eh. Lalo na dito" sabay turo sa puso niya. :(
"Ano ba yan! Nakasimangot ka na naman jan." sabi ko sa kanya. "Kung iyan ang gusto mo. Susuportahan kita. Pero ano nang balak mo ngayon?"
Napaisip siya sandali. Matapos ang ilang segundo, ngumiti siya at biglang sinabing....
"Alam ko na!
Puwede bang ikaw nalang ang pumalit sa kanya?"
"Huh?! Eh di puwede. Isang nerd at isang heartthrob?" Di ko makapaniwalang tanong sa kaniya.
"Please? Gusto ko lang siya makalimutan. Gusto mo rin namang kalimutan si Ian di ba?" Pagmamakaawa niya sakin.
Si Ian... Siya yung ka-MU ko. Bigla nalang kasi niyang sinabing hindi na daw niya ako gusto. Nirespeto ko ang kanyang desisyon. Pero MASAKIT talaga eh. <///3
"Please, Bree. Tulungan natin ang isa't isa na makalimutan sila. Alam kong magkaiba yung problema natin. Pero di ko na talaga kaya eh." Sabi niya. Anong sasabihin ko???? >_<
Oo. Crush ko si bespren but that doesn't mean na sasamantalahin ko di ba? ;)
"Haaay! Raj naman! Tutol ang universe sa atin. Maraming magagalit sa akin." pagtutol ko sa gusto niya.
"*sigh* guess i have to solve this pronlem on my own." Nakakaawa niyang tugon. Sabay nag-wave na sa akin at aalis na sana ngunit...
"Payag na ako!" napalingon siya akin at bigla akong niyakap.
"So ano nang plano mo? tutulungan natin ang isa't isa na kalimutan sila pero pano?" O.o nagtataka kong tanong.
"Sanayin lang natin ang sarili natin na wala sila. Na tayo nalang ang meron na sumusuporta sa isa't isa." Tama ba ito? Haay...
Tinutulungan ko lang naman siya na makalimot eh. At para na rin makalimutan ko na rin si Ian...
"Psh. Oo na po. Gagawin ko ang lahat para makalimutan mo siya." :) masaya naman akong tulungan ang bespren ko. Ang nag-iisang pinagkakatiwalaan ko.
Nagsine kami pagkatapos namin magdramahan. Nagulat ako nung hinalikan niya ako bigla sa cheeks. Nag-sorry naman siya doon. Masaya lang daw talaga siya na meron ako para sa kanya.
Simula noon lagi na kaming magkasama. Yung tipong parang nililigawan niya ako? :">
Di nagtagal, makalipas ang isang linggo, naging MU kami. Sinabi niyang mahal na niya daw ako. At parang mahal ko na rin siya sa mga panahong iyon...
Noong sinabi namin sa aming mga kaibigan ang katotohanang MU kami, lahat sila nagalit sa amin. Kami nalang talaga ang nag-uusap. You and me against the world ang peg namin.
Sinabi nilang hindi daw ba kami naaawa kay Courtney na lagi nalang umiiyak at namumugto na ang mga mata araw-araw. Nasaktan ako noong mga panahon na iyon dahil kung kailan ko na siya mahal saka naman ako nakakasakit... ayoko nang ganito. Mas nahihirapan akong may nasasaktan ako.
Pero hinayaan namin iyon at ipinagpatuloy ang relasyon na mayroon kami.
Makalipas ang isang buwam..........
"Ano ito? Bakit mo ba siya binibigyan ng motibo na may gusto ka pa sakanya?" tanong niya sa akin habang hawak sa kanyang kanang kamay ang aking cellphone.
"Oyy. Raj. Nababaliw ka na diyan. Ano bang pinuputak putak mo diyan?" Walang alam kong tanong sa kanya habang palapit sa kanya at tignan ang binabasa niya sa aking cellphone.
"Ah. yan? Matagal na yan. 'Wag ka mag-alala. ikaw pa na ang mahal ko." Yayakapin ko sana siya ngunit bigla siya lumayo.
"Kahit na matagal na ito, parang sinabi mo pa rin da kanya na hintayin ka niya dahil may pag-asa pa siya sayo." Mukha siyang nasasaktan. ;(
"Raj, utang na loob, August 28 pa yan oh, ano na ngayon? September 9. matagal na yan eh. at hindi porket masaya akong nakikipagtextan sa kanya, na binibigyan ko siya ng motibo na may gusto pa rin ako sa kanya." Sagot ko sa kanya nang nawala ako sa mood.
"Nakikita ko sa mga mata mong may gusto ka pa sakanya. Halatang mahal mo pa siya. Bumalik ka na kay Ian, tutal mahal niyo pa naman ang isa't isa." malamig niyang sambit.
"Ano bang pinagsasabi mo? Mahal kita Raj. Sobra. Siguro hindi mo lang nakikita sa galaw ko iyon pero mahal na mahal kita." at doon, hinalikan ko siya. Tumugon siya pabalik pero parang wala na akong maramdaman na sumasabog sa loob ko. Yung tipong nararamdaman ko noong sinabi niyang mahal niya ako. Yung sayang nararamdaman ko sa tuwing hinahalikan niya ako.
"Ra-Raj.. mahal mo pa ba si..... Courtney?" Biglang lumabas sa bibig kong tanong.
"Bakit?" malamig niya tanong pabalik.
"Basta. Oo o hinde?"
"OO." pagkarinig ko doon parang gumuho ang mundo ko. Sabay nang pagbasak ng luha ko sa lupa.
Ang sakit... All this time, siya pa rin pala ang mahal niya... Sobra ko siyang minahal pero sobra niya rin akong sinaktan.
--------------------------
YES/OO
An affirmation that sustains a POSITIVE or NEGATIVE answer.
--------------------------
Narealize ko ring sinadya niya ang pangyayari para ako na ang kusang lumayo sa kanya. Nagseselos pala si Courtney sa closeness namin ni Raj, kaya pala sila nag aaway.
Dumating ang September 14 at naghanda siya ng sobra para makuha ulit ang matamis na OO ni Courtney sa pangalawang pagkakataon.
Wala akong ginawang iba kundi ang umiyak. Ang sakit. SOBRA.
BINABASA MO ANG
The Rebound ---one-shot
Teen FictionSi Bree- isang babaeng nahulog sa isang planadong laro lamang. Di niya inaasahang mahuhulog siya nang sobra sobra sa kanyang matalik na kaibigan.