NOTE # 8

4.2K 113 8
                                    

Nagising ako sa pakiramdam na parang nahihirapan akong huminga at kumikirot ang aking dibdib. Pagmulat ko ng aking mga mata ay blurred pa ang aking paningin kaya kumurap kurap pa ako.

"Oh my God! Gising na si Kayden!" ang nadinig kong boses. Parang si Mariah.

"Anak? Anak!" si Mama! Kaso malabo pa din ang paningin ko.

"Tatawagin ko ang duktor!" boses naman iyon ni Papa.

Unti unti ng lumilinaw ang paningin ko. At napagtanto kong nasa ospital ako. Ito ang pangalawang beses na nagising ako na nasa ospital.

Nang tuluyang luminaw ang paningin ko ay isa-isa ko silang tiningnan. Si Mama,Mariah,Tina,Kuya Kheem at ate Britanny at Claire.

"Anak! Salamat sa Diyos!" umiiyak na sabi ni Mama at niyakap ako. Blangko pa ang isipan ko at binabalikan ang pangyayari kung bakit nga ba ako nandito sa ospital. Hanggang sa natigilan ako.

"Si Kiyuu?! Nasan ang bestfriend ko?" ang agad kong sabi. Agad silang nagkatinginan,kita ko sa mga mata nila ang kalungkutan. Tinitigan ko si Mama pero nag iwas sya ng tingin. Alam kong may mali. "Ano? Bakit hindi nyo sabihin sakin? Sya ang kasama ko. Nasan sya?"

Walang sumagot hanggang sa dumating si Papa kasama ang isang duktor. Pinalabas muna silang lahat ng duktor para daw sandali akong ma check. Nang muli silang pumasok ay nagpaalam naman sila na uuwi muna pero babalik din agad.

"Babalikan ka namin ng ate Brit mo,ihahatid lang muna namin sina Mama at Papa mo." ani kuya Kheem at hinaplos ang mukha ko.

"Kung anong mangyari at madinig mo,magpakatatag ka. Uhm,natawagan ko na si Gero,kinamusta ko muna pero hindi ko pa sinasabi ang nangyari sayo." sabi naman ni ate Brit.

"Salamat kuya Kheem." at pilit akong ngumiti saka bumaling kay ate Brit. "Salamat din ate,mas maganda sigurong huwag na nyang malaman."

"O sige. Magpalakas ka ulit. Ayoko na ulit mawalan ng kapatid." malungkot na sabi ni kuya Kheem at saka sila lumabas na.

Natulala ako. Alam kong may mali,ayaw nilang sabihin kung anong nangyari kay Kiyuu. At hindi ko gusto ang nararamdaman kong kaba. Bakit ba ayaw nilang sabihin? At si Gero? Hindi na nya dapat itong malaman pa. Ayokong mag alala siya sa akin. Ayaw kong masira ang focus nya.

Nasan na ang may kasalanan kung bakit ako nasa ospital? Mariin kong pinikit ang mga mata ko at pilit inalala ang mga nangyari.

Napadilat ako ng mga mata ng marinig kong bumukas ang pinto,nang tingnan ko ito ay magkakasunod na pumasok sina Boom,Mon at Andrei.

"S-si Kiyuu?" ang agad kong tanong. Nagkatinginan silang tatlo. At lalong nabuo sa akin na may masamang nangyari kay Kiyuu.

"Deado on arival yung suspect,tinamaan sya sa ulo." bagkus ay sabi ni Boom.

"Kung hindi nyo sasabihin sa akin kung anong nangyari sa bestfriend ko. Mabuti pang umalis na kayo." ang sabi ko at iniwasan ko na silang tingnan.

"Pasensya na tol,pero wala kami sa posisyon para magsabi kung anong kalagayan nya." ang sabi ni Andrei.

"Bakit? Bakit may ganyan pa mga tol? Bakit hindi nyo na lang ako diretsuhin?" ang nanghihina kong sabi. Hindi ko kakayanin kung may mawawala akong mahal sa buhay,lalo na kung bestfriend ko. Ngayon naisip ko,ganito din ba ang nararamdaman ni Gero nung mga panahong mawawala na si Kaiicen?

"Pasensya na talaga tol."

Hindi ako umimik. Pinabayaan ko na lang na tumulo ang mga luha ko at ilabas yung nararamdaman ko. Parang ang hirap tanggapin, ayokong isiping patay na si Kiyuu,pero sa inaakto nila ay halatang halata na,hindi lang nila masabi sa akin ng deretsuhan.

It started in the Library (boyxboy)- COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon