Bago ang Wakas (First Part)

61 2 5
                                    

January 16, 2016.

Excited na ako. Makikita ko na naman siya after 3 long months. Kailan ba kami huling nagkasama? Noong anniversary pa yata namin. Matagal-tagal na din pala. Okay lang naman. Busy eh. Ako sa trabaho ko bilang teacher at siya naman bilang service crew sa restaurant na pinapasukan niya. Dito sa probinsya ko napiling magtrabaho habang siya mas ginustong sumugal ng kapalaran sa Maynila. Sabi nila mahirap daw ang Long Distance Relationship (LDR). Pero in our case, kinakaya naman. Pero may mga instances talaga na manghihina ka na lang. Okay naman lahat noon. Kahit toxic ang scheds namin, nagagawa pa naming magkausap at magkatext sa cellphone. Updated pa kami sa isa't-isa. Hanggang sa unti-unting nagbago ang lahat. Noong una, akala ko normal ang lahat. 'Yun lang pala ang pinili kong paniwalaan. Hindi ko inasahan na madami na pala ang nagbago. Ang dating isa o dalawang oras na pag-uusap naging 3 minuto na lang, o minsan, wala na. Nagkakatext na lang tayo para inform ang isa't-isa kung nakauwi o papasok na tayo sa work. Hindi ko napansin na wasak na pala tayo. Hanggang sa tinawagan mo ako para sabihing gusto mong makipagkita. Namimiss mo na ako kamo. Ako din naman. Kaya nga nagpasya ako na puntahan ka ng Maynila. Ako na ang gagawa ng paraan para maayos pa ito. Isasalba ko pa ang relasyong ito.

Sa biyahe pa lang iniisip ko na kung anong magaging reaksyon mo kapag nagkita na tayo ulit. Yayakapin mo ba ako ng sobrang higpit? Ano na kayang itsura mo ngayon? Nangayayat ka ba dahil sa kaka OT mo? O nanaba ka dahil puro McDo ang kinakain mo. Ilang oras na lang. Masasabi ko na ulit sa'yo ng malapitan kung gaano kita kamahal.

Alas sais na ng gabi ng makarating ako sa Cubao. Magkahalo ang pagod at sama ng pakiramdam pero nanaig pa din ang pagnanais na makita ka. Habang pababa ako ng bus ay nililinga-linga ko ang paligid para hanapin ka. Sabi mo sa text, malalate ka lang sandali dahil may tatapusin ka.

Lumipas ang lima, sampu, labing-lima hanggang tatlumpong minuto pero wala ka pa din. Tinetext kita pero di ka nagrereply. Nababalot na ang puso ko ng lungkot at takot dahil narito ako sa isang lugar kung saan wala akong ni isa mang kakilala. Kasabay neto ang pagkirot ng ulo ko dala ng pagod. Pero wala ka pa rin. Alas syete ng gabi ng magtext ka at sabihin mong sa kapatid mo na lang ako magpasundo. Lalong nanikip ang dibdib ko. Hindi ko pa lubusang kalapit loob ang kapatid mo pero dala ng sama ng loob ko sa'yo, kinapalan ko ang mukha ko at nagpasundo ako sa kanya. Dahil hindi din naman niya inaasahan, natagalan din sila ng dating.

Alas ocho ng gabi, bukod sa sama ng loob, lowbatt na din ang cellphone ko. Naiisip ko na umuwi na lang para matapos na tong kagagahang ito pero nanaig pa din ang kagustuhan ko na makita ka. Tanga na kung tanga. Pero mahal na mahal kasi kita.

Hanggang sa wakas, dumating din sila. Pagkakita ko sa kapatid mo, kasabay ng pagyakap niya sa akin ng mahigpit ang pag-iyak ko. Hindi ko na napigilang ilabas ang nararamdaman ko. Wala na ako sa sarili habang pasakay kami ng taxi pauwi sa bahay ng kapatid mo, kung saan tayo tutuloy.

Pinilit nila akong pakalmahin (si Erika at Rin). Pero sa mga oras na 'yun natatakot na ako sa pwedeng mangyari. Parang may mali. Ang daming tanong na naiwan sa isip ko ng mga oras na 'yun. Bakit hindi mo ako sinundo? Bakit hinayaan mo akong maghintay? Ganun ba talaga kahalaga ang trabaho mo na hindi mo maisantabi kahit isang araw man lang para sa akin? Ako na lang ba ang may gustong i work out ang realsyong ito? Hindi ka na ba masaya sa akin? Saan ako nagkulang?

Naputol ang pag-iisip ko ng bigla kang tumabi sa akin. Dumating ka na pala. Pinilit kong ngitian ka para masabing ayos lang lahat, pero sarili kong mga labi, tinatraydor ako. Halo-halong emosyon ang naglalaro sa puso ko ngayon. Saya dahil finally kasama na kita, lungkot dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, tampo dahil sa mga nangyari kanina, pagod at sama ng pakiramdam. Pinili kong yumuko na lang habang nakatitig ka sa akin.

"Galit ka ba? Sorry. Hassle sa office eh."

Pinili kong 'wag na lang umimik.

"Sorry na. Hindi ko naman sinasadya eh."

Katahimikan.

"Ngayon na nga lang tayo nagkasama ulit, gaganyan ka pa ba? Ang importante naman nandito na ako di ba? Ano pa bang problema mo?"

At sa kabila ng lahat, nanaig oa din ang katangahan ko.

"Sorry Dad. Pagod lang siguro ako.", ang tangi kong naitugon.

"Namiss kita 'My. I love you."

At sa pagkakataong yun, lahat ng agam-agam, tampo at hinanakit sa puso ko, nawala na parang bula.

The Three Month RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon