Crizhel POV.
Na discharge na ulit ako sa ospital at welcome back na naman ako dito sa aming mansiyon.
Bumaba na ako sa cotse at pinagutos na buhatin ang aking mga gamit sa aming mga katulong.
"Hello baby, i miss you so much" wika nina daddy at mommy habang silay tumakbo palapit saakin tsaka nila ako niyakap ng mahigpit.
"I miss you too ma,pa. Tipid kong sagot sakanila. Hindi manlang nila ako binisita noong 2nd day at 3rd day ko sa ospital. O diman lang sila tumawag saakin. Kahit kumusta wala!
"Okey kana ba anak?" Tanong saakin ni mommy tsaka niya hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa aking mukha.
"Okey na po ako. I just need a rest. Excuse me." Saad ko sakanila tsaka ko pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa aking kuwarto.
Hindi naman nila ako sinundan at hindi narin ako nakarinig pa ng salita galing sa kanila.
Linock ko ang pintuan ng aking kuwarto upang masiguro na walang makakapasok na istorbo. Isinalampak ko ang aking katawan sa aking kama.
Huminga ako ng malalim tsaka pumikit. Naalala ko bigla, pasukan na naman sa darating na lunes. Nextweek balik university na naman ako.
Kinuha ko agad ang aking cellphone sa mesa at dinial ang numero ni coleen.
Ilang segundo pa ay nagring na sa kabilang linya.
"Hello. Crizhel? Nako bruha kang babae ka! Ano kumusta na? Napaka palaka ng face mo at naisipan mo pang tumawag. Ano na? May news na ba sa lovelife mo o mala snow white parin ang drama mo?" Dire-diretso niyang tanong saakin. Siya nga pala si Coleen Buenavista ang dakilang stalker sa buhay ko. Alam niya lahat ang nangyayari sa buhay ko. Pati first kissko alam niya. First dance,first date lahat lahat. Well, ganyan talaga siguro ang kaibigan. Nawalan lang ako ng communication sakanya noong naahiwalay kami ng EX boyfriend ko. Pinsan niya kasi eh. Kaya nadamay ko pari relationship namin bilang magkaibigan.
"Hello crizhel still there?" Wika ulit nito sa telepono
"Ah, yes. Coleen pwede ba tayong magkita? Punta tayo sa NBS. bili lang tayo ng mga kakailanganin natin ngayong second semester" pagyayaya ko sakanya. Ang totoo, ayoko lang magmukmuk dito sa bahay.
"Huh? Eh bakit ako?? Balita ko umuwi si Ranz babe ha." Tumutili pa ito ng parang ewan ng banggitin niya ang pangalan ni ranz.
"Oo kakauwi lang niya 4 days ago. Ano tara sa mall?" Balik sa paganyaya ko sakanya
"Eh bakit hindi si ranz ang niyaya mo at ako pang may ginagawa ang inistorbo mo. Pero dahil mabait ako sayong babae ka, sige sasama ako" natawa naman ako ng pagak sa sinabi niya.
"Busy si ranz kaya tayo muna ang maglakwatsa. Sige magbihis kana. Kita nalang tayo sa ***** mall" nagsinungaling na naman ako kay coleen. Ang totoo hindi busy si ranz, gusto ko lang mag iba yung atmosphere ko. Gusto ko girl date naman. Baka mas mafall ako sa loko lagot na pag nagkataon.
"Oley.okey. Sige taposin ko lang tong niluluto ko. Kitakits criz." Saka niya ito binaba.
Agad akong bumangon mula sa aking pagkakahiga at dumeretso sa aking cabinet upang tumingin ng damit na isusuot ko.
Pinili kong mag pants tsaka simple lang na blouse at tinernohan ko rin ng flat na sandal.
Pagkatapos kong maligo at nagbihis ay bumaba ako mula sa aking kuwarto upang magpaalam sana kina daddy o mommy.
Kinatok ko ang kuwarto nila pero walang sumasagot. Siguro nasa labas sila ng mansiyon. Kaya minabuti kong hanapin sila.
"Iha nako andito kana pala ulit. Kumusta kana? Pasensiya iha di manlang kita nadalaw noong nasa ospital ka. Nagbakasyon kasi kami ng tatay Don sa pamilya namin doon sa probinsiya. Oo nga pala hinahanap mo ba sina maam celine at sir leonardo?" Tanong saakin ng aming kasambahay na si nana fely. Mga nasa 60 na ang edad niya. Ang pinaka masipag at pinakamatagal na kasambahay namin dito sa mansiyon. Siya ang nag alaga saakin noong bata palang ako. Tinuring ko na siyang bilang parte ng aming pamily.

YOU ARE READING
A thousand years for us
RomanceSa unang pagkakataon na gumawa ako ng istorya dito sa wattpad,sana po'y suportahan niyo ang bawat karakter na bibigyang buhay ko.para po ito sa mga taong naghahangad ng totoong pagmamahal :) sa ating panginoon salamat po sa binibigay niyong chance n...