Chrysanthemum's POV
Tumingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas. Dumating siya.Ang lalaking matagal ko ng hinihintay.
Isang taon.
Isang taon narin kaming hindi nagkita. Nandito lang kasi ako sa isang kwarto at hindi lumalabas.
Ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na puntahan ako.
Kinuha niya ang isang upuan at umupo sa tabi ko sabay lagay ng kanyang backpack.
Hindi siya makatingin sa akin pero ako titig na titig na kanya. Hinding hindi ako magsasawa sa mukha niya.
"Alam mo Chrys, hindi ko alam kung anong sasabihin ko." sabi niya habang nakatingin sa kawalan.
"Huwag kang mag-alala Lucas--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang nagsalita ulit siya.
"Patawarin mo ako kasi ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na puntahan ka." -Lucas
Biglang bumalot ang nakakabinging katahimikan sa paligid.
Nagulat ako nang kumuha siya ng isang bote ng beer at nilagok niya ito hanggang sa maubos.
Bastos.
Alam niyang ayaw ko ng alak eh. Well I guess wala na akong karapatang pagsabihan siya pagkatapos ng mga nangyari.
"Naalala ko pa yung panahon ng una nating pagkikita." napangiti ako nang maalala ko ang panahon na iyon.
"Bakit--" hindi ko talaga natatapos ang sasabihin ko.
"Hindi naman ikaw ang binati ko eh. Yung kaibigan kong nasa harap mo. Si Nike."
Aaah yun pala. Noon kasi akala ko ako ang binati niya kaya bumati rin ako tapos nagulat ako nang bigla silang humalakhak.
"Hindi naman ikaw---"
"alam mo ba na dahil kay Nike nakilala kita?" parang ayaw niya talaga ako patapusin.
Nabalot nanaman kami ng katahimikan. Well this is awkward.
"Chrys, why?"
Biglang may tumulo na luha sa kanyang mata.
swear. hindi ko alam ang sinasabi niya.
"Bakit mo ako iniwan?" Lucas. "Diba sabi mo hintayin kita?"
"Lucas, here me out." there nasabi ko na.
"alam mo ba na sasabihin ko na sana ang nararamdaman ko sayo nung gabing iyon?" Naiiyak nanaman siya.
"Wait let me ex--"Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong napahagulgol.
"Lucas mahal kita. Oo mahal kita. Sasagutin na sana kita nung nasa amusement park na tayo--" Hindi ko na naipatuloy ang sasabihin ko nang maalala ko ang mga nangyari.
Hindi ko siya nasagot sa amusement park nung gabing yun kasi bumangga ang sinasakyan kong jeep sa paparating na trak.
Oo mahal ko siya pero kailan man hinding hindi niya na yun malalaman.
Sorry Lucas. Nakikita kita pero hindi mo alam na nandito lang ako sa tabi mo.
Masakit.
Parang sinampal nanaman ako ng malagim na katotohanan.
Oo isang taon na. Alam niya ang totoong nangyari sa akin pero hindi niya matanggap.
No matter how much I shout, he can't hear me. He will never hear me.
Pinunasan niya ang lapida ko at tumingala sa langit.
"Chrysanthemum bumalik ka na. Miss na miss na kita at mahal na mahal kita."End.
-----------------
😝😝😗😗😚