Of all people
"THIS is Alpha in Area 3. Prepare your small arms, team. Over!" Hinihingal na sabi ni Junex habang nakasandal sa isang konkretong dingding. Kinasa niya ang hawak na baril saka tinapat muli sa bibig ang radio. "This is Alpha in Area 3. Prepare your small arms, team. Over!"
Small arms ang tawag nila sa mga baril upang hindi ganung malaman ng kalaban kung sakali mang makuha ang isa sa mga radio nila.
Walang nagbaback-call sa kaniya kaya sinilip niya ang mga kasamahan gamit ang binoculars na hawak. Nasa tamang posisyon naman ang mga 'to pero bakit ayaw sumagot ng mga loko?
Rinig niyang kumiskis ang radio niya sa tabi kaya nakinig siya.
"Alpha, this is beta. Small arms are out of holsters. Ready for command! Over!" Sabi nito at muling sumilip si Junex sa binoculars niya upang tignan ang lahat.
"Just don't shoot the hostage. Or you guys will be dead." Pananakot ni Junex dahil napakaimportante ng nililigtas nila.
Nakita niyang inaayos ni Edjan ang hawak na baril at siguradong sinipat at tinapat sa isa sa mga salamin ng building. Isa rin kasi itong sniper at tamang tama lamang ito sa kanilang team.
"Fire." Ani ni Junex saka nagsimula ng puro mga tunog at putok ng baril na lamang ang narinig niya.
Iba ay mga sigawan ng mga tao sa building na halatang tatakas na. Naglakad si Junex sa tapat ng malaking pintuan at prenteng tumayo don.
Inabangang ang mga lalabas.
Pinatunog niya muna ang mga leeg saka tinaas ang mga kamay para ianggulo ang baril at tirahin na ang mga parating.
Pinaulanan niya ng mga tira ang mga lumalabas na halatang gulat dahil hindi nila aakalaing may naghihintay sakanila sa baba.
Puro kasi nasa taas ang mga bumabaril kaya akala ng mga ito ay nandoon lahat ng kalaban.
PAGOD na binagsak ng apat na binata ang mga katawan nila sa sahig ng locker room. Pagod na pagod sila at parang kahit ang maligo ay hindi nila magawa.
"Shit! Buti hindi natin tinamaan ang hostage kundi tayo ang tama kay Boss." Ani ni Drexel ng tumatawa habang tinanggal ang vest sa katawan.
"Hahahaha eh patay talaga tayo jan. Bakasyon ni Alpha at natin nakasalalay dito eh!" Natatawa ring sabi ni Edjan saka pinunasan ang mga pintura sa mukha niya. "Shit! Mukha akong ita dito! Bakit ba itim ang pinili mo boss?"
Nagtanggal rin si Junex ng pintura sa pisngi. Hindi siya tinamaan ng kahit ano kanina pero dahil kay Edjan na tinamaan sa vest ay tumalamsik tuloy sa kaniya ang pintura.
"That's the last game, I'll play." Ani ni Meek saka naghubad ng damit upang maligo.
Oo tama. Laro lamang ang nangyari kanina. Part rin yon ng individual training nila kaya nga lang may premyo ito kung mananalo sila. Yun ay ang inaasam nilang bakasyon. 2 weeks din yon na walang misyon kaya talagang bakasyon para sa Team niya.
Ang kaninang hostage na kailangan nilang iligtas ay isang manika lamang na may nakadikit na certificate. Na nagsasabing they are all free for the next 2 weeks!
Ang tanging rule ng game ay:
Wag malalagyan ng pintura ang manika.Kung may talamsik- talo!
Mahirap lalo na't kasali rin ang mga rookies na tinitrain nila. Napakadami non. At buti na lang hindi lumapit ang mga yon sa manika kundi ay malalagot sila kay Junex.
Hinubad ni Junex ang sariling vest saka dumiretso na rin sa shower room.
Pagkayaring pagkayari kasi nilang magsipagligo ay pinapatawag sila ni Chief Sanchez dahil may mahalaga daw na sasabihin ito. Paniguradong tungkol ito sa misyon nila sa susunod na buwan. Baka naman nagbago na ang isip nito tungkol sa babaeng abogado. May isang buwan pa naman para makapagtrain ng bago at kung susuwertehin ay sana magaling ang makuha nila.
BINABASA MO ANG
Draw Me Close [DMC]
БоевикAlpha Team's Series 1 Highest Rank: # 36 in General Fiction Highest Rank: #109 in Action Kung hindi ba naman sa lolo ni Ezekiela Nica Mercado ay hindi na mabibigyan pa ng pansin at 'di na malalaman pa ang tungkol sa artifact na nasa pamamahay ng mga...