Chapter 7: Confusing

175 4 3
                                    

Xandria's P.O.V

After namin kumain dumerecho na kami sa room namin. Si Gladys lang ang napahiwalay dahil irregular student siya. After ng tatlo pa naming subject uwian na. At ito na nga ang oras ng kinatatakutan ko. Papunta na kami ni Nikka sa basketball court to start my research. Yes! Kasama ko si Nikka. Hindi talaga siya nagpapigil pero mas ok na din yun atleast may kasama ko.

BASKETBALL COURT

Nasa loob na kami ng court at kabadong kabado na ko. Hindi ko maipaliwanag ang feelings ko,para kong mababanyo na hindi.

"Sissy are you okay? " worried na tanong ni Nikka. Kumapit pa siya sa braso ko.

" Ang totoo sis hindi ako ok."

"But why? I thought you'll try to make friends with the F5? "

"Hindi sa F5 ako nagwoworry Sissy.kayang kaya ko sila kung sakali."

She still looked at me asking.

" Remember? Axel Damian Punzalan is a transferee? This is his sport too. The love of his life. "

" Oh God! I Almost forgot he's here.but its ok sissy we can do it. Just focus ok? "

Nagpunta na kami sa coaching team para kunin ang list ng mga players ganon na din ang mga magta try outs. Pagtingin ko sa listahan...... Hindi talaga ko nagkamali... Magta try out siya.

*dugdugdugudug

Nilibot ko ang paningin ko and there he is,together with the other students na magtatry out. Wala pa ring nagbago sa kanya. His body,his face,his smile even his hand gesture are still the same. Ganon pala talaga pag mahal mo isang tao makakabisado mo even the smallest detail about him. Pero nakaraan na yun... At dapat ko ng ihinto ang kung anumang tumatakbo sa isip ko.

Sa pag iisip ko hindi ko namalayang lumapit na pala siya sakin... God! He's handsome face.

" Xandy......... "

His husky voice.... How I miss him.... What? Miss him? Hindi ko na dapat nararamdaman to,pero bakit ganon? Para siyang magnet na humuhigop sa katinuan ng utak ko?

" Siss.. Sissy" - Nikka

Bumalik lang ako sa ulirat nang maramdaman ko ang pagyugyog ng braso ko na kagagawan ni Nikka. Nagulat ako ng makita ko sa harapan ko ang lalaking nang iwan sakin 2yrs. Ago pero sobrang miss na miss ko.

" H-hi!? Ma-mag ta-try out ka? " Stupid Xandria! Nasa basketball court siya at nakita mo sya sa list,malamang magta try-out siya! At bakit ka ba nabubulol!?

" Oo sana eh.. Hope matanggap ako." And he smiled perfectly! GOD HELP ME!

*dugdugdugdug

Sobrang lakas ng heart beat ko to the point na nakikita kong bumubuka ang bibig nya pero hindi ko siya maintindihan. Kailangan ko tuloy tanungin siya ulit.

" A-ano nga ulit yung sinabi mo? "

"Sabi ko sana hindi pa huli ang lahat.... " He smiled but then parang may konting pait. Then I realized sinaktan nga pala ko ng lalaking to.Pinaasa,pinaniwala at sa huli pinagpalit at iniwan. Nang maalala ko yun walang sabi sabi kong hinila si Nikka at iniwan siyang tulala.

" Why do you have to do that? He's talking to us." Tanong ni Nikka habang kinakaladkad ko siya patungo sa isang bakanteng bench malayo sa mga nag tatry outs.

" Have you forgotten? He dumped me? At galit ako sa kanya dahil don." Naupo ako at kinuha ko ang bottled water na binaon ko tsaka ininom na akala mo ako ang pagod na pagod sa pag wawarm up.

" Pero nataranta ka nung dumating siya,you even buckled in front of him. Meaning ganon pa rin ang epekto nya sayo."

"Siguro nung una. But after I remembered the last night 2years ago,nabuhay ang galit ko sa kanya."

"Hi Girls! "

" Ay palakang kinalbo ng nanay! " Napasigaw ako ng biglang may sumigaw sa likuran namin ni Nikka. Paglingon ko si Erick pala ang salarin. Sira ulo talaga tong lalaking to kahit kailan! Walang pinipiling oras o tao basta nakaisip mangtrip gagawin talaga.

" You jerk! Papatayin mo ba ko sa takot? Kung may sakit ako sa puso namatay na ko sa ginawa mo! " Singhal ko sa kanya sabay bato ng bottled water na hawak ko na agad naman nyang naiwasan. Ibang klase rin ang reflexes ng katawan nito.

"Sorry naman. Mukha kasing masyadong seryoso yung pinag uusapan nyo." - Erick

" Alam mo na ngang seryoso pinagtripan mo pa! How dare you! " -ako

" Pumapanget kasi kayo kaya naisip ko lang na tumulong. Hehe."

Napakamapang asar talaga ng lalaking to. Sa member ng F5 siya ang pinakamakulit at makalokohan pero dami pa ring babaeng naghahabol. Tulad ngayon dumadating na isa isa ang mga fans nila at tiyak na may magtataas ng kilay pag nakita nilang hinaharot kmi ng mga mokong nato.

"Ano ba kasing pinag uusapan niyo at seryosong seryoso kayo? Pinag iisipan nyo ba kung sino saming lima ang pinakagwapo? " Sumabat na ang hugot king na si Drake.

" It is none of your business. You know? Mind your own! Che" Irap ko sa kanya.

" Yan naman ang hirap sayo eh.. Lagi kang walang pakialam. Sana naging journal papers na lang si Kiann para naman kahit papano mapaglaanan mo kahit isang minuto man lang ng oras mo." mahaba nyang hugot.

" Dinamay mo na naman ako! Gunggong! " Sigaw ni Kiann sabay bato ng bola kay Drake at nasalo naman agad nito. Talaga bang pag basketball player mabilis ang reflexes?

" Tinutulungan lang kita Dude! " Hinagis nya pabalik kay Kiann ang bola. Again nasalo nya rin.nag wawarm up na yata sila at kami ang napagdiskitahan.

" Kaya ko! Sira Ulo! "- Kiann

Nagtatawanan na sila nang may marinig kaming mga kinikilig sa di kalayuan.

" Ayieeee.... Ang gwapo talaga nung transferee at parang magaling din magbasketball. Mukhang may papalit na yata kay Kiann".  Sabi nung isang babaeng malaclown ang make up.

" Naku huh! Mas magaling pa rin ang Papa Kiann ko dyan no." Sagot naman nung babaeng sobrang madugo ang labi sa kapal ng lipstick.

Napatingin ako sa gawing tinitingnan nila. Nakita ko si Axel na nagpapractice magshooting sa free throw line,lahat shoot at ringless. Medyo matagal din akong nakatingin sa kanya ng may maramdaman akong parang nakatitig sakin. Paglingon ko sa bench ng F5 nahuli kong nakatitig sakin si Kiann,hindi siya nakangiti pero mukha namang hindi siya galit. Kung tama ako sa iniisip ko may bahid ng lungkot ng mga matang iyon. Napansin kong napatiim bagang siya at saka lumayo ng tingin. Sa unang pagkakataon ngayon lang kami nagkaharap na wala siyang sinabi na kahit ano sa akin. Nakakapanibago lang.

Loving You Unexpectedly Where stories live. Discover now