Walang permanente sa mundo, minsan nasa ibabaw minsan nasa itaas. Hindi lang ang numero ng buwan, araw o taon ang napapalitan, hindi lang ang mga perang pinaghirapan, pagkain na niluluto o inumin ang nauubos. Ang mga damit na ating isinusuot ay nilalabhan, unti-unting kumukupas, rumurupok at nasisira. Maging ang mga bagong teknolohiya na ginagamit natin ay may limitasyon din, naluluma at nasisira rin ang mga ito. Maski tayo bilang isang tao, kasabay ng ating paglaki, nagbabago rin tayo...
"We're Enemies but we're also Friends, You can call it "FRENEMIES"
Pretend to be my friend,and then I'll keep what you hide.
Like something that we're not...
Do me a favor and you can't say no or else...
I'll surely make your life miserable."
Iyan ang mga salitang binitawan niya sa akin. Bagay na aming napagkasunduan at sa tingin ko'y naipit na ako sa sitwasyong ito at hindi na ako makakatanggi pa.
Ako si Enma Arriete Alvarez isang babaeng walang pangarap at hindi alam kung anong patutunguhan.
Sa kabila ng masasakit na napagdaanan ko sa buhay, dumating ang panahon kung saan may isang taong nagpabago ng kapalaran ko. Disenteng tirahan, magarang kagamitan, sosyal na kasuotan, maayos na pamumuhay at higit sa lahat sya na nagmamahal sa akin at sa tingin ko'y mahal ko na rin. Pero bakit ganoon kung kailan halos perpekto na ang lahat bigla na lang babawiin sa akin. Sa mga ilang taong magkasama kami, sa kanya na ako naka-dipende. Ang hirap isipin na aalis siya at iiwan ako. Aanhin ko ang magagandang bagay na nasa paligid ko kung wala naman ang taong nagpapasaya sakin.
Sa kanyang paglisan, hindi ako nag-iisa, nakatira kami sa iisang bubong at kitang-kita ko siya. Isang nilalang na ni kahit minsan hindi ako itinuring na isang matinong tao. Para akong basahan na pwedeng apak-apakan, ipunas kung saan-saan at pagkatapos ay itatapon na lang. Sa makatuwid, pinagmukha niya kong alila kabaliktaran ng ipinaramdam sa akin ng kanyang kadugo. Pero hinding-hindi ako magpapadala sa kanya, kailangan kong magtiis habang nag-hihintay sa pagbabalik ng taong mahal ko. Wala akong tanim ng sama ng loob, kundi dahi l sa mga paghihirap niya sa akin, hindi ko matututunan ang tumayo sa aking sarili nang hindi lang umaasa sa mga taong handang tumulong sa akin. Natuto akong mas maging malakas sa pagharap ng mga problema sa buhay.
Alam ko darating ang panahon na mapagtatanto niya ang mga kamalian niya...
Naniniwala ako na kahit kasing tigas pa ng bato ang puso niya,
May isang tao na kayang magpabago nito.
Alam kong hindi ako ang taong iyon, ngunit susubukan ko sa paraang alam ko.
Sana dumating ang pagkakataon na ituring niya akong tunay na kaibigan kundi man ay bilang isang tao na may pakiramdam at nasasaktan rin.
Dahil kahit ganyan siya tanggap ko siya...
Mahalaga sya, dahil isa siya sa mga taong importante sa buhay ng minamahal ko.
Kaya naman kung tatanungin ko siya ng, "Kailan mo kaya ako matatanggap?"
Ano kayang isasagot niya?
(A/N: Follow, Vote, Comments and Suggestions ^_^)
BINABASA MO ANG
Unchained Hearts of Frenemies
Teen FictionAng istoryang ito ay tungkol kay Enma, isang babaeng hindi nakaranas ng kaginhawaan simula pa lamang ng kanyang pagkabata at lagi na lang dumidipende sa tulong ng iba. Nakilala niya ang isang taong nagbigay ng kulay sa kanyang buhay ngunit sa isang...