"Hanggang kailan mo ba ako lolokohin? Kailan ka hihinto d'yan sapambababae mo? Lumalaki na si Chloë. Nakikita niya ang mga ginagawamo at palagi na siyang nagtatanong sa akin kung bakit madalas kangwala!" malakas na sigaw ng mama ni Chloë sa kanyang papa. "Ano angsasabihin ko sa kanya?" dugtong pa nito.
"Kapag hindi ka tumigil sa kadadakdak mo d'yan, iiwan ko natalaga kayo! Wala ka nang ginawa kundi dumakdak nang dumakdaksa harapan ko!" sagot ng ginoo. "Masyado kang nagger!"
"Kung matino kang ama, sa tingin mo ba magiging ganito ako?Kung ang iniintindi mo ay pagtatrabaho lang at kaming mag-ina mo,wala akong ibang gagawin kundi ang alagaan ka nang maayos. Michael,sawang-sawa na ako. Pagod na pagod na akong intindihin ka sa mgabisyo mong 'yan at lalong-lalo na d'yan sa babae mo. Ako na ang asawamo ngayon. May anak na tayo."
Nagdadabog na umalis ang papa ni Chloë at malakas pa nitongibinagsak ang pinto. Naiwang umiiyak ang kanyang mama habangnakatingin sa nakasarang pinto.
Napasigaw si Chloë nang magising habang hinahabolang kanyang hininga. Nanaginip na naman siya at iyon ulitang laman ng kanyang panaginip. Hanggang kailan ba niya itomapapanaginipan? Kailan ba niya makakalimutan nang tuluyan ang pangit na bahaging iyon ng kanyang buhay?
"O, Chloë, anak, gising ka na pala. Bumangon ka na at bakama-late ka pa sa trabaho mo. Nakahanda na ang almusal. Sabayna tayo kumain," sabi ng kanyang mama, si Cess.
"Opo, Ma. Bababa na din po ako."
Kumakain na sila ng kanilang agahan nang magtanong angmatandang babae.
"Anak, kamusta pala sa trabaho mo?"
"Okay naman po, Ma," matipid niyang sagot.
"Anak, ilang taon ka na ba? Wala ka pa ding ipinapakilalasa akin bilang boyfriend. Tapatin mo nga ako, ano ba talaga anggusto mo? Tatanggapin naman kita kahit ano at sino ka pa, eh.Sabihin mo lang sa akin."
"Ma, ayan na naman po tayo, eh. Babae po ako. Lalaki poang gusto ko," paliwanag niya.
Madalas itong mag-bring up ng ganoong topic, minamadalina siyang mag-boyfriend. May apat na taon na rin kasi siyangtapos sa pag-aaral. Nursing ang natapos niyang course. At walapa siyang naipapakilala sa ina kahit na isang lalaki bilang kanyangboyfriend. Dahil doon kaya nag-aalala ito para sa kanya.
"Anak, ilang beses ko ba sasabihin na hindi lahat ng lalaki aykagaya ng ama mo. Marami d'yan ang matino. Marami d'yan ang tapat. Subukan mo, anak, para hindi ka tumanda nang mag-isa."
Lahat po ng lalaki ay kagaya ni Papa. Napatunayan ko na po 'yan,sabi ni Chloë sa isip. Hindi naman niya ito masabi sa kanyangmama.
"Tapos na po akong kumain, maliligo na po ako." Tatayona sana siya nang pigilan siya ni Cess.
"Anak, maganda ka, matalino at masipag. Lambutan mo'yang puso mo para mas gumaan at sumaya ang buhay mo."
"Masaya po ang buhay ko, Mama, kahit na walang lalaki."Iniwan na niya ito upang bumalik sa kanyang kuwarto.Limang taon siya nang iwan sila ng kanyang papa. Hindina niya maalala kung ano ang itsura nito. Walang ipinapakitani Cess na larawan ng kanyang ama upang malaman niya angitsura nito. Kinalimutan na rin niya ito. Kagaya ng paglimot nitosa kanila. Sumama ang ama niya sa ibang babae.Hindi makalimutan ni Chloë ang mga panahon na nakikitaat naririnig niya ang kanyang mga magulang na laging nagaaway.Bata pa lang siya ay namulat na siya na walang matinonglalaki, kahinaan ng mga ito ang mga bisyo kasama roon ang mgababae. Awang-awa siya sa kanyang mama lalo sa mga panahonna nakikita niya itong umiiyak. Nawala na rin ang tiwala niyasa mga lalaki.Napansin ito ni Cess kaya halos araw-araw kungpaalalahanan siya nito na hindi lahat ng lalaki ay manloloko.Hindi lang alam ng kanyang mama na sinubukan niya kung totoo ang sinasabi nito sa kanya. Napatunayan niyang totoo angpaniniwala niya noong bata pa lang siya, na lahat ng lalaki aymanloloko at babaero. Kaya ngayon wala na talaga siyang tiwalana maibibigay pa sa mga lalaki. Sapat na ang dalawang beses nasinubukan niyang makipagrelasyon sa mga ito.Matapos maligo at makapag-ayos sa sarili ay bumaba na siChloë para pumasok sa kanyang trabaho.
YOU ARE READING
Cure for a Broken Heart (Published by Bookware Pink&Purple)
RomanceMatapos silang iwan ng kanyang ama noong bata pa siya at maloko ng dalawang lalaki, nangako si Chloë sa sarili na kailanman ay hindi na siya ulit masasaktan pa ng kahit na sinong lalaki. Man-hater na tuloy ang panukso sa kanya ng mga katrabaho. Pero...