Chapter 1

21 0 0
                                    

"Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy birthday happy birthday happy birthday to you!" masayang kantahang ng magkakaibigang Ja, Ar-em, Diane, Zaide, Jemar para sa kaibigang nagcecelebrate ng kaarawan ng araw na iyon. Lahat sila ay nakangiti at masayang masaya ng mga sandaling iyon.

"Blow your candle, Christian" masayang utos ni Ja sa kaibigan na may kaarawan.

"Excited lang? Wait lang make I wish muna ako malay ninyo matupad, di ba?" nakangiting sabi ni Christian.

Pumikit sandali si Christian ang bumulong ng salita bago hipan ang kandila sa ibabaw ng cake. Palakpakan at sigawan naman ang mga tao paligid.

Nagkakasayahan na ang lahat. Ayong may nagkakantahan, may mga sumasayaw. Meron din naman na nagiinuman lang at nagkukwentuhan. Busy si Christian sa mga kaibigan ng tawagin siya ng Mama niya dahil may dumating daw na kamag-anak nito. Nagpaalam muna sandali ang lalaki bago harapin ang bagong dating.

Si Ja at Zaide naman ay panay lang ang sayaw sa harap ng mga kaibigan na halos mapaos na sa kakasigaw. Ang lahat ay masaya. Ang lahat ay maligayang maligaya kaya hindi nila napansin ang pagbabalik ng kaibigang may kaarawan.

"Guys," tawag ni Christian sa mga kaibigan. Lahat naman ay nabaling ang tingin sa tumawag at sa kasama nito. Si Ja na sumasayaw ay nahinto at tumingin sa kaibigan bago sa kasama nitong titig na titig sa kanya. May ngiti pa sa mga labi na lalong nagbigay ng maaliwalas na aura dito. And take note, ang gwapo ni Loko!

"Pinsan ko nga pala si Travis. Makikisaya." sabi ni Christian sa mga kaibigan bago bumaling sa pinsan nito."Bro, mga kaibigan ko."

Ngumiti naman ang pinsan ni Christian. Lumapit ito sa mga pinakilala at nakipagkamay. Pagdating kay Ja ay lalong ngumiti ito na halos mawala na ang mata. "Hi Ms. Beautiful!" sabi nito sabay halik sa kamay ng dalaga. Nagulat man sa nakita ay naghiyawan naman ang magkakaibigan. Si Ja naman ay dinedma lang ang ginawa ng pinsan ni Christian.

"Bro, umiinom ba yang pinsan mo?" tanong ni Zaide kay Christian.

"Naku Zaide, pumapalag ang isang ito. Baka nga ihatid pa kayo sa mga bahay ninyo eh." nakangiting sagot ni Christian.

"Travis right?" baling dito ni Zaide. "Join ka sa amin. Magpabaha tayo ng alak dito." aya dito ni Zaide.

Lumapit naman ang lalaki bago umupo sa tabi ni Zaide na katapat naman ng upuan ni Ja.

Nag inuman ang mga ito. Lahat ay game maging ang mga babae. Halos lahat ay may tama na pero patuloy pa rin sa pag-inom. Si Ja na may tama na ay patuloy lang sa pag inom. Tumingin ito sa mga kaibigan at napansin nitong titig na titig na naman ang pinsan ni Christian sa kanya. Napasimangot siya sa nakita. Lalo naman lumawak ang pagkakangiti ng lalaki.

"Laro tayo guys!" biglang sabi ni Ar-em.

"Anong laro naman yan?" tanong naman ni Jemar.

"Spin the bottle lang naman. Truth or dare pero pag hindi ginawa ang dare o hindi sumagot, 3 shots ng tequila. Ano game ba kayo?"

Sabay sabay na sumigaw ang magkakaibigan. Sang-ayon ang mga ito. Si Ar-em ang unang nag spin ng bottle at kay Zaide ito napatapat.

"Truth or dare?" tanong ni Ar-em.

"Dare!" masiglang sagot nito.

"Okay, did you see that videoke over there? Pick a song and sing it." utos ni Ar-em. Alam niyang never kumanta si Zaide kaya iyon ang inutos niya. Hindi sumunod si Zaide kaya 3 shots ng tequila ang ininom nito. Sigawan naman ang magkakaibigan sa naging hitsura ni Zaide ng sumipsip ng lemon. Si Zaide naman ang nag spin ng bottle at napatapat naman ito kay Christian.

"Oh the Birthday Boy, truth or dare?" tanong dito ni Zaide.

"Truth!" mabilis na sagot ni Christian.

"Okay here's the question. Sino ang girlfriend mo ngayon?"

Wala kasing binabanggit ito sa kanila kung sino ang girlfriend nito kaya iyon ang tinanong nila. Kahit naman close friends sila ay may mga privacy pa rin sila sa bawat isa. Hindi nila pinipilit na magkwento unless sarili nito ang magkusang magkwento.

Napatawa naman si Christian sa tanong. "Hahahaha! Gusto talaga ninyong malaman ah. Well since nandito na. Si Krissy Delgado ng Finance Department girlfriend ko."

"Si Krissy? The terror employee? Kayo? OMG!" hindi makapaniwalang tanong ni Ar-em.

"Yes the one and only!" confirm ni Christian bago pinaikot ang bote. Tumapat ito kay Ja.

"Truth or Dare?" tanong ni Christian dito.

"Truth!" sagot ni Ja. Wala kasi siya sa mood sundin ang mga utos nito. Unlike truth sasagot ka lang.

"Nasaan na ang long time Boyfriend mo? Bakit bigla siyang nawala?" tanong ni Christian. Lahat ay nakatutok kay Ja.

"3 Shots of tequila." sagit ni Ja sabay shot sa inumin ng sunod sunod.

Nagtaka naman ang lahat sa inakto ng dalaga. Wala silang alam sa estado ng buhay pag ibig nito dahil hindi naman ito nagoopen sa kanila kahit sa mga babae. Akala nila ay sasagot ito.

Tumagal ang laro nila. Lahat ng mapatapat kay Ja ay truth ang pinipili pero wala din naman nasagot ni isa kaya nakarami ito ng shots ng tequila na lalong nagpalasing dito.

"Guys last na ito ah. Pahinga na tayo." sabi ni Jemar. Siya kasi ang huling natapatan.

Kahit may tama na ang lahat ay tumango naman ang ito. Pinaikot na Jemar ang bote at napatapat ito kay Ja.

"Sus, wag ka nang magtanong kung truth or dare bigyan mo na ng shots di naman yan sasagot." sabi ni Diane. May tama na din ito.

Nakatulala lang naman si Ja habang hawak ang baso ng shot. Lasing na lasing na ito. Nagulat naman ang lahat nang mapansin ang luhang tumatagas sa mata nito at nagsalita.

"He left me!" bulong nito pero sapat para marinig ng lahat. Nakuha nito ang atensyon ng lahat maging ang pinsan ni Christian ay natuon ang pansin sa kanya.

Flashback

Masayang kumakain si Ja at ang kanyang long time boyfriend, si Xander sa isang restaurant.

"Babe, nakausap ko si Ar-em yesterday and sabi niya may adventure trip daw ang tropa somewhere in Ilocos. Pumayag ako kasi di ba malapit na yong anniversary natin. So doon na lang tayo magcelebrate." nakangiting kwento nito sa kasintahan. Pero nakatulala lang ang kasintahan nito. Hindi naman pinansin ni Ja ang pagkawalang reaksyon nito nagpatuloy lang ito sa pagsasalita.

"Lahat kasama even their boyfriends and girlfriends so it is one big happy adventure trip. At saka may plano daw ni Jemar magpropose sa girlfriend nito kaya excited kaming lahat. It is so romantic, right babe? Sabi pa nga ni Ar-em, kame daw bahala sa girlfriend ni Jemar while the boys ay katulong nito. And take note, gagawin nila iyon at the top of the mountain. Ang sweet di ba babe? Tayo kaya kelan. Excited na din ako. Gusto ko garden wedding para maganda sa paningin ang green nature. Tapos ang mga bis.........." napahinto sa pagsasalita si Ja nang mapansin na walang kibo at walang reaksyon ang kasintahan.

"What's wrong babe?" tanong nito sa lalaki.

Tumingin naman sa kanya ang kasintahan. Nagsalita ito pero nauutal.

"J-ja," panimula nito. Nakuha naman nito ang atensyon ni Ja. "I-i'm s-sorry. But I'm n-not read-dy for more serious relationship. You see, I love my job. Because of it, I can travel all around the world. I can see all the beautiful sceneries. I feel my freedom."

Nagulat si Ja sa mga narinig sa kasintahan. "Babe," wala siyang mahapuhap na salita para dugtungan ang pagtawag dito.

"I love what I'm doing. You know it. This is my dream. So much better if we can give each other space. I'm sorry but I have to go. I have 11 pm flight." sabi nito. Binitawan ang kamay niya at iniwan siya na nakatulala habang lumuluha. Wala siyang pakialam kung pagtinginan siya ng mata. Ang importante mailabas niya ang sama ng loob.

End of Flashback

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Age Doesn't Matter!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon