RED EYES (TRUE STORY)

1.9K 37 3
                                    

NOVEMBER 4, 2013

                              Nakatira ang lola ko malapit sa forest. Isang araw nandun kaming magpipinsan at naglalaro sa likod bahay. Nakita naming yung iba naming pinsan kasama si Dianne malapit sa forest at nagkwekentuhan about sa ghost stories. Tumakbo kami papunta sa kanila at naki-join sa kwentuhan. 


Mga 4pm, tuloy tuloy pa rin kami sa pagkwekwentuhan. Ito yung story: 

Manganganak noon ang lola ko sa Tita ko. Wala silang pera noon para sa hospital manganak si lola, kaya lumabas si lolo para humanap ng maaaring magpaanak kay lola sa bahay. Madilim na nun at umuulan pa ng malakas. Naiwan mag isa sa bahay si lola. Wala pa kasi yung nanay ko noon. 

Makalipas ang ilang saglit, biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ng lola ko yung pinto at nakatayo dun yung isang babae na nagpakilala na sya yung magpapaanak sa kanya. Nang maipanganak yung tita ko, gusto nang matulog ni lola dahil sa sobrang pagod.

Medyo may edad  na din kasi nung mga panahong yun si lola. Pero laking gulat nya ng biglang pumula yung mata ng babaeng nagpaanak sa kanya habang nakatitig sa tita ko. Kinuha ni lola ang tita ko para mailayo sa babaeng mapula ang mata. 

Sabi ng lola ko hindi ako natatakot sa iyo, at hindi mo rin makukuha ang anak ko. Matapang ang lola ko ipinaglaban daw nya ang buhay nya para sa tita ko. Sa lakas ng boses ng lola ko ay nagulat daw yun kapitbahay nila na dalawang lalake na napadaan sa harap ng bahay nila.

Biglang daw nagpasukan yun dalawang lalake, buti nalang ay may dala silang tabak. Nilabanan nila yun babaeng mapula ang mata. Pero mabilis nakatakas ang babaeng mapula ang mata. Buti nga raw hindi kinain ang tita ko habang ipinapanganak sya noon.

Pag uwi ng lola ko kasama ang kumadrona, magpapaanak sana sa lola ko  ay nagulat sa dami ng tao

Sa bahay namin. Akala tuloy ng lolo ko kung ano na ang nangyari sa lola ko. Sabi ng lola ko di raw nila alam kung anong klaseng aswang yun. Mula daw noon din a raw nagbalik yung babaeng mapula ang mata.

Pero nakabalita raw sila na may nakain daw yung babaeng mapula ang mata sa kabilang baryo. Kawawa nga raw yun isang pamilya patay lahat. Bali balita nalang daw na marami na rin nakain yung aswang. Laging nagpapanggap na kumadrona pagtapos ay kakainin daw.

Sa ngayon wala na kaming balita, kung buhay pa ba yung aswang na iyon at kung saan na nagpunta. Ngayon lang daw din nila nakita yung aswang na iyon.

Ngayon wala na raw multo doon sa baryo namin. Marami na rin kasing tao. Yung bahay naming sa baryo ay wala na mula ng mamatay ang lola at lolo ko.

WAKAS  

              

RED EYES (TRUE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon