[Revised]
B R I A N A T R I X I E ' S P O V
"Class dismiss."
Sa wakas, sinabi na rin ni Maam ang line na kanina ko pang gustong marinig kaya nagsimula na akong magligpit ng mga gamit ko pero may biglang kumalabit saakin.
"BESSSSST, may chicka ako sayo." Nilingon ko si Bestfriend. Pawis na pawis siya at hinihingal.
"At ano na naman?." Walang gana kong tanong sa kanya. Hindi ako chismosa katulad niya.
"I can't breath, Okay. Alam mo ba, buntis si Mega." Hinihingal niyang balita at kanina pa nagtitili sabay hampas saakin na parang hindi talaga siya makapaniwala.
"BUNTIS SI MEGA?." Napasigaw naman ako sa gulat pero tinakpan agad ni Bestfriend ang bibig ko.
"Sshhh, wag kang maingay. Baka marinig tayo." Suway saakin sabay palinga-linga sa paligid. Oh uh, nandito pa pala kami sa classroom at may iilang estudyante pa ang nandito. Alam kong may narinig sila.
"Sinong Ama?" Bulong ko sakanya sabay lakad palabas ng classroom.
"Wag kang magugulat ha. Si Dylan." Natigilan ako sa paglalakad at napalingon sakanya. Parang biglang tumigil ang mundo ko.
"WHAAAAAT, no way. No way, no way. Hindi maaari."
"Dali, puntahan na natin siya." Recommend niya. Gaya ng sabi niya, pinuntahan namin si Dylan.
"Heyy, watzup Trixi---." Binati ako ni Dylan ng makita niya ako pero hindi ko na siya pinatapos dahil isang malutong na sampal ang binigay ko sakanya bilang ganting pabati sakanya.
*paaaaak*
"ANO BA---. Hindi ulit natapis ang kanyang sasabihin dahil sinampal ko ulit siya.
*paaaaak*
"WALANGHIYA KA, NAPAKA---Arayy." Naputol rin ang sasabihin ko sana nang may biglang sumabunot saakin.
"WAG NA WAG MO SIYANG SASAKTAN, DUMAAN KA MUNA SAAKIN." Wika ni Mega at pinagpatuloy ang pagsabunot saakin. Hindi naman ako makaganti dahil ang tangkad niya samantalang ako, nevermind. At syempre, hindi ako pumapatol sa mga buntis, baka makasala pa ako kay Lord.
Nawala na rin sa paningin ko si Bestfriend.
Hindi na namin namalayan na marami na palang nakikinood sa eksena namin ni Mega. Baka first time nilang makanood ng live na action movie.
"Prrrrrrt, MAGSITIGIL KAYONG DALAWA." Napatigil kami nung marinig namin ang boses ng head sa pagdidisiplina saamin, si Ms. Gloomsy. Nakita ko naman si bestfriend sa tabi niya.
"YOU TWO, TO MY OFFICE. NOW, INCLUDING YOU DYLAN." Nakayuko kaming lahat at sumunod sakanya papunta sa discipline office.
-
"EXPLAIN. EVERYTHING. MS. BROOKLYN."
"Ms. Gloomsy, sinampal ko lang naman po si Dylan dahil sa kawalang hiya niya. Pero yang Mega na yan. Yan ang nakikigulo saamin." Tinuro ko si Mega na ngayon, masamang nakatingin saakin.
"Hindi po ms. Gloomsy, siya ang unang sumabunot saakin." Napataas naman ang kilay ko sa mga plastik at nagpapainnosente na tao.
"Oose, di nga?. Ba't di natin tanungin si Dylan." Napatingin kaming lahat ni Dylan na ngayong parang natatae. Hotseat siya ngayon.
"Dylan?." Nakangisi kong tanong sakanya.
"Si Trixie po ang unang sumabunot kay Mega po." Sagot ni Dylan. So, kinakampihan niya si Mega. Ang tanga ko talaga, eh babae niya yan eh at binuntis pa edi si Siya talaga ang kakampihan niya.
"At bakit ako? Ehh si Mega lang naman ang unang sumabunot saakin nang makita niyang sinampal kita." Nakangisi kung sabi sa kanya.
"Ms. Brooklyn, bakit mo naman sinampal si Mr. Brooklyn na sariling kapatid mo pa?."
"Ms. Gloomsy, this is family matters at siya ang am---asdffghhkklzxc." Nagkabulol-bulol ang sasabihin ko sa dulo nang tinakpan ni Dylan ang bibig ko.
"LET HER TALK MR. BROOKLYN." Agad namang niya akong binitawan.
"Mega is pr..." pinabitin ko muna at tinignan si Mega na parang maiiyak na. "Mega is p---."
"Ms. Gloomsy, ako po ang unang sumabunot kay Trixie at nakikigulo kanina. Sorry po, hindi na po ito mauulit." Napangisi naman ako nang biglang lumuhod si Mega sa harapan ni Ms. Gloomsy at umamin rin sakanyang kasalanan.
"Well, the problem was solve." Tumayo na si Ms. Gloomsy pero bago siya umalis, may sinabi si Ms. Gloomsy."I was disapointed about you Ms. Survilla. Lets dicuss the later." Nagnod lang si Mega.
-
Matapos ng mainit na usapan sa discipline office, dumiretso ako sa locker ko upang doon ipaglalagyan ang mga gamit ko.
Pagbukas ko sa locker ko, may pink na enveloppe ang bumungad saakin. Maganda ang pagkadesign nito kaya nasasabik kong buksan ang laman nito.
Napawi ang ngiti sa labi ko nang mapagtanto ang laman ay sulat na ikakamatay ko na talaga.
Congratulations, you're invited in Windyson Academy.
-w A w
"I'M DEAD."
THE LAST NERD STANDING
AUTHOR'S NOTE:
Pasensya talaga kung maraming mali, wrong grammar basta lahat ng pagkakamali ko. Sa phone ko lang kasi gingawa. Hope you like it my story.
VOTE. COMMENT. ENJOY
BINABASA MO ANG
The Last Nerd Standing
Adventure#20 in Adventure ~Windyson Academy~ Briana Trixie Brooklyn 16 yrs old Hindi kagandahan pero nerd At Matalino Maingay, yeah thats the first time in history And Not a bully _________________________ May isang babae napadpad sa isang malaki at masosyal...