[Revised]
A/N:
Guyss, Edited na po ito pero expect na hindi ako perfect kaya minsan may mali parin thank you. Ask me kung may nalilito.
----------------------------------------TRIXIE'S POV
"Honey, we're here." Parang gusto kong hindi-an ang invitation. Hindi ko kakayanin mabuhay doon sa school na yun baka ikamatay ko pa. Wag naman sana.
"Mommy, ayaw ko po dito. Gusto ko dun na lang sa dati." Reklamo ko nang tumigil ang kotse sa tapat ng mga punongkahoy at may lumang gate bilang boundery. Ang creepy naman dito.
"Honey, wala na tayong magagawa. Once na maginvite ang Windyson Academy, there's no turning back. At once in a lifetime lang yun." Tugon naman ni Mommy. Mas lalo ko talagang ipupush ang self ko na magaral na lang doon sa dating school dahil sa mga nakikita ko ngayon.
Ang Windyson Academy kasi ay isa sa mga sikat o kilala na Akademya. Mga magaganda at pogi lang ang mga makakapasok dito.
Tanging ang sulat lang ang patunay na maganda ka talaga sa labas man o sa loob, nagsisilbi itong key para makapasok ka dito. Hindi ka kasi makakapasok ng basta basta kung wala kang sulat na natanggap kahit maganda ka pa o pogi.
Sana pala sinunog ko ang sulat pero bago pa man mangyari yun, bigla itong nagtransform into singsing na may maliit na diamante na kulay pink pagkatapos kong basahin ang sulat.
Kahit anong pilit kong tanggalin. Hindi pa rin matatanggal. Sayang, isasangla ko sana. Tiyak malaki ang halaga nito.
"I think, dito ka na lang honey. Bye, love you." Paalam saakin pagkatapos pinababa na ako ni Mommy saka pinaharurot ang kotse. Napaubo na lang ako dahil sa matinding usok dulot ng kotse ni Mommy.
Naestatwa ako. Napagtanto ko kung saan ako iniwanni Mommy, sa creepy na---uh oh. Wala naman akong matatakbuhan dahil kahit saan ako titingin, tanging ang mga punongkahoy lang at mga mataas na damo ang nandito.
Hindi ko rin alam kung saan ang Windyson Academy dahil wala akong makita niisang gusaling nakatayo dito. Ito na talaga ang katapusan ko.
Maya maya biglang umilaw ang singsing ko. Woah, ang galing. Umiilaw ang diamond? So fake ito at saan pala nilalagay ang battery?
Nakakapagtaka, parang may malakas na pwersa ang singsing at hinihila ako papunta sa mga punongkahoy. Napilitan kong buksan ang lumang gate. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid pero ang nakaagaw ng attensiyon ko ay ang magandang well.
Hindi ko yata ito napansin nung ako ay nasa labas.
Nagulat naman ako ng umilaw ulit ang singsing ko and this time, nahihila na niya ako papunta sa well. Ang ganda nito pero ang lalim, pero bakit ako pilit na pinapunta dito.
Mas lalo akong hinihila pababa ng well, muntik na tuloy akong mahulog. Natatakot na akong mahulog kaya pinilit ko ang sarili na magpapabigat at hindi magpapadala sa singsing pero ang lakas ng pwersa ng singsing kaya tuluyan na akong nahulog sa well. I think this is my end.
"Aaaaaaaaahhhhhhhhhhhh." Sigaw ko. Ang lalim. Wala namang tubig at ang dilim.
"Waaaaaaaaaaahh *boooogsh*. Aray." Daing ko sa sakit nang sinalo ako ni Mother Earth. Idedemanda ko talaga tong school nato kapag may nangyari saakin. What if mahina ang buto ko at yun na pala ikapapahamak ko.
BINABASA MO ANG
The Last Nerd Standing
Adventure#20 in Adventure ~Windyson Academy~ Briana Trixie Brooklyn 16 yrs old Hindi kagandahan pero nerd At Matalino Maingay, yeah thats the first time in history And Not a bully _________________________ May isang babae napadpad sa isang malaki at masosyal...