[Revised]
A/N: NIMATASHI ⬆. Edited na po ito pero naniniwala ako sa kasabihang 'hindi tao ang perpekto' wag na kayong magtaka kung bakit wala kayong masearch na ganyang sa google dahil gawa2x ko lang yan, so guys expect na may mali2x pa rin Anyway, may iniba ako ng konti pero same thought lang atsaka may mga info na nadagdagan.
* * *
T H I R D ' S P O V
Tinungo kaagad ni Dean ang harden ng akademya matapos pumunta sa Dmondie ni Trixie, mahimbing siyang natutulog sa mapayapa at tahimik na harden.
Sa sarap ng kanyang tulog, hindi niya namalayan na dumating na ang kanyang mga baliw na kaibigan na nagtatawanan.
"Nakatulog ang ungas dito hahaha." Ani Brey, kaibigan niyang mapagbiro pero minsan seryoso.
"Mukha talagang bakla si Dean kapag natutulog." Natatawang sambit naman ng isa sa mga kaibigan ni Dean na may pagkaisip-bata, Si Druke.
"Pssst. Magsitigil nga kayo diyan baka pumutok ang mga labi niyo kapag magising yan kumag na yan. Bahala kayo." Suway ni Cres, ang pinakamatino sa tatlo.
Napakamot na lang sa ulo ang dalawa niyang kaibigan. Humiga din silang tatlo sa tatlong bakanteng bench upang makapagpahinga at i-enjoy ang sariwang hangin.
Hanggang sa sumagi sa isipan ni Brey ang pagkakaroon ng mondmates ni Dean. Simula nung mapadpad sila sa akademya, nagkaroon na sila ng mondmates pero maliban kay Dean. Mga freshmen pa sila.
"Nabalitaan niyo na ba mga pre? May Mondmates na si Dean" Aniya at nakatingala sa langit. Nagulat naman ang dalawa at napatingin sakanya.
"May Mondmates na si Dean? Wtf." Gulat na sabi ni Druke at nanlalaki pa ang mga mata.
"Bakit walang naikwento si Dean saatin?" Kalmang tanong ni Cres habang tinitigan si Dean. Umupo rin siya.
"E pano niya maikwento saatin kung nakatulog ang lalaki na yan." Tugon ni Brey kay Cres habang tinuturo pa si Dean.
"Kaya pala pumunta sa Girl's Dmondie si Dean kan---." Hindi natuloy ang sasabihin ni Druke nang biglang umilaw ang pendant ni Brey.
Kaagad nilang tinakpan ang kanilan mga tenga nang mapagtanto kung sino ang paparating.
"SI DEAAN, MAY MONDMATESS NA." Dumating ang isang babaeng maganda at kanina pa nagsisigaw sa kanyang narinig mula sa chismisan ng mga babae.
Napapikit tuloy ng mga mata sina Brey, Druke at Cres at napahigpit ang pagtakip sa kanilang mga tenga dahil sa boses ng babae na makabasag ng salamin at eardrums. Nagising rin si Dean na may kunot sa noo.
"Nandito ka lang sa harap namin, Hannah. Hindi na kailangan sumigaw." Naiiritang wika ni Brey sakanyang Mondmates, si Hannah.
Inirapan lang siya ni Hannah. "Dean, are the rumors are true?" Lahat lumingon sa gawi ni Dean at hinihintay ang sasagutin niya.
"Oo. Kanina lang ako sinabihan ni Mr. Moondemoore sa Mondmates ko." Sagot ni Dean. Bigla naman umilaw ang mga pendant nina Druke at Cres.
Maya maya ay dumating ang dalawang babae na pinapawisan at hinihingal. "Hayup ka Hannah, bakit hindi mo kami hinintay." Hinihingal na sambit ng isa sa mga babae.
Nagpeace sign na lang si Hannah, pagkatapos niya kasing marinig ang chismisan ng mga babae, ay kaagad siyang tumakbo patungo sa harden dahil sa excite at nakalimutan niyang may kasama siya.
BINABASA MO ANG
The Last Nerd Standing
Adventure#20 in Adventure ~Windyson Academy~ Briana Trixie Brooklyn 16 yrs old Hindi kagandahan pero nerd At Matalino Maingay, yeah thats the first time in history And Not a bully _________________________ May isang babae napadpad sa isang malaki at masosyal...