ika-siyam na kabanata

278 11 0
                                    

Ro's PoV

"Sigurado ka sister? Sa pangangatawan siguro pwede syang maging lalaki, pero sa boses at galaw? Boyish talaga e." Pagsalungat ko sa sinabi ni Sister Neacean.

Lumapit siya sa table na may mga Medicine kit at inayos ang mga iyon. "Kaya nga sinabi kong kung hindi ko sya kilala e mapagkakamalan ko nga syang lalaki. Well, ok nga din na lalaki sya para naman sya na ang makatuluyan mo at hindi yung mayabang na yun." Inis na sabi nya. Matagal na talaga nyang kinaiinisan si Hayme Patricio. Si Hayme kasi ang may pinakamalakas na scent na binibigay without effort at naa-atract nya si sister hahahaha..

"Kung pwede lang na sya ang maging mate mo no? Si Hayme Patricio. ;-) (wingking)" Biro ko pero seneryoso naman nya. Natawa tuloy ako.

"No way princess! Ayoko sa kanya. Sobrang lakas ng scent nya at masyadong maraming naa-atract sa kanya." Sabi nya na handa ng ibato sa akin ang isang first aid kit. Nakakatuwa talaga sya parang bata. Tiningnan ko sya ng masama tapos tumawa ako. "Whhhaaaa.. ikaw na bata ka. Pinagtitripan mo ako!!" Noon lang niya narealize na binibiro ko lang siya.

"Gusto mo naman kasi sya hindi mo lang inaamin."

"No princess, I would rather die than to like him eeewwwww!"

"The more you hate the more you love. Ayeee.. hahahaha..." Biro ko pa at agad ng tumakbo palabas ng clinic.

Kamusta na kaya sina Wendy? Ano namang kayang parusa ang ibibigay sa kanila ni Ms. Aragao. Sana mild lang para hindi mahirapan si Wendy.

"Ro-Lyn!"

Pano na lang kung ma-expel sya? Paano na ako? Ay teka, bakit nga ba ako nagkakaganito? Ganito ko ba sya kagusto?

"Baby Ro-Lyn."

Bakit ba kasi sa kanya pa ako nagkagusto? Bakit hindi na lang sa lalaki para hindi ako nahihirapan. Kung pwede sanang yung lalaki na lang sa school na nagbigay sa akin inspirasyon noon e. Bakit sya pa? Bakit si Wendy?

"ROSALIA LYNNA CROFFORD!!! JASKI KANG BATA KA!! KAUSAPIN MO AKO!!!"

"WHHHHAAAAAAA ano yun!!?? BAGYO!!" Napaharap ako sa sumigaw pagkatapos ko ring magsisigaw.

Pagkaharap ko sa dereksyon ng sumigaw..

"AY BAKLANG WENDY!!" Tinakpan ko agad ang bibig ko pagkatapos kong sabihin iyon.

"Sino yang Wending yan at hindi mo man lang pinapansin ang pogi mong kuya?" Sabi ng lalaking nakapamewang pa at sobrang lapit ng mukha sa akin.

Naku kuya kung makikita ka ni Wendy ngayon magseselos yun. Sasabihin pang pinagpapalit ko sya. Whhhaaaa??? I'm insane bakit ba magseselos si Wendy e hindi naman ako gusto nun. Isa pa may Alwina na sya at may gusto din sa kanya si Dee. Paano na ako? Ako na roommate lang niya. Hindi ba pwedeng ako na lang?

*PAK*

@____@- ako yan na nahilo sa delusions ko.

"Hoy Ro-Lyn, nandito ako sa harap mo kung saan-saan pa pumupunta utak mo." Whhaaa... si kuya. Oo nga pala nandito sya ngayon. Teka? Kelan pa sya sa harap ko?.

"ARAY NAMAN KUYA BILLY!!! Kita nang nagiisip ng malalim e. Nahihilo tuloy ako sa ginawa mo /(>.<)\ Ang bad mo kuya."

"Tsk." Sagot lang nya.

"Bakit ka ba nandito kuya buly este Billy? Hehehe.." lagot ako hahaha.. sarap kulitin ni kuya kaya lang pikon lagi yan e. "Tsaka, di ba may trabaho ka dapat ngayon?" Usisa ko. Iniba ko na rin ang usapan, baka sakaling makalusot.

"Pinapunta ako ni Dad, may meeting daw bukas sa Company. Kailangan ka. Linggo naman kaya dapat kang pumunta. At saka isama mo na rin yung Wendy at ipapakilala natin kina Mum na T-Boom ka na at sasali ka sa That's my Tomboy. Para mapakinabangan ka naman." Usal ni kuya habang naglalakad.

Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon