ONESHOT: Every Fangirl's Dream
©Copyright 2013 by invincibleera
Disclaimer: I don't own any KPOP-related things.
Dedicated sa lahat ng Myungsoo biased. Pati na sa mga #TEAMBAHAY nung OGS. Hahahahaha.
Sa dinami-dami ng taong humahanga sa'yo, alam kong wala na akong pag-asang makikilala mo ako.
Sino ba naman ba kasi ako para kilalanin mo, di ba? Isang hamak na taga-hanga lang naman ako na hanggang sa malayo lang nakatingin sa'yo.
Pero alam mo, kahit sa TV, sa internet o sa poster ko lang natitignan ang nakapaka-gwapo mong mukha, tuwang-tuwa ako at halos mamatay na sa kilig kapag nakikita kitang magperform. At sa isang ngiti mo lang sa harap ng camera, nabubuo mo na ang araw ko.
Sabi nga nila tigilan ko na daw ang kahibangan ko. Paano, halos gugulin ko na ang lahat ng oras ko sa pagd-daydream sa'yo. Wala na rin akong alam gawin kundi makipag-spazz sa mga kaibigan ko. Nauubos na rin ang oras ko sa internet para lang mapanood ang mga live performance ng grupo mo sa Music Bank, Inkigay at Music Core. Oo, kahit matagal magbuffer at sobrang naiinis na ako sa sobrang kabagalan ng mga streaming sites, naghihintay pa din ako, masilayan ka lang sa mga concert na kahit kailan, hindi ako makapunta. Naiinis din ako kapag may mga nali-link sa'yo, not because I want to keep you, but because I ship MyungZy couple.
Eh ano ba pakialam nila? At least nga sa'yo ako naaadik, hindi sa drugs at alcohol. They should be proud, hindi ako napapariwara.
Pero kailan nga ba kita matatanaw ng malapitan? Kailan kaya kita makakausap na parang tayo'y isang matalik na magkaibigan? Kailan ako magkakaroon ng pag-asa na magustuhan ako ng isang tao na parang bituin sa kalangitan na kahit ilang beses mong subukang abutin ay hinding-hindi mo naman makuha?
Haaay. Ako na yata ang pinakadepressed na fangirl sa balat ng Pilipinas. Kung bakit ba kasi dinidibdib ko masyado ang mga ganitong bagay eh?
PAANO BA NAMAN KASI HINDI AKO MAKAPUNTA SA CONCERT NG INFINITE NGAYON? HUHUHUHUHU </3
"Good evening, everyone! Hope you all enjoy this masquerade party this evening!" sabi ng emcee.
Sobrang nanlulumo ako sa nagyayari sa akin ngayon. Pag-asa ko na kasi na makita sila eh. Nawala pa ng parang bula.
Sobrang saya ko na nalaman kong may chance ako na makita sila, tapos bigla naman naging ganito.
Yung mga kaibigan ko, ayun. Nandoon na sa Araneta. Tas ako andito sa party na ito. Hirap naman kasi kapag businessman at businesswoman ang magulang. Kailangan pa ba ako dito sa party na ito? Sana kasi sila na lang dumalo, tutal lagi naman silang umaalis nang hindi ako kasama eh.
Tignan mo ngayon, iniwan nila ako mag-isa. Hindi ko alam kung nasaan sila ngayon. I was left here with a lot of strangers around me. Mga elite na tao at mga taong malalaki ang pangalan. May mga artista pa nga eh.
Matutuwa pa ako kung andito si L, di ba? Kaso, malabong mangyari yun. </3
Nilabas ko yung phone ko, nakita ko yung text ni Lerrine.
Uy, girl. Ano na nangyari sayo? Hindi ka na ba talaga makakapunta? :(
Nireplyan ko.
Me: Kahit anong gawin ko hindi talaga eh. Nanghihinayang ako sa ticket ko. Binigay mo na ba kay Alessa?
Lerrine: Yes, binigay ko na sa kanya. She said thanks. Pero sana talaga andito ka. Oo nga't makikita ko si Sungyeol, di mo naman makikita si L your loves.
BINABASA MO ANG
ONESHOT: Every Fangirl's Dream
Fanfiction[Filipino] ONESHOT || A KIM MYUNG SOO FANFICTION. Dedicated to all Myungsoo-biased. Song used: Love U, Like U (Shut Up Flower Boy Band OST)