This Chappie is Dedicated to chokenot ! Salamat sa pag-gawa ng Unang BC ko, at sa pag babasa. Thanks! Bebe. :*
-Unang Hiwaga.
Josefa Eleanor Macabebe:
Kiskis dito, kiskis 'doon! Hays. Ano ba 'yan! Pa-ubos na itong bulak ko, at facial cleanser ay ni hindi pa rin nawawala kahit isa sa mga pimples ko! Litsi! 'Yong totoo?!
"Josefa! Bilisan mo na tanghali na. Kanina pa kita hinihintay dito! Josefaaa!" Rinig kong sigaw ni Auntie Bellia, na sa tingin ko ay lumalaki na naman ang butas ng ilong sa inis sa katagal ng kahihintay sakin, at siya nga din pala ang ulirang kapatid ni Mother dear.
Sa kanya na kasi ako nakatira simula ng mamatay ang Ama ko, at nabaliw ang Nanay ko, dahil sa hindi nakayanan ang pagkamatay ni Father dear. Well? Ikaw ba naman mawalan ng Love of your life diba? Hindi ko na din naman masisi si Nanay sa sobrang pagmamahal niya sa Ama ko.
Oh? Akala niyo patay na parehas ang parents ko noh? Pasensiya na dahil hindi ganon ka cliché ang kwento ko. Chos lang pows!
Lagi na lang kasing ulila ang kadalasang mga bida sa kwento diba? Hehe, 'yong iba lang naman.
"Ayan na po, Auntie pababa na!" Kainis naman hindi pa nga ako tapos sa pagtatakip sa sandamukal kong pimples eh! Apuraa talaga 'tong si Auntie. Panira ng Beauty Regimen ko! Kainis ng slight! Chos lang!
Dali-dali ko ng isinuot ang T-shirt ng Kakanin namin. Ako kasi ang naatasang mag-deliver t'wing sabado ng umaga, dahil na rin pumapasok ako pag weekdays at 'yong iba kong pinsan naman kapag ka linggo, tulungan lang shempre.
Halina't inyong tikman ang KAKANIN ni Aling Bellia! Ito'y masarap! Hinding-hindi ka mag-sisisi!
BELLIA'S KAKANIN!!!
Oh? Diba! Ang taray ng aming motto! Nakakahalina ng mga kostomer. Hihi! Kaya tikim na!
"Oh?! Aba't mag alas-otso ng ng umaga! Sinabi ko naman sayo na pag sabado ay aagahan mo ang gising, dahil mag de-deliver ka pa sa Italianos Restaurant! Alam mo namang masungit si Mr. Vygotsky eh!" Lintanya ni Auntie na naka-cross arms pa with matching galaw galaw pa ng paa! Taray ng Lola mo! Este ng Auntie ko pala! Kamukha niya 'yong nasa Kung Fu Hustle eh. 'Yong mayordoma doon.
"Eh! Ala-singko ho ng umaga ay gising na ako! Sadyang epal lang 'tong mga pimples ko! Ayaw akong paalisin sa kwarto ko! Mahal na mahal talaga ko!" Dahilan ko kay Auntie, bakit totoo naman, diba? Sa sandamukal nila sa aking mukha naubos ang oras ko kakatapal! Hays!
"Naku! Ang sabi ko sayo ay 'wag mo galawin ng galawin at lalong dadami 'yan! Isnobin mo lang, aalis din 'yan! Hindi 'yong kada may lalabas ay iyong pilit na pa puputukin! Nakakadiri kaya ang nana niyan! Ewweeey ka talaga Josefa!" With hampas pa! Aray hah?! Bigat ng kamay mo Auntie.
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Face Cream ni Josefa. ( #Wattys2017 )
FantasyAng Unfair ng mundo. Bakit ko na sabe ? Paano ba naman, nakaka-inggit at nakakainis 'yung mga tao, especially 'yung mga babaeng hindi man lamang madapuan ng Pimples, kung magkaroon man ay, isa o dalawa lang. (Pasensiya na bitter lang ng slight!) Hus...