Chapter 7: Mood Swings

45 7 0
                                    

Matapos malaman ni Raine ang tungkol kina Sophie at Gino ay naging tahimik ito at parang hindi na interesado sa pagpasok. Kapansin pansin din ang madalas na pag cut class nito. Ang kanyang kaibigan na si Shin ay napansin ito kaya sinubukan niyang kausapin si Rhianne tungkol dito at dito ay nalaman naman niya ang tungkol kina Raine at Sophie. Hindi lang si Shin ang nakapansin sa pagbabago ni Raine dahil maging si Sophie ay napansin din ito lalo na nang 4 na araw na siyang di pumapasok ng school. Nag-aalala si Sophie kaya bigla niyang hinatak si Shin nang makita niya ito at siya’y nagpasama papunta kina Raine. Dito naman ay di niya inaasahan na ang unang taong makikita niya kina Raine ay si Yesh na walang damit kundi nakatwalya lang. Bago pa man makaisip ng masama si Sophie ay saka naman dumating si Raine na may dala dalang maleta…..

“Oi YESH!! Magdamit ka nga. Hindi ka ba nahihiya at lalabas ka ng naka twalya lang” saway ni Raine

“O Honey dumating ka na pala. hihi” sabi ni Yesh

“Honey?!!!! Oh well mukhang ok ka naman pala Mr. Redfox” naiinis na sabi ni Sophie

“Oo naman ayos lang ako. Teka anong ginagawa mo rito?” tanong ni Raine

“Ah… Eh… Hmm.. Ah kasi bilang class representative ay nagpunta ako para ichek kung bakit hindi ka pumapasok…Yun lang at wag kang mag-iisip ng iba pa” sabi ni Sophie

“Ah….Hmm. Kung ganoon nga at nagpunta ka bilang Class Rep…Nasubukan mo na bang magtanong kay Sir Gopez( class advicer nila) ?” sabi ni Raine

“Ahm... Bakit naman?” tanong ni Sophie

“Kasi po nagpaalam po ako at humingi ng permiso sa school para ma excuse ako for 1 week. Teka… Shin di ba alam mo naman yun?” sabi ni Raine

“Ah oo nasabi mo nga sakin. hehehe” sabi ni Shin

“Kung ganoon Shin alam mo ang dahilan kung bakit siya hindi pumapasok at hindi mo man lang ito sinabi sa akin?!!!!” galit na sabi ni Sophie

“Ah. Eh. Oo parang ganoon na nga. Hehehe” sabi ni Shin

“Grrr. Alam mo naman pala bakit hindi mo sinabi sa akin” galit na sabi ni Sophie

“Haha. E hindi ka naman nagtatanong e. Bigla mo nga lang akong hinatak papunta rito tapos hindi mo man sinasabi kung bakit di ba?” sabi ni Shin

“Sa susunod kasi magtanong ka muna huwag yung sugod ka ng sugod hindi ka naman pala handa” sabi ni Raine

“Sorry…. Nag-alala lang kasi ako dahil hindi ka na pumapasok” sabi ni Sophie

“Kung pumasok man ako o hinde ay wala kanang kinalaman doon kaya’t mas mabuti pa kung wag ka na lang makikialam sa akin. Okay? Isa pa ay baka mag-away pa kayo ng BOYFRIEND mo ng dahil dito” sabi ni Raine

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Raine dahil ibang iba na ang pakikitungo nito kay Sophie…

“Ahm. Kuya Nandito ka na pala. O kuya Shin at… Ate Sophie??” bati ni Rhianne

“Hello. Long time no see Anne” bati ni Sophie

“Hali na kayo sa loob ate Sophie. Sakto at nakapagluto na kami ni Ate Yesh” sabi ni Anne

“Nako hindi na lang… Mas mabuti pa siguro kung mauuna na lang ako…” sabi ni Sophie   

“Hindi pwede yan Sop… Kung tinuturing mo akong kaibigan ay dapat matikman mo ang luto ko Okay?” pigil ni Yesh

Love BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon