Sequel neto, click niyo lang yung external link! sa side! XD ->
Si crissa nanaman. (One shot) by: KwentongChinita
**
Desiree's POV
"Troy .. " hinawakan ko yung kamay niya, "Uwi na tayo" nakangiteng sabi ko
sakanya.
Binitawan niya yung kamay ko, "Una ka na, babe. Sasamahan ko muna si
crissa. Nagpapasama eh" nakangiteng sagot mo din sakin.
Napawi bigla yung ngite sa labi ko .. napeke bigla, "S-sige .. bye" sabi ko at
tumalikod na sakanya. Dun lang lumabas yung galit sa mukha ko.
Si crissa nanaman ...
Si crissa .. yung kababata niya. Tss. Napabuntong hininga nalang ako. Lagi
nalang si crissa .. minsan nga eh nawawalan na siya ng time sakin dahil ..
Kailangan siya ni crissa .. nag papasama crissa ..ganito.. ganyan.
Girlfriend mo ako, troy. Tapos ako pa 'tong nawawalan ng oras makasama ka.
**
Ilang weeks na 'kong nag titiis .. halos si crissa na yung lagi niyang kasama ..
pero ok lang yan. Patience, dessy! Ikaw ang girlfriend.
"Dessy .. tulala ka nanaman" sabi sakin ni troy at bigla kong inakbayan.
Napatingin ako sakanya at nginitian.
"Kain na tayo" yaya ko sakanya at nagsimula na kaming maglakad.
"Sabay daw pala saten si crissa! Absent kasi yung kaibigan niya eh.
Kawawa naman kung mag-isa lang siya" Napabuntong hininga ako at
pinilit na ngumite.
"Sige"
Dumeretso na kami sa canteen at doon naabutan namin si crissa na nag iisa
sa isang bakanteng upuan kaya pinuntahan namin siya doon.
"Oy crissa!" Bati ni troy kay crissa at ngumite ito ng malapad. Ngumite din
pabalik si crissa sakanya.
"Troy panget!" sabi niya at napatingin sakin, "Hi dessy!" bati niya sakin.
"Hi" sabi ko at nginitian din siya. Umupo na kami sa may kaharap niya.
"Troy .. kasama ba kayo sa darating na acquaintance party dito sa
school?" tanong ni crissa habang pabalik balik ng tingin samin ni troy.
"Oo naman, syempre!" sabi ni troy at inakbayan ulit ako, "Matagal pa