CHAPTER 10

1.5M 28.1K 3.6K
                                    

CHAPTER 10

"SINO si Ria?" Ulit na tanong ni Izaak kay Ria habang matiim na nakatitig sa mukha niya. Parang binabasa nito ang emosyon sa mga mata niya pero alam niyang wala itong mabasa dahil pinanatili niyang walang emosyon ang mga 'yon.

"Hindi mo na naman ako sasagutin?" Si Izaak ulit.

Inalis niya ang kamay nito na sapo ang mukha niya saka umalis sa kama.

"I'm asking you again, Syl, who is Ria?"

Hindi talaga ito titigil hanggat hindi siya sumasagot. Ano naman ang sasabihin niya rito? Na siya si Ria at nagpapanggap siyang si Syl na kakambal niya?

"Wala kang karapatang magtanong pagkatapos ng nakita ko kanina." Pagdadahilan niya saka humarap dito. "Doon ka magtanong sa babae mo, malay mo, masagot ka niya."

Napatiim-bagang ito. "Hindi kasama si Michelle sa usapan natin." Nagdilim na naman ang mukha nito, "at bakit ba palagi mo siyang pinapasok sa usapan, ha? Nagseselos ka ba sa kaniya?"

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng marinig niya ang salitang selos. Because yes, she is jealous. She's jealous of that woman! She can feel pain embracing her heart as her mind went back to the Restaurant. Pero hindi niya dapat nararamdaman 'yon. Paano ang plano nila ng kakambal? Paano niya sasaktan si Izaak kung may nararamdaman siya para rito?

"Are you jealous?" Ulit ni Izaak.

She glared at him. "Tapos na 'yon. Pinamukha mo na sakin na may babae ka. Wala naman nang magbabago?"

"It's your fault." Sisi nito sa kaniya na para bang siya ang may kabit. "Tinatanong lang naman kita kung saan ka kukuha ng pera, hindi mo ako sinagot—"

"And this is how you resolve that?" Nanlilisik ang matang dinuro niya ito. "Fuck you!"

Ayaw niyang makita nitong umiiyak siya. But Izaak won't let her hide her tears. Sinapo nito ang mukha niya at ini-angat iyon saka gamit ang mga daliri nito ay tinuyo nito ang mga luha niya.

"Don't cry." Sabi nito habang patuloy na tinutuyo ang mga luha niyang hindi maampat.

Her heart is in pain. "Gago ka kasi. Kasalanan mo to." Sisi niya rito "pinapaiyak mo ako."

Malalim itong napabuntong-hininga saka pinalibot ang mga matitipunong braso sa beywang niya saka mahigpit siyang niyakap.

"Nothing happened between me and Michelle." Sinuklay nito ang buhok niya gamit ang mga daliri nito habang yakap pa rin siya, "i can't even make myself kiss her."

Kusang yumakap ang mga braso niya sa beywang nito. "You're still an asshole."

"I know." Patuloy nitong hinaplos ang buhok niya. "But its true. I can't make myself kiss her. Hindi ko nga alam kung bakit, e. Michelle tried to seduce me and all that, but it seems that you're the only woman I wanna sleep with and it's not me. Hindi ako ang tipo ng lalaki na isang babae lang ang nagpapaligaya sakin." He sighed. "But here you are, making me crazy for wanting you again and again."

"Galit pa rin ako sayo."

He gave her a deadpan look. "May I remind you na nagyakapan kayo ni Lucifer sa Restaurant? I saw it, kaya huwag mong itanggi."

Kumawala siya sa pagkakayakap nito at bumalik sa kama saka nahiga do'n. "Huwag mo akong kausapin."

Izaak sighed loudly. "Fine. If that's what you want."

Pumasok ito sa banyo saka malakas iyong isinara na parang nagdadabog. Napairap nalang siya sa hangin saka ipinikit ang mga mata. Galit pa rin siya kay Izaak pero ang sakit sa puso niya ay wala na. Sapat na ang sinabi nitong walang nangyari sa mga ito para mapanatag siya.

TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon