Dedicated to @HatEAciD
Naglalakad ako sa gitna ng gubat.Madilim maputik umuulan.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta,wala akong bahay.Hindi ko rin alam ang nangyari sakin.Anong itsura ko?
Heto mukang hampaslupang pagala-gala sa gubat.Punit ang damit,walang tsinelas at basang-basa sa ulan.
Mukang nahihilo ako.At babagsak na.Ikaw ba namang maglakad sa gubat.Nang hindi kumakain.
Third person's POV
At dahil wala nang lakas na natitira ang binata.Oo binata ang nagsasalaysay kanina.Balik sa kwento,bumagsak ang katawan nyang wala ng lakas sa putikan.
(Kinabukasan)
May isang dalaga ang napadaan sa gubat.Umiiyak ang dalaga.At mukang may problema.Naglakad-lakad sya hanggang sa may matapakan sya.Natapakan nya ang binatang NASA gubat.
"Hala!"ang nabanggit ng dalaga
Tiningnan ng dalaga ang binatang natapakan nya sa gubat.Napaisip sya ng malalim.
"Bakit kaya nandito tong mala prinsipeng nilalang nato?" Tanong nya sa sarili nya
Ngunit biglang gumalaw ang binatang natapakan nya.Kaya dumistansya sya at baka magising ito.Ngunit gumalaw ulit ang binata,At sa pagmulat ng mata nya napansin nya agad ang dalagang nakatingin sa kanya.
"Si-sino ka?"tanong nito
"Ako si JecyMae,at kuya bakit ka natutulog sa gubat? Yan tuloy natapakan kita"
At bigla ulit bumagsak ang binata na dahilan para mataranta si JecyMae.
"Luh?Kuya gising uy!uy!"
Pero di magising ang binata kaya napagpasyahan nyang buhatin ito at dalhin sa bahay nya.
"Hays ang bigat!"reklamo nya
Papalabas na ng gubat si JecyMae at papunta na sa kanyang bahay.
"Ang amo ng muka" sabi nya
(Sa bahay ni JecyMae)
Inilapag ng ni JecyMae ang binata sa sofa at kumuha ng maiinom.Kumuha din sya ng bimpo at tabo na may tubig.Kumuha din sya ng T-shirt nyang plain white at jogging pants na kasya lang sa binata.Pinunasan nya ang katawan nito at pinalitan ng damit.Open minded naman si Jecy kaya di sya nagdalawang isip na palitan ang kasuotan ng binata.
Ibinalik nya ang bimpo at tabo.Pumunta sya ng kusina para magluto ng lugaw para sa binata.Ng maluto na at pumunta naman agad sya sa kusina para kamustahin ang binata.Pero bago gun kinapa muna nya ang noo nito na maiinit.
"May lagnat sya!"
Kumuha ng bimpo si JecyMae at inilapat sa noo ng binata.
"Hoy kuya pagaling ka ahh?"tanong nya sa tulog na binata.
---------------------------
Hey guys!
Na-enjoy nyo sana yung pagbasa Thank you
•Vote
•Comment
•follow me
@FangirlLangNaman
BINABASA MO ANG
The Long Lost Prince Of Demonise Palace
AdventurePuro prinsesa ang nawawala eh kaya gumawa ako ng story na prinsepe ang nawawala Read and support my story