Chapter 11 [第11章]
"KIYO," marahan ang tinig ni mommy nang tawagin niya ako mula sa pintuan ng aking silid. "handa ka na ba? Baka maunahan pa tayo ng bride mo."
Umalis si mommy at naiwan ako mag-isa sa aking silid. Napabuntong hininga ako at marahang tumayo mula sa inuupuan kong kama. Inayos ko ang aking white coat at hinigpitan ang aking necktie habang nakatingin sa salamin.
"This is it, Kiyo." Ani ko sa aking sarili. "There's no turning back."
Lumabas na ako ng aking silid patungo sa pintuan palabas ng bahay kung saan naghihintay si mommy para ipagmaneho ako papunta sa katedral. Pagsakay ko sa loob ng kotse ay hinawakan ni mommy ang kamay ko at nakita kong pumatak ang luha sa kaniyang mga mata.
"Mommy..." bulong ko.
"Anak," wika ni mommy habang naluluha. "all I ever wanted is for you to be always happy. Ngayon naging mas meaningful sa akin ang kasabihang 'best wishes' -- I want all the best for you, Kiyo."
Niyakap ko si mommy habang nagpipigil na maluha. Matapos niyon ay nginitian namin ang isa't-isa. Nagpunas si mommy ng luha at nang malinaw na muli ang kaniyang paningin ay nagsimula na siyang magmaneho.
Nakarating kami sa katedral at namangha ako sa ganda ng ayos nito. Ito ang pangarap naming kasal: ang makapaglakad sa pagitan ng mga puno ng cherry patungo sa altar. At sa halip na may flower girls na nagsasaboy ng bulaklak sa daraanan ng aking bride ay kusang kumakawala mula sa mga sanga ng puno ang mababangong sakura upang paliguan ng halimuyak nito ang aking bride. Sa dulo ay naroon ako at bagama't kinakabahan ay masayang hinihintay ang sandaling makadaop-palad ang aking minamahal.
Tinugtog ng pianista ang wedding march -- hudyat upang ang lahat ay magsitayo dahil papasok na ang bida sa sandaling ito: ang aking bride. Napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang dahan-dahang paglalakad ng aking mahal kasabay ng pag-ulan ng mga sakura. Para bagang bumagal ang ikot ng mundo at wala akong ibang nakikita kung hindi siya at siya lamang. Napakaganda niyang pagmasdan sa suot niyang puting pangkasal at belo.
Nang sa wakas ay makalapit siya sa akin ay inabot ko ang kaniyang kamay at marahan kaming lumapit sa altar kung saan ay naghihintay ang tagapangasiwa ng seremonya. Inutusan niya kaming magharap.
"Kaneshiro Kiyoteru," panimula ng ministro, "maaari mo nang itaas ang belo ng iyong pakakasalan."
Minsan pa ay huminga ako ng malalim at maingat na itinaas ang belo ng aking mahal. Sa wakas ay bumungad na sa akin ang kaniyang maamong mukha. Dito ay hindi ko na napigilan ang maluha.
"Sa wakas," wika ko habang naluluha sa labis na kagalakan "dumating na rin ang araw na ito, Hisagi Yuuto..."
Ipinikit ko ang aking mata at hinalikan ko ang aking bride -- ang aking mahal na si Hisagi Yuuto -- at nagsimula nang tumunog ang kampana.
Palakas ng palakas ang tunog ng kampana hanggang sa maging masakit na sa tenga ang tunog nito. At nang hindi ko na ito matiis ay muli akong nagdilat ng aking mga mata.
BIBIP! BIBIP! -- Shit na alarm clock to! Panira ng panaginip! Ito pala iyong tunog ng kamapana na kanina ko pa naririnig.
Masama man ang loob ko ay bumangon na ako mula sa aking higaan at nagtungo sa kusina kung saan ay inabutan kong naga-almusal sina mommy, si Sandra at ang pamilya niya.
Narito kami ngayon sa Baguio dahil dadalo kami sa kasal ng pinsan ni Sandra na gaganapin sa Baguio Cathedral bukas. Kami ni Sandra ay nakuha bilang mga abay. Si mommy naman ay nagpaalam din sa trabaho na magbabakasyon muna upang masamahan ako dito. Matapos kong humalik kay mommy at makapag mano sa mga magulang ni Sandra ay umupo na ako sa tabi niya upang makapag-almusal. Ngumiti sa akin si Sandra bilang paraan niya ng pagbati sa akin. Inabutan naman ako ni Nicholo -- ang nakababatang kapatid ni Sandra -- ng bote ng strawberry jam at tinapay. Ginulo ko ang buhok niya bilang pasasalamat.
BINABASA MO ANG
Macho Hearts Book 3: Sakura Hearts
Genel KurguSI HISAGI YUUTO ay nagsumikap na mamuhay ng normal sa piling ng kaniyang bagong pamilya at mga kaibigan sa Japan. Simula nang lisanin nila ang Pilipinas ay nangako siya sa sarili na hindi na mauulit pa ang kaniyang katangahan sa larangan ng pag-ibig...