First Day of Class. Excited na medyo nakakakaba. Bagong transfer ako sa school na iyon at ako ay nasa Grade 9 na. 14 years old. Ako nga pala si Aiyana Jessica Fabian.
.
4:00 AM
Ginising ako ni mama dahil sira ang alarm clock ko.
"Maaa!! Maya maya na. 5 minutes pa"
.
"Bumangon ka na, baka malate ka pa"
.
Bumalik ako sa tulog ko. Sa sobrang sarap ng tulog, may narinig akong nagpaggising talaga sa akin.
.
"Aiyan, Aiyan. Gumising ka na. Alas singko na, kala ko naman nag asikaso ka na"
.
Biglang nanlaki ng mata ko sa nga narinig ko. Tinignan ko yung cellphone para tignan yung oras, pero di nagbukas. Di ko pala nasaksak kagabi.
.
"Sabi ko 5 minutes lang e. Bat di mo ako ginising"
.
"Sabi ko sayo bumagon ka na. Kala ko naman babangon ka na pagtapos"
.
Di ko na sinagot si mama, diretso kuha na ako ng damit at pumasok sa banyo. Binuksan ko yung shower. Kuskos dito, kuskos duon. Madali na lahat ng ginawa, nakapagtoothbrush ako, nakapagsabon at nakashampoo sa loob ng 15 minutes. Grabeng paligo ko yun, nagagawa ko lang paglate ako o nagmamadali.
.
Dali dali na ako naghahanda dahil baka malate ako.Excited narin akong pumasok to meet new friends. Nakapagbihis ako at syempre nagpaganda para maganda naman yung first impression nila sakin syempre hindi yung mukha ka nang clown sa make up. Yung tipong maganda lang talaga, natural beauty.
.
Bababa na ako at sana mag aalmusal ako kaya lang nga baka malate ako.
.
"Aiyan, mag almusal ka na. 4:30 pa lang" patawang sabi ng nanay ko.
.
Yung gusto kong magwala at maluha. Nagtampo ako sa nanay ko pero syempre di ko maiiwasan na hindi sya kausapin. kaya yun umupo na lang ako sa bangkuan na parang walang nagyari.
.
"Bat mo ba ginawa yun ma. "
.
"Ikaw kasi, lagi ka na lang natutulog pagtapos kita gisingin. Mabuti na rin yan para di ka malate, may makakasabay ka na lalaki na kapitbahay natin"
.
Kakalipat lang kasi namin tas yun may kakilala agad nanay ko. Tas yun na nga habang nagtatake ako ng breakfast, nawala init ng ulo ko,may kasabay daw akong lalaki, eh subdivision kami, siguradong gwapo ata mga lalaking nakatira dito. Mga kababalaghan na nasa isip ko na minsan napapangiti ako kaya lang ingat ingat baka makita ako ng nanay, baka masabi sakin ang landi landi ko daw. Mahal na mahal ako ng nanay kong nyan. Laging pabiro pero sincere mga sinasabi nya. Wala syang asawa at ako naman ay ampon, pero di ko feel yun sa nanay ko. Sa sobrang pagmamahal sakin nun, nakakalunod at syempre palagian talaga na strikto. Kaya yung boyfriend boyfriend na yan saka daw muna.
.
Kahit bawal, di talaga maalis sa isipan ko yung kapit bahay namin kung gwapo ba. Hindi ko pa kasi kilala mga kapit bahay sa amin tsaka ayaw ko rin itanong sa nanay ko baka dakdakan nanaman ako nun.
BINABASA MO ANG
The Name I Loved
Teen FictionA story of a girl that fell in love in two boys that have a same name. She had a long lost twin sister that will had a crush on that guy.