Chapter 21: First day

98 2 1
                                    

Kinabukasan halos magtatanghali na ako nagising. Wala na din si Ram dito sa kama o baka hindi siya dito natulog. Ah ewan! Bahala siya kung saan siya natulog.

Umupo muna ako sa kama dahil nahihilo ako. Hang over siguro! Ano ka ba kasi Ela grabe ka makalaklak kagabi! Pangangaral ko sa sarili ko. Hindi ko na din matandaan kung paano ako nakahiga dito sa kama eh halos di na ko makatayo sa upuan kagabi.

Niyakap ko yung mga tuhod ko saka yumuko baka sakaling mawala yung hilo at sakit ng ulo ko.

"Drink this" nag-angat ako ng tingin sa lalaking nagsasalita at nakita ko si Ram na may hawak na isang baso ng tubig at gamot.

Kinuha ko yung dala ni Ram at ininom diretso. Nakita kong naka summer shorts na siya at sando na hapit na hapit sa katawan niya. Kitang kita yung magandang hubog ng katawan niya. Hindi ko tuloy maiwasan pasadahan siya ng tingin.

"Staring is rude baby" natatawang sabi ni Ram. Sinamaan ko na lang siya ng tingin.

"Ewan. Saan na sila?" Walang ganang sagot ko sa kanya.

"Nandoon na sa beach" pagkasabi niya ay umupo siya sa tabi ko.

"Bakit andito ka pa? Dapat kasama ka nila"

"Hindi naman kita pwede pabayaan dito mag-isa. Saka sabi din nila Mitch aantayin ka nila."

"Una ka na. Ligo lang ako." Nakakahiya naman kung aantayin pa niya ako.

"You sure? I can wait."

"I insist please una ka na."

"Okay. If you need anything nasa living room lang ako." Pagsabi niyon ay tumayo at naglakad na siya palabas.

"Wait Ram.. ahmm.. hmm.. do I need to wear swim suit agad after ko maligo?" Shems!! Nakakahiya! Baka kasi mamaya two piece yung suot ko tapos ako pa lang pala naka swim wear. Diba! Diba! May point naman ako diba?!

Huminto siya bago nagsalita.

"No. Sando and shorts will do. Naka-dress pa naman sila Mitch eh." Nakangiting sagot niya saka tuluyang lumabas.

Dress? Pwede! May summer dress akong nabili! ^_^

Ang sarap sana isipin na ayaw ako mag two piece ni Ram kasi ayaw niyang may ibang makakakita sa katawan ko kaya lang hanggang isipan lang yun. I'm his pretend girlfriend kaya kahit medyo nahihiya akong magbikini gagawin ko. Gusto ko kasing malaman kung nagseselos ba talaga siya dahil mahal pa niya si Ram. Sa galit at sama ng tingin na binibigay niya sakin kahapon malamang mahal pa niya si Ram.

Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko yung plain black bikini na nabili ko. Sinuot ko din yung sky blue floral tube dress na hanggang tuhod. Hinayaan ko muna na nakalugay yung buhok kong mahaba. Naglagay ako ng konting powder at kinagat kagat ko yung labi ko para lalong mamula. Konting pisil pisil din ng pisngi para maging blush on at nag spray ng pabango. Sinuot ko na din yung slippers na binigay ni Ram at kinuha ang cellphone ko saka lumabas ng kwarto.

Naabutan ko si Ram na nasa living room nakaupo habang nagbabasa ng newspaper. Nag-angat siya ng tingin ng maramdaman na nandoon na ako. Naglakad ako papalapit sa kanya habang siya nakatitig sakin.

"Staring is rude babe." Sabi ko sa kanya nang makaupo ako sa tabi niya.  "..tara na baka inaantay na nila tayo." Sabi ko pa.

"Wait babe let's take a picture together" kinuha niya yung phone niya at pinindot ang camera na naka selfie mode. Nakaapat na shots kami. Una yung pabebe look tapos wacky then ngiting tagumpay look at yung huling shot na nakahalik siya sa pisngi ko at ako naman mukhang nakakita ng multo dahil sa gulat at nanlalaki na mata ko.

Rent to OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon