"Angela , bilisan mo baka mawala siya ulit?" Sabi sakin ng bestfriend kong kanina pa ako hinihila sa hallway. Kanina pa 'to natataranta eh.
"Sandali lang naman Lorie , baka madapa ako." Ilang beses na kaya akong muntikang madapa.
"Eh kasi naman Angela , malapit ng matapos yung laro nila Dewey." Sagot niya.
Sino si Dewey? Bakit parang natataranta yung bestie ko dun sa Dewey na yun?
Si Dewey Adrian Castro , ang not-so famous but cute na soccer player ng school namin. Tulad nga ng sinabi ko , cute siya , medyo may kaliitan pero tama lang , magaling sa soccer , matalino , responsable , at higit sa lahat mabait. Isa rin siyang boy scout leader kaya siguro siya responsable , charot! XD Isa pa pala , siya lang naman ang kaisa-isang crush ko sa dinami-dami ng tao sa campus na'to.
Ewan ko ba kung bakit ko siya naging crush. Siguro dahil sa nasa kanya na ang lahat ng traits ng ideal man ko. Minsan nga , naiisip ko kung magkakagusto ba siya sakin kahit na hindi naman talaga.
Ako lang naman si Angela De Guzman , tahimik , laging nasa classroom , matalino nga , wala namang nagkakagusto sakin dahil sa makapal kong salamin. Kasalanan ko bang may sakit ako sa mata? Bakit ba kasi masyado silang judgemental , porket nakasalamin lang nerd na? Di ba pwedeng malabo lang talaga yung mata. Tama naman ako diba? /walang sumagot/ /inamag/
Back to reality , nandito kami ngayon ni Lorie sa soccer field , pinapanood maglaro si Dewey. Sa tuwing nakikita so siya , di ko mapigil ang kalungkutan ko dahil hidi naman ako mapapansin ng isang katulad niya.
"Angela."
"Ay Angela."
"Huy , natutulala ka na naman. Tapos na yung laro nila."
"Eh? Sayang di ko napansin."
"Iniisip mo na naman si Dewey?"
"Hindi noh , punta na nga lang tayo ng cafeteria."
"Ews! Palusot.com"
< - Kinabukasan - >
"Angela , tara na sa covered court." Magkasabay kami ni Lorie na pumunta ng court. Pagdating namin , ang una kong hinanap ay yung mga kaklase ko.
"Lorie , tara dun tayo sa section natin." Yaya ko kay Lorie sabay hila sa kanya para hindi siya makatanggi.
Nag-umpisa na yung program pero hindi ko pa rin nakikita si Dewey. Siguro busy siya. Hayss , wag nga muna siya yung isipin ko.
"Lorie , ano nahanap mo na si Joshua?" Tanong ko kay Lorie , Joshua yung pangalan ng crush niya eh.
"Yupp hihihi ^________________^" Lapad ng ngiti netong si bruha. Daig pa ang nanalo sa lotto.
"Ikaw ba?" Bigla niyang tanong.
"HIndi pa eh , mamaya na lang siguro."
1 oras na nang mag-umpisa yung program pero hindi ko pa rin makita si Dewey. Siguro busy nga talaga siya. Patuloy pa rin ako sa paghahanap sa crush ko nang may magsalita sa likuran ko.
"Uhmmm , sinong hinahanap mo?" Teka boses yun ni ..
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Sinong Hinahanap Mo? ( ONE SHOT )
Short StoryAlam niyo ba yung pakiramdam na hanggang tingin ka na lang sa crush mo? Yung lagi mo na lang siyang hinahanap kapag nawawala siya sa paningin mo? Yung lagi mong naiisip yung mukha niya? Mahirap talaga kapag hindi ka nakikita ng crush mo. Yung dinada...