This Chappie is dedicated to Shai_raaa, for making my Book Cover!!! THANK YOU in advance! :)))
Ikatlong Hiwaga.
Josefa Eleanor Macabebe:
Ala sais ng gabi ng maka-uwi kami ni Tyrone sa bahay. Agad-agad ko naman siyang kinausap.
"Pinsan?! Psssst!" Lumingon naman siya at ngumiti! MyGash! Dapat ng tigilan ito, baka mamaya kung anong isipin ni Auntie, nakakahiya. May kahihiyan naman ako noh? Ganito lang talaga ko, masyadong mapag-biro. Masyado ng masalimoot ang buhay ko para mag seryoso.
"Bakit? Josefa." Bungad niya ng makalapit sa akin na 'tila ba'y naaasiwa ng kaunti.
"Gusto ko lang mag paliwanag sa nakita mo kaninang umaga sa banyo, baka kasi na misinterpret mo. Hehe! Medyo malantod lang ako ng slight! Pero hindi ako manyakis na pinsan! Hehehe! Promise!" Pabebe kong sabi, ang arte mo talaga Josefa! Kaya ka laging napag-ti-tripan eh.
"Ahh! Naku! Hindi, ikaw pa ba pinsan? Wala 'yun! Hindi naman berde ang utak ko, hindi katulad ng sa'yo, diba? Hahahaha! Ikaw talaga!" Tumango-tango na lang ako at sinabayan siya sa pag tawa. Tama nga naman siya, ako lang talaga samin, edi wow!
"Sige! Papahinga na ako at may pasok pa bukas. Saka mahirap ang subjects at quiz natin bukas. Goodnight!" Sabay brush ng daliri niya sa ulo! Hihi! Ang hot naman! Litsi ka talaga Tyrone! Kung hindi lang talaga kita pinsan e! Grrrrr... Nasakmal na kita! Chos lang! Haha! Puro talaga ako kalokohan, at aminado naman ako 'don!
Binigyan ko naman siya ang isa sa mga pinaka-seductive kong ngiti. "Goodnight din! Bebe bunch Tyrone! Hihihi!" At mabilis siyang nag walk out! Ay! Nadulas na naman ako, kaloka kasi bakit ang hot hot niya eh.
Pumasok na rin ako sa kwarto ko at nag muni-muni na naman sa aking mukha na puno ng tigyawat! Ano ba naman ito?! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hays! Anong kamalasan ba ito?
Bakit ba may mga babaeng hindi man lang nag kaka-pimples, kung meron man, isa o dalawa lang! Sobrang unfair talaga ng mundo, dapat kumuha sila kahit tig-limang pimples sakin eh, mabawasan manlang!
Paano naman eh samantalang kami halos hindi na mag katanda-ugaga ang pimples namin sa mukha! Sa sobrang over crowded na ng mukha ko, ayon nag-patong patong na! Parang 'yung utang ni Ka Iska sa Kakanin namin! Ka bitter lang ng slight! Kahit naman ganon si Auntie, mahilig siyang magpa-utang eh.
Hustisya! Asan ka! Pag nakita kita! Ililibing talaga kita! Dahil hindi kita ma kamtan-kamtan! Litsi talaga!
Lord, ang hiling ko lang po ang kuminis na ang mukha ko! Hindi naman ako choosy, kahit mala-Angel Locsin or Jessy Mediola lang! Oh? Diba?simple kahilingan lang po 'yon. Sana mapagbigyan niyo po ako. Hehe
Saka na 'yang love life na 'yan! Pretty Josefa este Seksi Josefa is praying for you... Please?
-
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Face Cream ni Josefa. ( #Wattys2017 )
FantasyAng Unfair ng mundo. Bakit ko na sabe ? Paano ba naman, nakaka-inggit at nakakainis 'yung mga tao, especially 'yung mga babaeng hindi man lamang madapuan ng Pimples, kung magkaroon man ay, isa o dalawa lang. (Pasensiya na bitter lang ng slight!) Hus...