Chapter 4- Sneak out

30 3 8
                                    

MILD SPG. ⚠ WARNING. ⚠

Saph

Hays... ang init. Naka tank top at mini shorts na nga ako mainit parin? Why Pilipinas? Why?

Naglalakad kami ni ate ngayon palabas ng bahay... or more like tiptoeing out of this prison. Just kidding!

But yeah, we're sneaking out. Alam ni dad pero syempre si mommy...

...gets a little alarmed with her conservative daughters wearing revealing outfits.

Hindi naman sa mukhang slutty yung suot namin ni ate, syempre may class parin. Medyo maangas datingan kasi nakablack kami. Nang makalabas kami, success! Nakapunta kami sa may gate. Nakaparada sa di kalayuan ang kotse ni Amanda. Mind you, siya ang shot addict ng bar and clubs na sikat sa high.

Sa tabi naman niya ay si Linsdale. Dakilang flirt saamin at ang sexy dancer ng Unknown001 (their own bar) na partner ng bar namin na nameless.

Magpinsan sila Lin at Am pero kami lang nakakaalam. Not our business to know so hindi namin alam kung bakit.

Tumalon ako sa may bakod ng bahay nang wala na yung guard at hinila naman pataas si ate. Sabay kaming tumalon at tumakbo sa kotse. Mahirap nang mahuli no.

Kung tatanungin niyo kung bakit kami nagsnesneak out, hindi ko din alam... trip lang talaga namin.

Kung tatanungin niyo din kung bakit kami magkakaibigan nila Lin at Am, lagi lang naman kaming tambay sa nameless. Yung kapatid naman ni Lin na lalaki na si Rage ang nagmamanage sa unknown.

Nagkakilala kami sa bar sa Cebu dati. Hanggang sa umabot sa punto na lahat kami nasa iisang neighborhood.

Alam nilang ako yung nerd na pagala gala sa school pero hindi nila ipinagsasabi. Undercover ako nuh.

Pinakilala ko naman sila kay ate at naging close kaming apat.

Papunta na kami ngayon sa Nameless. Gimik night! At magpaparamdam naman ako kaunti kay Sabel. Alam na, para kahit papano naman lumiit ang ulo. Lumolobo na kasi eh.

"Psst balita ko pinagiinitan ka nanaman ni Sabel?" Tanong ni Amanda.

"Tss... hayaan mo yun. KSP lang kaya ayan, kung ano ano ginagawa para mapansin." Sagot ko.

"Hahaha have you seen her new minions? They look like-" naputol na sinabi ni Linsdale.

"COMMING FROM THE DEPTHS OF MANILA BAY!" Sabay na sigaw naming apat. At sabay tawa na rin.

"Hays ewan ko ba sakanya hahaha. Mas maganda na yung friendship na unexpected. Tignan niyo nga tayo!" Sabi ko.

"Oo nga. Ang saya pag kasama natin isa't isa! Ewan ko nalang pag pinaghiwalay pa tayo! Magugunaw muna ata ang mundo!" Ani ate Jewel.

Nagsitawanan naman kami. Nagkwentuhan pa kami at nasabi ko na rin kay ate yung tungkol kay Choco. Nakarating naman kami agad sa nameless. Arte lang talaga kaya sumakay pa kami ng kotse kahit medyo malapit naman. What can I say? Sa gabi na nga lang pwede so why not?

Pumasok na kami. Maaga pa kaya kaunti palang ang tao. May nagmamanage nito kapag wala kami at walang iba kundi si...

"Hi kuya!" Sigaw ko sa magaling naming kapatid. Si Kuya Zeke lang naman.

"Oh bat late ata kayo ngayon? May trabaho pa ko oh! Aish kayo talaga!" Nakasimangot na Pamungad niya samin.

"Trabaho daw. Kung alam ko lang makikipag "Lambingan" ka nanaman sa bago mong shinoshota." Ani ate Jewel.

Nerd By Day, DJ By NightWhere stories live. Discover now