Prologue

4.7K 35 4
                                    

Teacher-Student Affair Series 1: Teach Me, Sir.

//Ang istoryang ito ay pawang GAWA-GAWA LAMANG ng malikot na utak ni UP. Anumang pagkakatulad ng mga pangalan ng tauhan, lugar o pangyayari ay maaring nagkataon lamang. Rated SPG, may mga bulgar at maseselang salita. Wag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi sanay sa ganitong genre (erotiko). Ito ay pwede sa lahat ng open-minded. Pero bawal sa batang 17 yrs. old pababa. Okay? Alright! xD//

XXxxxxxxxxxXX

~PROLOGUE~

"Kelly!"

Mula sa kung saan ay narinig ako na may tumatawag sakin. Napahinto ako sa pagkain ko ng lasagna at hinanap sa paligid ang tumatawag sa maganda kong pangalan, hanggang sa lumanding yung maganda kong mata kay Sally na pula ang buhok na tinalo pa si Sakuragi ng Slum Dunk. Ano na naman kaya pumasok sa kokote nito at nagpakulay ng pulang buhok? Mukhang ewan talaga.

"May pogi akong akong nakita!" sabi niya ng tuluyan siyang nakalapit sa'kin.

Sabi ko na nga ba. Pogi na naman ang ibabalita nito sakin. Mahilig kasi sya--sige na nga, kame. Mahilig kami sa pogi.


"Pwede ba Sally, tigil tigilan mo na yan. Gusto ko na magbagong buhay. Magseryoso na tayo sa pag-aaral. Study first, Sally... " Ma-drama kong sabi pero sa loob loob gusto kong matawa. Di din kasi ako sure sa pinagsasasabi ko.


"Study first ka dyan! Study first landi later!," Banat ni Sally na kumindat-kindat pa sakin. Baliwwag talaga. Baliw talaga 'tong kaibigan ko. ", Pero seryoso, hindi lang isa nakita ko kundi tatlo. And guess what?"


Sinamaan ko sya ng tingin. May paguess what guess what pang nalalaman.


"Ano yun? Chika mo na, now na!"


"Ang short tempered mo talaga..." Nakalabi niyang sabi pero ngumiti din naman ito kaagad, "...Mga professor sila! Siguradong maraming magsisipag ngayon especially girls at.. Pwede na rin mga kabaklaan.." Kasabay nun ang pagbungisngis nya.


Pinagpatuloy ko na lang ang kinakain kp at gusto ko na rin maubos 'to. Mas gusto ko pang makapasok sa room ng next sub ko ng maaga kesa mapasama pa ko rito sa katabi ko. Mahirap na. Nagseseryoso na ko sa studies ko.


"... Sana kahit isa man dun maging prof. ko." Napatingin ako sa mukha ni Sally parang tanga lang. Kung maka-dreamy eyes, wagas!


Suddenly, out of nowhere ay biglang may mga naghiyawan. Napatingin ako sa pintuan at nakita ko ang isang lalakeng pumasok. Napatanga ako kasi... Shit lang! Artistahin ang peg. Estudyante ba 'to? Anong year na kaya nito at section? Mapuntahan nga!

"Uy, teh. Bunganga mo. Malalalaglag na yung laway mo oh."

Bigla ay napasulyap ako kay Sally at sabay irap sa kanya at binalik ko yung tingin ko sa lalake, si Mr. Aristahin ang peg. Ka-line up nya sina Sam Milby, Piolo Pascual at Gerald Anderson sa kagwapuhan! Nakita kong pumipili ng oorderin si Mr. Artistahin ang peg.

"Isa sya sa mga sinasabe kong pogi na prof.." Ohh? Takte. Tama nga ang sinabi ni Sally. Kung ganito magiging prof ko, araw araw akong magsisipag pumasok ng school!


Maya-maya ay may narinig ulit kaming naghiyawan at singhapan at ang pinakamalakas na tili ay ang katabi ko. Kaya pagtingin ko sa iba ay nakatingin sa kanya damay ako. Tss. Napayuko ako. Ayoko sa lahat center of attraction e. Sarap pektusan nito ni Sally. Gusto ko nang makapunta sa next sub ko pero di pa ko nangangalahati sa lasagna. Paborito ko pa naman to. Sayang naman.

TSA 1: TEACH ME, SIR.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon