||| Mirko |||
"Fashion wait!" Aish. Hindi niya ako pinakinggan.
Nakita ko siyang sumakay ng taxi kaya sinundan ko 'yung sinakyan niya hanggang sa mapansin ko 'yung daan kung saan papunta.
Nagsuot ako ng sumbrero tapos ay bumaba nang makita ko siyang palabas na nung taxi
"Wait lang kuya hah, kukuha lang ako ng pera sa loob, hindi ko makita ang wallet ko eh"
Hinawakan ko si Fashion ng mahigpit at ako ang nag-abot ng pera sa driver
"Keep the change Manong" sabi ko sinigurado kong hindi niya nakikita ang mukha ko
Nang-umandar na paalis iyong taxi nilingon ko agad si Fashion
"Babe, let me explain naman muna. Please?" I grabbed her on her wrist
Sinamaan niya ako ng tingin
"Pwede ba Mirko, bitawan mo ako" sinabi niya tapos umiwas siya ng tingin
"Makinig ka muna kasi" pagpupumilit ko
Hinahatak ko siya pero nanlalaban siya
"Makikinig ako Mirko, pero hindi muna ngayon"
Marahas niyang hinila ang braso niya at nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bahay nila
"Psh"
Sinipa ko 'yung batong nakita ko tapos pumasok na ako sa kotse ko at padabog ko itong sinara
~
"Oww Mirko? What brought you here?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Azmiel
Azmiel is a famous singer. May ilang movies na din siyang nagawa at naging ka-close ko siya dahil kasama ko siya noon sa First Movie ko at magkuya ang ganap namin doon.
"My girlfriend is mad at me" I said bitterly
Hindi ako nagdalawang isip sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Fashion, alam ko naman na kayang itago ni Azmiel ang sikreto ko
Nagdire-diretso ako papasok sa unit niya at binuksan ang ref niya para kumuha ng mga alak, tapos ay kumuha naman ako ng popcorn sa lalagyanan niya ng mga pagkain at dumiretso sa sala.
Pinagtawanan niya ako.
"She's mad because of the news about you and Caithelyn, am I right?"
Tumango ako
"Well you can't blaim her, she'd probably be thinking that you are cheating on her"
Umupo siya sa tabi ko at kumuha ng isang bote ng alak, binuksan niya ito at tinungga
"I know, but I always tell her to trust me, ilang beses ko na bang sinabi sa kanya na siya lang at wala ng iba"
"Motto mo na 'yan ah" mapang-asar na sabi niya "masanay ka na, lagi naman ganyan ang set-up niyo, lagi iyan ang pinag-aawayan niyo, why don't you just introduce her nang hindi na kayo mag-away" dagdag niya
"Nah, hindi pa nga pwede. Mapapagalitan ako ng mga big boss plus mapapa-sama pa siya sa mga immature fans ko. Papagalitan nanaman ako ni Deo, kaya ko nga sinabing nililigawan ko si Caith, dahil kay Deo"
Deo is my manager, at napakalaki na ng natulong niya sa akin so I don't want to fail him.
"Intindihin mo ang girlfriend mo Raze, malamang nasasaktan iyon, masakit naman kasi sa pakiramdam ang tinatago"
Bigla naman akong tinamaan sa sinabi, oo alam ko masakit nga pag nalaman mong tinatago ka naramdaman ko na iyon noon.
"Pero kasi I'm hiding her to protect her, why can't she understand that?"
BINABASA MO ANG
Is That A Mistake?
RomanceFashion Faithellyn Fernarior is known as a Bad-ass Bitch in their campus. Her image is so strong at kilala talaga siya bilang isa sa pinakamalditang estudyante. Madami ang humahanga sa kanya at madami din naman ang naiinis, isa na doon si Jamsone Ra...