Chapter Five

43 3 0
                                    

CHAPTER FIVE

Bukas na ang face-off namin ni Clarisse. Ready na ang susuotin kong gown na pinahiram naman ni Ma'am Aguilar. Ginamit yun nung anak nya nung nagsagala ito noong nakaraang taon. Ang ganda ng gown at talagang sukat na sukat sa akin. Nagpraktis na rin si James kung anong ime-make up nya sa akin bukas.

Sabi nina Karen at James ay umabot daw sa 550 ang ticket na nabili mula sa pinagbentahan ng dyaryo. Hindi pa kasali dito ang mga ticket na nabenta namin sa palengke. Kinakabahan ako dahil baka hindi man lang kami umabot ni kalahati sa nabentang ticket ni Clarisse.

"Bes, wag ka ng mag-worry. Kailangan mo ng mag-beauty rest. Ayokong mag-make up ng mukhang bangkay bukas 'no. Karen, iuwi mo na nga 'to", sabi ni James na pilit kaming tinataboy matapos naming mag-lugaw kina Aleng Bebang.

"Bessie, may chance ba 'ko bukas?" tanong ko kay Karen habang naglalakad kami pauwi.

"Bessie, hindi ako magpapakapagod ng husto kung alam kong wala kang kalaban-laban. Isa pa, mas karapat-dapat kang manalo 'no. Ang gaspang pala ng ugali nung Clarisse na yun. Pano magiging good example yun sa mga lower batches sa school. E di ba isa ang good moral and right conduct sa tinitignan ng mga judges", sagot ni Karen.

"E pano kung madami syang nabentang ticket tapos nasuhulan pa nya yung ibang judge, e di wala na talaga akong pag-asa".

"'Wag kang mapanghinaan ng loob. Alam kong makakaya mo yan. Kung lumamang man sya sa dami ng ticket, e malamang malalampaso mo sya sa question and answer. Wag mong kakalimutan magdasal mamaya bago ka matulog", paalala ni Karen.

"Oo naman. Thanks Bessie, lagi kang nakasuporta sa 'kin", sabi ko sabay yakap kay Karen bago ako pumasok ng gate.

"Ay sus! Magda-drama pa ngayong pauwi na 'ko. Sige na, pumasok ka na. Bukas dadaanan kita dito para tulungan kita magbitbit nung mga dadalhin mo sa contest. Matulog ka na ha, wag ka ng mag-isip na kung ano-ano pa. Sige, ikaw din baka tuluyan kang make up-an ni James na pang-zombie. Yuck! Ampangit mo!"

Tulad nga ng sabi nina Karen at James, maaga ako natulog para bukas ay fresh na fresh ang beauty ko. Pagkatapos naming rumampa suot ang nagbo-bonggahang gown ay ia-announce na agad ang resulta ng tickets sold per candidate at susundan naman ng question and answer.

Napanaginipan ko na nanonood din si Tatay ng contest. Hindi sya nakita ni Nanay dahil nasa may bandang sulok sya. Pagkatapos kong sumagot sa tanong ng judge ay bigla na syang nawala sa kanyang pwesto nung huli ko syang nakita. Sana nga ay nakikita ni Tatay yung ginagawa ko ngayon. Marahil ay tuwang-tuwang yun lalo na kapag nakita nyang nakasuot ako ng gown.

Nagising ako sa amoy ng sinangag at tuyo. Biglang kumalam ang sikmura ko at napabalikwas ako ng bangon.

"O Nay! Bakit andito ka pa? Sinong tao sa pwesto?", bungad ko nang makita si Nanay na hinahalo ang sinangag.

"Pinabantayan ko muna kay Mareng Sonia. Sabi ko saglit lang naman yung contest mo. Syempre hindi naman pwedeng wala ako sa isa sa importanteng okasyon sa buhay mo", masiglang sagot ni Nanay.

"Kumain ka na para makapunta ka agad sa eskwela. Susunduin ka ba ni Karen?" tanong ni Nanay.

"Speaking of, malamang sya na yung kinakahulan ni Sugee", sabi ko habang kumukuha ng dalawang plato.

Malamang ay hindi pa nag-aalmusal ang loka at favorite nya ang sinangag ni Nanay.

"O ayan na pala si Karen! Halika at saluhan mo na si Amvi sa almusal", alok ni Nanay kay Karen na madali namang umupo sa mesa.

"Ay Ninang, hindi ko yan tatanggihan", sagot ni Karen sabay agaw sa bitbit kong plato.

Bukod sa bestfriend ko si Karen, maliban kay James, ay kinakapatid ko din sya. Ninang nya si Nanay kaya magkumare sila ni Aling Sonia.

Amvi TiosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon