CHAPTER SIX
Kinabukasan ay pinatawag ako ni Mrs. Martinez, ung principal, dahil may mahalaga daw syang sasabihin sa akin. Nagmamadali naman akong pumunta sa principal's office. Naabutan ko dun ang ilang estudyante na tila sinesermunan ni Principal. Siguro ay nahuli na naman ang mga ito na nagbubulakbol. May malapit kasing bilyaran sa kabilang kanto ng eskwelahan at kahit naka-uniporme ay pinapapasok ng may-ari dahil ang katwiran nya ay nagbabayad naman daw yung mga estudyanteng nagpupunta dun.
Tsk, tsk tsk. Kawawa naman ang mga magulang nitong mga batang 'to. Malamang ay hindi nila alam na imbes na nag-aaral ang mga anak nila ay tumatambay lang pala sa bilyaran.
Habang naghihintay na matapos masabon ang mga batang mukhang kanina pa sinesermunan ni Principal ay biglang dumating si Harry. Hindi ko alam kung magpapakilala ako sa kanya.
Siguro naman ay nanood sya kahapon at nakita nya kung sinong nananalong Campus Queen.
Naisip ko naman na kung magpapakilala ako ay baka isipin nya na ang presko ko.
Meron bang preskong babae? Ang alam ko lalake lang ang nagpapapresko.
Naisip ko na kung magpapakilala ako, baka mapahiya lang ako at isnabin nya.
Ano ba kasing ginagawa nya dito?
Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang pumunta sa principal's office?
Hindi! Pero bakit nga kasi sya nandito?
E bakit ba natataranta ka jay Amvi?
"Hindi no! Ang awkward lang kasi".
"Ha?" tanong ni Harry.
"Ha?" sagot ko naman.
"Ako ba yung kausap mo?" tanong ulit nya sabay turo sa sarili at inilinga nya ang kanyang tingin sa loob ng waiting area na kaming dalawa lang naman ang tao.
OMG! Nakakahiya! Nakita at narinig nya akong nagsasalitang mag-isa. Baka isipin nya na baliw ako.
"The next time na makita ko pa ulit kayo doon, hindi na ako magdadalawang-isip na ipatawag ang mga magulang nyo. Huwag nyong subukan ang pasensya ko", dire-diretsong sabi ni Principal habang papalabas ng kanyang silid kasunod ang tatlong lalaki.
Mabuti na lang at lumabas na si Principal, at least hindi ko na kailangan pang i-explain kung bakit ako biglang nagsalita kanina nang wala namang kausap.
"O, andito na pala kayong dalawa. Come in", alok ni Mrs. Martinez.
Sa sobrang hiya ko kay Harry ay bigla akong napapasok sa loob ng office ni Principal. Ang ganda ng opisina nya. May fresh flowers na nakalagay sa mukhang mamahaling vase sa may gilid ng malaking table at may dalawang silya sa harap nito. Meron ding isang maliit na bookshelf sa may sulok ng kwarto na katabi ng computer table.
"Please, have a seat", alok ni Principal.
Nagkatinginan muna kami ni Harry sabay sumenyas sya na sa kanang silya na lang ako umupo.
"Magkakilala na ba kayong dalawa?" tanong ni Principal.
"Hindi pa po", sagot ni Harry.
"Harry, why don't you introduce yourself? Dapat ngayon pa lang ay maging komportable na kayo sa isa't-isa dahil you'll be spending a lot of time together", paliwanag ni Principal.
Bigla akong napalunok sa sinabi ni Principal. Parang umeeko pa nga yung sinabi nya. "spending a lot of time together... together... together".
"Ehem", sabi ni Harry at nakita ko na lang na inaabot pala nya yung kamay nya sa akin.
BINABASA MO ANG
Amvi Tiosa
RomanceMangangarap ka nalang, siguraduhin mo munang gising ka! Mahirap na kung tutulog tulog ka, baka maka alpas pa ang minimithi mong pangarap. =))