With such beautiful country. Can a beautiful start shall begin?
++CynethIsTheName++
Maganda ang Korea. Pero mas gusto ko pa din sa Pilipinas dahil sa mga kaibigan ko. There are lots of beautiful tourist spots here but it's kinda boring to amuse myself alone. Mas maganda kasi kung by group or kahit sinong kasama, basta hindi ka nag iisa.
Kung alam ko lang na business din ang dahilan ni Daddy kung bakit kami nandito, sana hindi na lang din ako sumama kagaya ni Ate. It's not really a vacation at all.
Celebrity kasi si Ate at may projects siyang inaasikaso kaya hindi siya nakasama. Si Clarence naman, may sariling mundo. May mga kaibigan yan dito dahil napaka friendly niya, hindi kagaya ko na minsan lang kung lumabas ng bahay.
Then an idea pop up on my mind. Why don't I try to roam outside. Hindi naman siguro masama kung susubukan kong mamasyal mag isa.
Kinuha ko ang jacket ko bago nagpaalam kay mamita na lalabas muna ako, wala kasi sina mommy at daddy eh.
"Mamita. Can I go outside?" Naabutan ko siyang nagpupunas ng mga display sa room niya.
"Eodi gago sip-eoyo?" Kunot noo niyang tanong. (Where do you want to go?).
Naloka ako. Nakakaintindi ako ng Korean pero di ako fluent. Basic lang alam ko, kaso itong si Mamita palagi na lang akong Kino-Korean!
"Ahh.. I don't know exactly where. I just want to entertain myself! Please Mamita.. Let me!" nagpacute pa ako ng todo. Baka di niya ako payagan eh.
"Arraso. Josimhaeyo!" Talaga? Omg, akala ko mahihirapan ako magpaalam. (Alright. Take care!)
"Komawo Mamita! Bye" Humalik muna ako sa pisngi nita bago umalis.
Saan kaya ako pupunta?
Naglalakad lakad na lang ako habang dala ang mapa na binigay kanina ni Mamita. Nandito ako sa mismong Seoul, gusto ko sanang marating ang Jeju Island kaso lang baka maligaw naman ako. Di ko kasi alam paano pumunta dun. Di bale, next time sisiguraduhin ko ng makakarating ako dun.
Hays! Hindi naman ako nag e enjoy sa pamamasyal ng mag isa e. Pinapagod ko lang ang sarili ko.
"Ang daya mo naman Kuya e. Sabi mo ililibre mo ko!" Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Wow, ang cute niya naman. Naka pout pa siya. Para siyang bata!
"Oo na. Oo na! Ililibre na kita basta wag kang iiyak. Anu bang gusto mo?" Sabi nung lalaking kausap niya. Nakatalikod yung lalaki kaya hindi ko makita.
"Yehey!" Nagtatalon naman sa tuwa yung babae.
Wait--? Teka? Nasa Korea nga pala ako.. At nagtatagalog sila so it means na Pilipino din sila. Uhm, masaya to. Mukhang may makakausap na ako.
"Uhm. Sillyehabnida?" bati ko sa kanila pagkalapit ko. (Uhm. Excuse me?)
"Annyeong Haseyo!" nakangiting bati nung babae. Yung lalaki naman, di man lang ako sinulyapan. Hmp, suplado. Baka naiinis sa biglaang paglapit ko. (Hello)
"Annyeong. Jeoneun Chelsea eoyo! Dangsin eun yo? " pagpapakilala ko. (Hi. My name is Chelsea! And you?)
"Joneun Sally eoyo!" Nakangiting sabi niya pabalik. Buti pa to! Friendly. Hihi.
"Mannaseo Bangawoyo!" Sabi ko sabay lahad ng palad sa kanya. (Nice to mee you!)
"Mannaseo Bangawueoyo." Sabi niya bago tinanggap ang kamay ko. (Nice to meet you too)
"Eodiseo osyeoss-eoyo?" Tanong ko kahit obvious namang taga Pilipinas sila dahil nagtatagalog sila kanina. (Where are you from?)
"Anu ba Sally. Bakit mo ba kinakausap ang Koreanang yan. Baka mamaya masamang tao yan!" Sigaw nung lalaking kasama niya. Awtomatiko namang napataas ang kilay ko, pero agad ko ding binawi. Magkukunwari muna akong di ko siha naiintindihan. Nginitian ko pa nga siya e.
"Anung nginingiti ngiti mo diyan? Bakit ba kasi kinakausap to ni Sally e!" Dagdag pa niya.
"Joneun Pilipin esseo wass-eoyo!" Sagot ni Sally sa akin na parang di naririnig ang lalaking katabi niya. (I am from Philippines)
"Sally." Hinawakan nung lalaki yung braso ni Sally. "Tama na ang pagbibigay mo ng impormasyon. Baka mapahamak ka, baka masamang tao yan. Wag ka ngang basta basta nagtitiwala."
"E kuya. Mukha naman siyang mabait!" Sa wakas, hinarap din ni Sally ang kuya niya. Samantalang nakikinig lang ako sa kanila.
"Mabait? E mukha ngang hindi gagawa ng maganda yan e! Di mo pa nga masyadong kilala yan e."
Okay! Enough for this. Nauubos na ang pasensya. Mukha ba akong masamang tao?
"Sally. Its okay. Wag mo na lang akong kausapin para mapanatag na tong Kuya mo!" Napanganga sila sa sinabi ko. Di siguro nila ini expect na nagtatagalog ako at naiintindihan ko sila.
"Mianhae unnie!" Nakayuong sabi ni Sally.
"Di ako masamang tao. Naisip ko lang na kababayan ko kayo kasi nagtagalog kayo, kaya ako lumapit. Im Chelsea Hong Navarro. Hindi ako Koreana, may lahi lang. Pilipino din ako. Sige bye. Nice meeting you again Sally!" I smiled at her bago inirapan ang Kuya niya at naglakad palayo.
Makauwi na nga lang. Kabadtrip! Akala ko magkakaroon na ako ng mga bagong kaibigan. Kaya minsan natatakot akong i approach ang ibang tao e.
"Saan ka nanggaling? Bakit nakasimangot ka? Kumain kana ba?" Sunod sunod na tanong ni mommy ng makapasok ako ng bahay.
"Pasok po muna ako sa kwarto Mmy, napagod po ako sa pag iikot e. Saka di pa po ako nagugutom!" Humalik muna ako sa pisngi niya bago ako pumasok sa kwarto ko.
Argh. Bakit ba affected ako sa kasungitan ng lalaking yun? Bakit ako naiinis?
Tsk. Siguro napagkamalan niya akong masamang tao!
Dali-dali akong humarap sa overall mirror para tingnan ang sarili ko! Maayos naman. Bakit ganun siya kung makapagduda?
O baka naman naniniwala ang lalaking yun sa kasabihan na looks can be deceiving.
Ang babaw naman yata ng kinakainit ng ulo ko. Bakit ko ba siya iniisip! Ang pangit niya kaya. Tsk. Oo na, cute siya pero pangit ugali niya kaya pangit siya. Bahala siya sa buhay niya.
Makatulog na nga lang. Kinuha ko yung ipod ko at sinet sa kantang It might be you ni Stephen Bishop. Na LSS na talaga ako sa kantang to simula ng marinig kong kinakanta niya.
Bakit ganun? Bakit parang para sa akin, mas maganda pa yung boses niya kesa sa original na singer?
Kailan ko kaya maririnig ulit ang boses niya?
Kailan ko kaya siya makikita?
Kailan ko kaya siya makikilala?
BINABASA MO ANG
The Day We Fall In Love
Ficção AdolescenteIt's all started on one song. She heard someone singing a song inside a classroom. Will she be able to find the owner of the voice?? Or continue life and forget about his voice?