Chapter 3 - First day (I)

20 1 0
                                    

Education is the key to success.. But there is no even a single student who doesn't experience such things!

++CynethIsTheName++

Grabe. Inaantok pa ako! Imagine, kahapon lang kami dumating from Korea tapos first day of classes na agad ngayon.

Hindi man lang ako pinayagan nila Mommy at Daddy na umabsent kahit isang araw lang para makapagpahinga.

"Sige Chel! Una na ako. Ingat ka ha. Di na kita sasamahan sa classroom mo. Malaki kana!" Paalam ni Ate Cheska.

Sabay kasi kaming pumasok. Tumango na lang ako na parang walang gana. Wala pa talaga ako sa mood.

Tsk. Saan na ba ako pupunta! Ang laki ng school na to compared sa school namin nung high school pa lang ako. Buti pa si Ate Ches, sanay na dito! 3rd year na kasi siya. Samantalang ako freshman pa lang.

"Bhesstyyy!! OMG, namiss kita!" Muntik na akong ma out of balance sa biglang pagsugod ni Micah ng yakap sakin.

"Micah! Nasa tabi mo lang ako kaya pwede wag kang sumigaw!" Saway ko sa kanya habang nakatakip ang kamay sa dalawa kong tenga.

"Ayy! Grabe siya. Namiss lang naman kita! Bakit ba parang wala ka sa mood?" Ng huminahon na siya ay sa wakas napansin niya din ang mood ko.

"May jetlag pa ako. Kakauwi ko lang kahapon. Di man lang ako pinapagpahinga ng parents ko!" nakanguso kong sumbong.

"Nagpout ka pa talaga. Pero mahirap nga yan! Kayanin mo na lang Bhesty. Wag ka ng sumimangot, first day ng school year ngayon. Dapat happy lang. Sige ka, buong school year kang nakasimangot!" Banta niya pa.

Hinila ko na lang siya palakad at baka malate pa kami. "Ikaw talaga. Kung anu-ano naiisip mo!"

Habang naglalakad panay ang kalabit ni Micah sa braso ko. Kaya naman tumigil ako para harapin siya.

"Bakit ba kanina ka pa kalabit ng kalabit?" Naiinis kong tanong.

"Highblood ka talaga kahit kelan bhesty. E itatanong ko lang naman kung alam mo ba talaga kung saan yung classroom natin kasi kanina pa tayo lampas!"

Nasapo ko ang noo ko. "What? Bakit di mo agad sinabi?" Aminado naman akong di ko alam kung saan. Did I mention already na di pa ako pamilyar dito sa Winred University. Yeah, my parents alma matter!

"E kasi Chel. Nakakatakot yung aura mo! Next time nga wag kang lalabas ng bahay pag may jetlag ka!"

"Fine. I'm sorry! Tara, ikaw na maglead kung saan ang classroom natin!" Paumanhin ko.

Papasok na kami sa classroom ng mapatigil ako sa pagpasok nung nakita kung sino yung papalabas ng pinto.

"Ikaw??" Halos sabay naming sigaw. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yung lalaking nagsabing baka masamang tao daw ako nung nasa Korea ako.

"Anung ginagawa mo dito?" Sabay na naman naming sigaw.

Bigla namang humarang sa gitna naming dalawa si Micah habang nakataas ang dalawang kamay na parang pinaglalayo kami. "Wait. Wait. Wait. Wait! Anu bang nangyayari? Wag nga kayong sumigaw. Mag usap kayo ng mahinahon. Pinagtitinginan na kayo ng ibang students"

"Tss!" Sagot ni guy sa sinabi ni Micah. Inirapan ko na lang siya.

"Okay!" panimula ni Micah. "Magkakilala ba kayo?"

"Yes/No" Ako/Guy.

"Ano ba talaga bhesty?" Tiningnan ako ni Micah "Kuya?" Sabay lipat ng tingin kay guy. Feel na feel ng bestfriend ko ang pagiging referee.

"Yes! I'd met him in Korea!" Sagot ko, mabuti na lang at hindi na nakisabay tong lalaking to.

"Yes, we had met but it doesn't mean we already know each other. So no, hindi kami magkakilala!" Aww. Pahiya ang lola mo.

"But I already introduced myself!" Ganti ko.

"Yes, to my sister. Not to me. So pwede ba wag mo kong kausapin. Ang creepy mo e!" What? Ako creepy? What's with him? Tinalikuran na niya ako bago pa ako makapagsalita ulit. Argh. Nakakainis.

"Let's go bhesty. Wag mo na lang siyang pansinin!" yaya ni Micah.

Pumasok na kami sa loob at naghanap ng vacant seat. Nakasimangot pa rin ako at padabog kong ibinagsak ang gamit ko bago ako umupo. What a day? Sirang sira ang first day ko. Come to think na hindi pa man lanh nagsisimula ang first subject.

"Yung nguso mo Chel, pwede ng pagsabitan ng kaldero!" Tukso ni Micah.

Inirapan ko lang siya. "Nakakainis kasi! Napahiya ako sa ibang students. Nakita mo ba yung reactions nila?"

Tumawa lang siya. Kaya mahal na mahal ko tong bestfriend ko e. Siya lang nagtitiyaga kahit may pagkabipolar at psycho ng attitude ko. "Hayaan mo na lang bhesty. Wag ka magpaapekto! Isipin mo na lang ulit si Mr. It might be you at ang maganda niyang boses para ma good vibes ka." Oo nga pala, naikwento ko sa kanya yung about dun sa lalaking may magandang boses.

Nakita kong pumasok ulit ng classroom si Korea guy. Saan kaya siya nanggaling nung lumabas siya?

Nah! Pakialam ko ba? So kaklase ko pala siya sa subject na to? Or worst baka pareho pa kami ng course. Tsk, I hate the idea.

Kasunod niya ay isang babaeng nakasalamin na sa hula ko ay professor namin.

After ng ilang subjects, breaktime na. Dali-dali akong lumabas ng classroom. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha ng lalaking yun na until na ay di ko pa kilala. Feeling ko nakaka suffocate talaga isipin na magkasama lang kami sa iisang room at iisang hangin lang ang hinihinga namin.

"Bhesty! Kailan ang showing ng bagong movie ng Ate mo?" Tanong ni Micah habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

"Tomorrow na ang premiere night!" Walang gana kung sagot. Don't get me wrong. Close kami ng Ate ko at gustong s

gusto ko panuorin lahat ng movies niya. Ang ayoko lang e si Troy. Yung partner niya ngayon.

"Kailan tayo manunuod?" Pangungulit niya.

"Bahala na!".

'Omg, ang gwapo niya talaga'

'Ang hot niya pa din'

'Diba bukas na ang première night ng movie niya with Cheska Navarro?'

Napairap na lang ako. Siguro naman nahuhulaan niyo na kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga babaeng to.

'Lalapitan niya ako! Oh my gosh' girl 1

'Gaga, wag kang ambisyosa. Sa akin siya lalapit' girl 2

'Pareho kayong ambisyosa! Tingnan niyo nga oh. Dun siya papunta sa kapatid ni Cheska' girl 3

'Aii. Wala na. May bf na nga yung partner niya, yung kapatid naman pala ang gusto' girl 2

Argh. Nakakainis! I hate attention. Kaya nga ayoko mag artista. Nakakainis ka Troy kahit kelan!

"Hi Chelsea" Bati ni Troy. "Tara na mag lunch--"

Hindi na niya natapos yung sasabihin niya dalhin biglang may humila sa akin. What the eff? Sino to?

'Hinila siya nung gwapong freshman!'

'Boyfriend niya ba yun?'

'Wow. Ang swerte naman niya.'

"Seriously? Anung problema mo? Bakit bigla-bigla kang nanghihila? Do I know you? Close ba tayo?"

The Day We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon