They say 'dont talk to strangers' but how can you able to know them if you don't talk to them at first?
++CynethIsTheName++
"Seriously? Anung problema mo? Bakit bigla bigla kang nanghihila? Do I know you? Close ba tayo?" Naiinis kong tanong ng sa wakas ay tumigil kami sa paglalakad.
"Hindi ko lang gustong makita yung artistang yun." Halata ang pagkairita sa mukha niya. OMG! Don't tell me may nakaraan sila? Bromance??
"And so? Bakit kailangang kasama ako sa pagwo-walk out mo?" Nakahalukipkip kong tanong. Nakakainis na siya ha! Kanina lang sinabihan niya akong creepy at wag ng lalapit sa kanya. Tapos ngayon makahila feeling close.
Napabitaw naman siya sa kamay ko. Tsansing pa ang loko. "H-hindi ko alam! Bakit nga ba kita hinila? Diyan ka na nga" Naglakad na siya palayo.
Bwisit yun ah. Iwanan daw ba ako.. Pagkatapos niya akong hilahin dito sa.. Teka?
"Hoy!" Tinawag ko siya.
"Hoy!" Aba! Parang walang naririnig.
Tsk. Alam ko na!
"Aray! Bakit bigla ka na lang nambabato ng notebook?" Tumigil siya at humarap sa akin habang hinihimas yung batok niyang natamaan nung notebook.
"Sorry na. Kanina pa kasi kita tinatawag. Di mo ko pinapansin!" Naglakad na ako palapit sa kanya.
"Tss. Wala akong narinig na may tumatawag sa akin" Tinalikuran niya ako ulit.
Aba't-- "Kanina pa kaya ako hoy ng hoy dito!" Hinawakan ko siya sa braso para pigilan siya sa pag alis.
Humarap siya ulit. "The last time I checked my birth certificate! Hindi hoy ang pangalan ko!"
"E anung pangalan mo?" Lagi ko na lang siya nakakausap pero di ko alam ang pangalan niya.
"None of your business! Bakit mo ba ako tinatawag?" Nakakunot pa yung noo niya. Hmp. Suplado. Para pangalan lang eh.
"Paano ba naman kasi Mr.Hindi hoy ang pangalan. Hinila mo ako dito. And to be honest. Hindi ko alam kung nasaang part na ako ng University at mas lalong di ko alam paano bumalik!" Bakit ba kasi ang laki masyado ng Winred? Di naman ako nakasama nung tour ng freshmens kasi nasa Korea pa ako.
"Tss. Fine! Follow me." Hmp. Sungit! Daig pa ang may PMS. Baka bakla nga talaga? Ayoko namang tanungin dahil baka mamaya lalaki pala talaga, takot ko na lang mahalikan. Diba ganun ang mga lalaki pag inaasar o tinanong kung bakla. Laging panlaban ang halik! Kaya no, never akong magtatanong.
"Anu ba kasing pangalan mo?" pangungulit ko sa kanya habang naglalakad.
"Tss. Bakit ba gusto mong malaman? May gusto kaba sa akin?" cool niyang tanong.
Napabuga naman ako ng hangin sa sinabi niya. "Are you kidding me?? Kapag ba tinanong ang pangalan.. may gusto na agad?"
"Malay ko bang gumagawa ka lang ng way para mapansin ko!" walang gana niyang sagot, ni hindi man lang ako nililingon. Diretso lang siya sa paglalakad.
Sa inis ko, huminto ako. Kaya naman huminto din siya at lumingon. Kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Pssh, lagi nga palang nakakunot ang noo niya that makes him more attractive. Wait-- did I just say attractive? I shook my head.
"Hey! Nababaliw kana ba? Anung iniiling-iling mo diyan? And why did you stop?"
I rolled my eyes and turned my back to him. "None of your business!" I said mimicking him, I suddenly remembered him saying those lines earlier when I asked him what's his name. And I started walking in the opposite way.
"Teka! Hindi diyan ang daan." Pahabol niya pa. Itinaas ko na lang ang kanang kamay ko at nagwave. Bahala siya sa buhay niya.
I heard him sighed bago ako tuluyang makalayo.
Hindi ko talaga alam kung nasaang lugar na ako. Bakit ba kasi ang hina ko sa pagme-memorize ng lugar. Nagugutom na din ako. Bwisit na Korea guy yan.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa may freedom park. I checked the time, 11:35am. I still has more than 1 hour before my next class.
Umupo ako sa damuhan sa may ilalim ng puno bago ko inilabas ang cellphone ko para tawagan si Micah.
(Hello, nasaan ka ba? Kanina pa kita tinatawagan. Nagugutom na ako, wala akong kasabay pagkain. Ipinagpalit mo na ako agad)
Dire-diretso niyang sabi. Hindi man lang ako hinintay na makapag hello. Ramdam ko naman ang tampo niya kaso hindi ko naman kasalanang hinila ako ni Korea guy e.
"Sorry na bhesty. Nandito ako sa Freedom Park at hindi ko alam paano pupunta sa Cafeteria."
(Ganun ba? Sige, bibili lang ako ng pagkain tapos punta na ako diyan!)
Sabi niya bago ini-end ang tawag. Itinago ko na ulit ang cellphone ko sa bag ko.
Hindi ko inaasahan ang isang pares ng panlalaking sapatos ang biglang tumigil sa harapan ko. Tumingala ako para malaman kung sino ang nagmamay-ari noon.
Si Korea guy. May hawak siyang sandwich at Dutchmill na strawberry flavored, magkasalubong ang kilay niya habang inaabot sa akin ang mga yun.
Nagtataka man ako. Tinanggap ko pa rin. "Para sa akin ba to?"
"Hindi. Pinapahawak ko lang sayo!" Masungit niyang sabi. "Malamang sayo yan, kaya ko nga binigay e" dagdag niya bago pa tuluyang umusok ang ilong ko.
"Para saan?" Patuloy kong tanong. Hindi na nadala sa pambabara niya.
"Peace offering!" pagkasabi niya nun, tinalikuran niya na ako. Ang weird talaga nun.
Sinimulan ko ng kainin yung sandwich na bigay niya. Nagugutom na rin naman ako e. Wala naman sigurong lason to. Hindi naman siguro ganun katindi ang galit niya sa akin para patayin niya ako. Okay! I know I'm over reacting.
"Ang daya mo naman e! May pagkain ka na pala. Hindi mo agad sinabing nakabili ka na pala!" Napalingon ako sa nagsalita. Si Micah, bitbit ang dalawang sandwich at dalawang mineral water. Mas lalo tuloy akong naguilty.
"Ah.. eh.. Sorry na bhesty! Hindi naman ako ang bumili nito e. Binigay lang ni Korea guy." I explained.
Nanlaki naman ang mata niya tapos biglang ngumiti bago tumabi sa akin. "Talaga? Yung cute guy na nakasagutan mo kanina sa may pinto ng classroom? At saka siya din yung humila sayo kanina ah"
I nodded.
"Kyaaah. OMG! Bhesty, lumalablayp ka na. Kailan mo balak ipaalam to sakin?" Di ko maintindihan kung kinikilig o nagtatampo to e. Pero wait-- I have to correct her.
"Excuse me, hindi ko nga alam ang pangalan niya. Saka asa ka pa, di ko siya type nu!"
Bigla namang lumaglag ang balikat niya at ang nakangiti niyang mukha ay napalitan ng lungkot.
"Anu ba yan? Kailan ka ba nagkaroon ng type? Bhesty naman, hindi kaya kailangan mo ng kalimutan si Mr.It might be you. It's beem two years, move on. Daig mo pa ang babaeng hiniwalayan ng boyfriend at hindi makamove sa nangyaring heartbreak."
Napaisip ako sa sinabi niya. Maybe she's right. Dalawang taon na rin nga pala mula nung narinig ang boses na yun. Dalawang taon na rin akong obsessed sa boses na yun. Hindi ako nagkakacrush sa iba kasi gusto kong makilala ang may-ari ng boses na yun. Dati twing may nanliligaw sa akin. Hinihiling ko sa kanila na kantahan ako, pero nadi-disappoint lang ako dahil hindi yun ang inaasahan ko. Hanggang sa sumuko na ako.
"Aray! Bakit ka namimitik?" inis kong tanong kay Micah habang hawak ko ang noo ko.
"You're idling. Nananaginip ka naman ng gising." sagot niya bago kumagat sa sandwich niya.
I sighed. "You're right. Maybe I need to move on. 14 y/old lang ako noon. Siguro nga kailangan ko ng mag mature!"
"Go bhesty. Support ako diyan! Hahaha."
Kinuha ko sa kanya ang sandwich na dapat ay para sa akin. "Akin na lang to ha!" Paalam ko bago ko sinimulang buksan at kainin iyon.
"Ang takaw mo talaga bhesty! Bakit di ka tumataba?"
Napatawa na lang ako kasi saksi ako kung paanong pagda-diet ang ginagawa ng bestfriend ko para di na siya bumalik sa dati.
BINABASA MO ANG
The Day We Fall In Love
Teen FictionIt's all started on one song. She heard someone singing a song inside a classroom. Will she be able to find the owner of the voice?? Or continue life and forget about his voice?