CHAPTER TWELVE

51 7 4
                                    

UNANG pagtatagpo ng aming mga mata ni Maine ay naroroon pa rin ang kakaibang tensiyon na namumuo sa akin sa tuwing makikita ko siya.

Anger

Pain

And then the blank expression na lumukob sa napakaganda niyang mukha, hindi ko siya masisi kung kasuklaman niya ako magpahanggang ngayon. Dahil sa pang-iiwan ko rito may tatlong taon na ang nakararaan.

Maski ako ay walang choice noon. Naiipit ako between my family and Maine. Pero sa huli mas inuna ko ang kapakanan ng family ko.

Muli ay natuon ang pansin ko kay Alden at kay Maine. Kitang-kita ko ang mahigpit na pagkakahawak ng kapatid ko kay Maine. Unti-unting nagkasalubong ang makakapal kong kilay 'di yata seryuso ang kapatid ko kay Maine, mariin kong tinapunan ng pansin si Maine na kababakasan ng kislap sa mga mata.

Iyong bang uri ng kislap na hindi naman inlove, tila mas malalim pa roon.

Lalo akong napakuyom ng sumilay sa mga labi ng babaing kaharap ko ang kakaibang ngiti, tiyak kong alam na niya ang tumatakbo sa isip ko.

Kilala ako ni Maine, alam niya kung paano gumana ang utak ko. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Malaki na talaga ang ipinagbago niya. Hindi na ito ang dating Maine na nakilala ko at minahal. Sa dating inosenti at conservative, ngayon halos wala ng itago sa katawan dahil sa suot lang naman niyang bikini black two piece swim suit.

Iyon nga lalong nagkahubog ito,sexy na ito noon pero ngayon lahat ng parte sa katawan niya eh nasa tamang hubog na. Kumbaga sa prutas hinog na hinog na.

Napasmirk ako ng akbayan ni Alden si Maine, tila napansin kasi niya ang paglalakbay ng mata ko sa katawan ni Maine. Masisisi niya ba ako, sadya kasing napakasexy plus the daring outfit of Maine.

"Ah if you don't mind Kuya balik na kami sa pool party." si Alden.

Pinagmasdan ko lamang siya at muli natuon ang pansin ko kay Maine.

"Hindi mo ba ako ipapakilala sa kasama mo?" Ang agap kong sabi kay Alden.

"Sure, why not Kuya. Si Maine Sanchez pala bro gf ko and Maine si kuya Greg pala my big brother." ang pakilala sa amin ni Alden sa isa't-isa.

"Hai! it's nice to see you." kababakasan ng kapayapaan ang mukha at boses ni Maine ngunit alam kong natetensiyon rin ito, sakaling ibuking ko siya mismo sa harap ni Alden.

Isang ngisi ang ipinakita ko rito habang itinapat ko sa kamay niya ang kanang kamay ko para makapag-hand shake kami for formality. Tila binalutan ng kaba ang mukha niya dahil sa mga sumunod kong binitiwan na mga kataga.

"It's nice to see you again Maine." kasabay niyon ang mahigpit kong paghawak sa palad niya, napapiksi siya na agad napabitiw sa palad ko nang mariin ko itong pisilin.

Akala ba niya, papabayaan ko siya sa gusto niyang mangyari? Puwes! nagkakamali ito, mas mautak parin ako.

KAHIT hindi magsalita si Maine eh ramdam ko ang pagngingitngit niya, nagpaalam na si kuya Greg na papasok na sa libriary dahil may tinatapos pa siyang mga papeles sa bagong venture ng company namin sa Macau.

Nang makapasok si Kuya agad kong kinausap si Maine. "M-May problema ba Maine?"

Tila naman nagising ito, agad niya akong nginitian, ngunit alam kong pilit lamang iyon. Biglang bumadha sa mukha ko ang lungkot.

Napansin naman iyon ni Maine. "Wala may naalala lamang ako Alden."

"Ganoon ba, tara. Tiyak naghihintay na sina Clem baka hinahanap kana rin nina Charlott at Angel." pagkasabi ko ay napatango naman siya at sumabay ng naglakad sa akin pabalik sa may pool party.

"Maine ano ang ibig sabihin ni Kuya sa iyo kanina na, It's nice to see you again. Nagkita na ba kayo dati?" Ang hindi ko natiis na tanong rito.

Dahan-dahan siyang humarap at napatigil sa paghakbang, kitang-kita ko sa mukha niya ang lungkot at galit?

Nagtagal ito sa ganoong ayos, dahan-dahan kong kinuha ang mga palad niya at kinintalan ng masuyong halik, tila nagulat pa nga siya sa ginawa ko.

"Kung ayaw mo pang sabihin sa ngayon Maine makakapaghintay naman ako kung sakaling ready kana. 'Wag kang mag-alala naiintindihan kita kahit ano pa iyan pipilitin kong intindihin, ganoon kita kamahal Maine my labs."

Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin. Nakita ko pang kumislap sa tuwa ang mga mata niya. Mahigpit niya akong niyakap.

Hinayaan ko siyang makulong sa mga yakap ko. It feels magical and peaceful sa tuwing yakap namin ang isa't-isa.

✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon