1st Part

6 0 1
                                    

"So boring naman this day mga babs!!" Pagbasag ni Mich ng katahimikan

Wala na silang klase pero mga hindi pa umuuwi kasi inaantay nilang tatlo yung crush nila sa campus, oo iisang tao lang yung crush nila pero hindi naman sila mga nag-aaway kasi crush lang naman.

"Tiis ganda tayo, as usual para lang masulyapan natin si crushy" saad naman ni Cally

"Oh my g! Oh my g! He's kaming mga babs!! Look" pagbulong ni Vera sa dalawa sabay turo sa banda una nila.

At ayun napatulala na lamang yung tatlo sa kagwapuhan ni Jom, parang mga batang naglalaway sa lollipop, may pagkurot na, paghigit ng dami at paghampas sa katabi, pero mauutak dahil hindi naman nila ito pinapahalata sa ibang tao at lalo na kay Jom, may mga hiya din naman.

"Mga babs, pano kapag sakin sya nagkagusto?? Aaawww sorry nalang kayo hahah" pag-iimagine ni Vera

"Utot mo! Wag ka ng umasa babs! At sakin manliligaw yan" pagkontra naman ni Mich

"Mga gaga!!" Sabat ni Cally sabay sabunot sa dalawa.

"Aray ha!! Masakit!!" Sabay na reklamo ni Vera at Mich.

"Wag nga kayong mga ilusyunada, kahit kailan di kayo mamahalin nyan, dahil ako ang mapapansin niya wahahaha"  di ring patalong sabat ni Cally.

Tinitigan ng masama ng dalawa si Cally sabay ngumiti sa isa't isa, pawang nagkaintindihan sila sa titigan na yun, at si Cally naman syempre kaibigan din alam nyang may binabalak na masama yung dalawa sa kanya. Kaya naman tumayo sya at kumaripas ng takbo, at ayun naghabulan na yung tatlo.

*After 1 minute*

"Ma-nga *hinga* babs *hinga* ayoko na *hinga* pagod na ako" pagsuko ni Mich habang paupo sa isang bench.

"Ay su-ko *hinga* agad si ba-boy *hinga* oh hahaha" pang-aasar naman ni Vera.

"Hahaha *hinga* oo nga" sang-ayon naman ni Cally.

"Etong mga baboy na'to akala mo naman di din pagod, mas nauna lang akong nagreklamo, pare-pareho tayong habol ng hininga o atsaka di ako baboy ha, pare-pareho lang tayong nagdodoble ang baba kapag nagtetext hahaha"  saad ni Mich

"Kow nandamay pa sa kababuyan nya hahha" imik naman ni Cally

"Haha tara na ngang umuwi hapon na din oh" sabi ni Vera

"Oo nga! Bye myloves Jom." Sabi ni Mich

"Babye mybaby Jom" sabi naman ni Cally.

"Bye mybabes Jom" sabi naman ni Vera.

Pero di talaga rinig ni Jom yan, yung volume ng pagkakasabi nila eh yung sila sila lang din ang makakarinig, wala eh mga baliw na.

*Kinabukasan*

"Uploaded mga babs!" Sabi ni Vera sa dalawa after nyang magpost sa Ig ng picture nilang tatlo.

"Anong caption??"  Tanong ni Mich

"'TGIF. #Waiting.' Hahaha" sagot ni Vera.

"Baliw ka hahaha antagal naman ni Baby"   saad naman ni Cally.

Wag na kayong magtaka kung sino ang inaantay nila.

"Kaya nga eh so sad friday na ngayon, wala tayong pasok bukas huhuhu" sabi ni Vera

"Kaya nga eh kainis!"  Sabi naman ni Mich

Mga ilang minuto, ayun dumating na si Jom.

"Mga babs andyan na sya oh, at mukang may practice sila ng basketball may dala syang bag, shet swerti tayo hahah"  imik naman ni Cally.

At ayun tumahimik na yung tatlo habang nanunuod...mali habang pinapanuod si Jom.

"Babs! Oh magffreethrow sya! Shoot o hindi!" Pagtatanong ni Vera

"Syempre shoot yan!" Sabi ng dalawa

"Ako di yan shoot, may dare ang matatalo ha!"  Panghahamon ni Vera at sumang-ayon naman yung dalawa.

May naisip na kasing pang dare si Vera kung sakaling manalo sya, pero sa kasamaang palad, naishoot ni Jom yung bola sa ring.

"F*ck!! Talo ako."   Sa isip ni Vera "Yare" yan na lamang ang nasabi nya.

"So babs, talo ka hahaha mag-iisip na kami ni Mich ng gagawin mo"  sabi ni Cally na para bang nananakot.

Ayun nagbulungan na yung dalawa ni Mich, si Vera naman ay inis na inis kasi natalo sya.

"May naisip na kami" sabi ni Mich

"Ano yan?? Yung madali lang ha" sabi naman ni Vera

"Madali lang to, uwi na tayo tapos dun tayo dadaan malapit kina baby, kapag saktong nasa tapat ka na ni baby, kakanta ka ng Siguro ni Yeng" sabi ni Cally

"What?!?? Jusko naman, alam nyo namang sa banyo lang ako nagiging singer, baka mapahiya ako." Pagrereklamo ni Vera

"Walaaa, bilis tara na!"   Pagyayakag ni Mich sabay higit kay Vera

"Kakanta ka ha, dare yan, kapag di mo ginawa, F.O.F. na tayo." Pananakot pa ni Cally

Papalapit na sila ng papalapit kila Jom, si Vera di mo maintindihan ang itsura, parang natatae na paiyak na, kabadong kabado sya bawat hakbang papalapit kay Jom ay nanlalambot ang mga tuhod nya, at ayun na malapit na sya.

Si Cally at Mich puro senyas na, na kumanta na sya,,si Vera lumunok muna bago kumanta.

"Siguro'y umiib-iigg!!" Pagtigil ni Vera sa pagkanta sabay takip sa bunganga nya

Yung dalawa ni Cally at Mich pigil ng tawa sabay takbo palayo, napakabait na mga kaibigan.

"Sh*t ! F*ck! Nakakahiya"  sigaw sa isip ni Vera habang papalayo kina Jom.

Nagtataka ba kayo kung bakit nagkaganun yung tatlo, ulitin natin ang nangyari kanina

"Siguro'y umiib-iiigg!!" Kanta ni Vera kanina, bigla syang tumigil kasi pumiyok sya,,opo pumiyok sya, at napatingin sa kanya si Jom at ang ilang kaplayer nito na nakarinig ng pagkapiyok nya. So ayun po yung nangyari.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crushy EnemyWhere stories live. Discover now