Kiann's P.O.V.
Sobra kong nag alala sa pagkakatama ng bola sa ulo ni Aeries. Nang makita ko syang patumba awtomatiko akong kumilos para saluhin sya.
Nakapikit sya ng masalo ko sya,akala nya siguro tuluyan na siyang babagsak. Nakatitig ako sa maganda nyang muka nang dumilat siya. Hindi ko napigilan ang sarili kong tanungin suya at hawakan ang mukha nya. Pakiramdam ko nagwawala ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Nasa ganon kaming posisyon ng may magsalita sa gilid namin.
"Im sorry Xandy!... " saad nung transferee na kakapasok lang sa team namin. So sya pala ang may gawa ng pagtama ng bola kay Aeries.
Pagtingin ko kay Aeries nagulat ako sa naging reaksyon nya. Nanlaki ang mata nya at walang sabi sabing umalis na kahit si Nikka yata ay nalimutan na kasama nya. Sinundan sya ni Ringless,pinigilan nya ang kamay nito. Bakit ganon? Bakit may iba akong nararamdaman? Sa ilang taon kong pagpapapansin sa kanya ngayon lang ako nakalapit sa kanya ng ganoon kalapit pero ang lalaking iyon.... Iisang araw pa lang siya dito nalapitan at nahawakan nya na ang babaeng mahal ko? NASAAN ang hustisya?!!
Nakita kong galit ang expression ng mukha ni Aeries,hinigit pa nya ang kamay nya sa pagkakahawak nung lalaki habang nag uusap sila. Palapit na sana ko nang di ko sinasadyang marinig ang ilang usapan nila.
"But you're hurt Xandy... "
" Yes I'm hurt,but like I said I'm okay. No need for you to feel guilty."
"But I am more than guilty."
"That's not my problem..... It's yours. " Tsaka nya iniwang tulala ang lalaking ito.
Bakit ganon? I felt something's wrong. Para silang matagal ng magkakilala sa paraan ng pag uusap nila.
Xandy.... Yun ang pangalang itinawag nya kay Aeries... Si Nikka lang ang narinig kong tumawag sa kanya ng ganoong pangalan. Magkakilala na kaya sila noon pa? Pero bakit parang galit na galit si Aeries kay ringless? Anong namagitan sa kanilang dalawa?
" I smell competition is coming!.. Hehe... " Inakbayan ako ni Pochollo,nakalapit na pala silang lahat sakin.
" Huwag mo na masyadong isipin yon.. Baka mabaliw ka lang. *smirk" Hinagis sakin ni Drake yung bag kong naiwan sa bench namin kanina.
" Pochollo's right. Be ready bro." Bulong sakin ni Joshua bago nya ko nilampasan.
"Dude idate mo na lang si Emily kung gusto mong lumipas yang nasa utak mo.Haha! " Erick patted my left shoulder.
"Hindi ka nakakatulong! Gunggong! " Naiinis ako! Naiinis ako hindi dahil sa sinabi ni Erick kahit pa ilang beses nya na kong tinutukso kay Emily. Naiinis ako sa sitwasyon ko ngayon. Para kong nakalutang sa ere na hindi alam ang mga nagaganap sa paligid ko,samantalang sila.... Nahihimigan ang paparating na problema ko. Hindi ko nga ba pansin yun? O nagbubulag bulagan lang ako? Ah basta! Gagawin ko ang alam kong tama. Tapos!
"Hey wait for me! You bunches of jerks! " tumakbo ako papalapit sa kanila. Nang makalapit ako nakakalokong tumawa si Erick. Nabatukan ko nga! Nahihirapan na nga ang puso ko pahihirapan pa nya ko physically! BWISIT!
Pochollo's P.O.V.
(meron din pala ko nito! HAHA! Akala ko puro sila na lang magkakaron ng point of view! Thank you! Ang gwapo ko! HAHA! )
Pochollo Zaragosa at your service! Member ng F5. Yes! Alam ko na F5 ang tawag samin ni Aeries. Limang Feelingero! Hindi nmn sa talagang feeling mga gwapo kami,sa totoo lang gawapo talaga kami at habulin ng chicks! Hindi kami ang lumalapit sa girls kundi sila lalo na tong si Kiann. Choosy yan masyado at mataas ang standards pagadating sa mga babae. Though meron na siyang mangilan ngilang pinatulan.
YOU ARE READING
Loving You Unexpectedly
Teen FictionPlease just try to read! What will you do if the person you hated the most turns out to be your one true love unexpectedly? Will you have the courage to admit it or let your feelings hide? This is a story about Aeries Xandria Wong who has an ex bo...