Pahiya Ka, Noh?

764 25 13
                                    

A/N:Dala ng boredom. Isa na namang oneshot na walang kabuluhan! Joke lang! Pahiya ka noh? XD Mag-enjoy ka nawa sa pagbabasa mo.  Iboto kung gusto at mag-iwan narin ng komento. XD Salamat. Labyu. ♥

Dinededicate ko pala eto kay Cha. Kaway kaway sayo with feelings. XD Haha.♥

--

Pahiya Ka, Noh?

**

"Hoy, Zyren! May ipis sa likod mo oh!"

Heto na naman ako, nang-aasar sayo. Ikaw naman, mangiyak-ngiyak na dahil akala mo meron nga. Para ka tuloy isa sa casts ng Madagascar. 'Yung mga kaklase naman naten,lalo na 'yung ibang mga lalake, hagalpak ng tawa. Anlakas kasi ng trip ko eh,noh? Trip na trip kasi kitang asarin, para makuha ang atensyon mo.

"Wala! Pahiya ka, noh?"

Heto ka na naman, maiinis at hahampasin ako ng wagas. "Nakakainis ka talaga! Wala ka ng ginawa kundi sirain ang araw ko! Lagi nalang ako ang nakikita mo! Ano bang problema mo, ha? Kainis ka talaga!," nanggagalaiti mong sinasabi iyan sa akin habang nangingilid na ang luha mo sa inis. Ako naman, natatawa lang sa inaasal mo. Siguro nga, hindi buo ang araw ko kapag hindi kita naaasar sa maghapon.

"Zyren, anong sagot sa no. 7?Saka 11?Eh sa 13?Ha?"

Heto na naman ako, aaktong kelangang kumopya sa'yo habang nag-eexam tayo. Kahit na ang totoo nyan, may sagot naman na ako kasi nakapag-aral naman ako, pero gusto ko lang masilayan ang mukha mo. Korni pero seryoso ako.

"Ano ba'yan! Wag ka ngang maingay dyan! Aral aral din kasi pag may time,ha? Oh,ayan...bilis!"

Heto ka na naman, nagsusungit pero maganda pa rin naman. Kunwari ayaw, magpapakopya din naman. At habang nakatingin ka sa guro ng may pag-aalalang mahuli tayo, ako naman, sa mukha mo nakasulyap imbis na sa papel mo. Ganon talaga, madiskarte kasi ako.

"Hoy! Gusto mo sabay tayong maglakad sa pag-uwi?"

Heto na naman ako, nagbabakasakali. Sa kabila ng kagwapuhan ko, inirapan at tinalikuran mo lang ako at kumaripas ka ng lakad. Nakakainis ka rin kaya! Palagi mo nalang ako dinededma! Binilisan ko rin ang lakad ko, para naman maabutan kita. Nakakahiya sayo eh.

"Pwede ba! Layuan mo nga ako! Ayaw kitang kasabay! Bibwisitin mo lang ako eh!Alis nga! Shooo!"

Heto ka na naman, tinataboy ako na parang aso. Oo nga pala,inis na inis na inis ka sa akin. Kulang na nga lang saksakin mo ako ng ballpen sa likod habang nagkaklase ang guro naten,kasi nga naman sa unahan mo ako nakaupo eh. O kaya naman pakainin mo ako ng hipon na wala akong ideya kung paano mo nalamang allergic ako sa pagkaing ito. Buti nalang, hindi mo pa ginagawa iyon. Ang ganda mo kasi, kahit walang koneksyon.

"May sinasabi ka? 'Yung pusa 'yung niyayaya ko. Akala mo,ikaw?Hala. Pahiya ka,noh?"

Heto na naman ako,bebwelta ng palusot na mas ika-aasar mo. Pasalamat ako, may dumaang pusa. Kasi sa totoo lang, ako ang napapahiya sa sagot mo eh. Ikaw kasi.

"Potassium."

Heto ka na naman, nanggagalaiti na pero kalma lang. Okay lang naman maging brutal ka saken eh. Naiintindihan ko. Gwapo kasi ako, kaya hindi maiiwasan.

"Huwag ka ngang magmura diyan! Kababae mong tao, nagmumura ka!"

Heto na naman ako, may pa-sermon sermon pa. Hindi naman kita masisisi kung murahin mo ako ng sagad. Kasi nga diba,inis na inis na inis ka saken.

Pahiya Ka, 'No? [Oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon