Chris' POV"Pwede mo bang kausapin si Melissa? Nag-aalala na ako sa kanya. Napapabayaan na niya ang sarili niya. Halos hindi na rin siya kumakain at hindi ko na siya makausap ng maayos.. Please convince her to take a rest." Nag-aalalang pakiusap sa'kin ni Margaux. Bakas sa mga mata niya ang pangamba at pag-aalala para sa kapatid.
Napabuntong hininga ako. It's been three days mula nang pumanaw si Papa. Pinili nila Margaux at Melissa na sa isang chapel gawin ang lamay at bukas nakatakda ang cremation ng mga labi ni Papa.
Araw-araw akong nagpupunta para siguraduhing nasa ayos ang lamay at para na rin damayan ang magkapatid. Besides, parang nawalan din ako ng ama. Masakit din para sa akin ang pagkawala niya. Parang kailan lang nung huli naming pag-uusap. Since day one, he's been nothing but the best mentor and a good father to me. He treated me like his own and I owe him a lot.
Sinabi ko na kina Mom at Dad ang nangyari. Ngayong araw ang flight nila. Probably, they'll be here tomorrow morning to witness the cremation. Labis din silang nabigla at nalungkot sa masamang balitang biglaang pagpanaw ni Papa.
Tumango lang ako sa pakiusap ni Margaux sa'kin. Kahit alam kong imposibleng pakinggan ako ni Melissa. Kapatid nga niya hindi niya magawang pakinggan, ako pa kaya?
Alam kong nagluluksa siya pero hindi niya dapat makaligtaang alagaan ang sarili niya. Gusto ko siyang alagaan pero mailap pa rin siya sa'kin. Noong araw na niyakap ko siya at sinabi kong hayaan niya akong alagaan siya... Akala ko pumapayag na siya pero makalipas lang ang ilang oras ay hindi na ito umiimik. Naging mas malamig pa ang pakikitungo niya, hindi lang sa'kin kundi pati na rin sa taong nasa paligid niya.
Madalas ay nasa isang tabi lang siya at hindi umiimik. Pag tatanungin siya ay iiling o tatango lang siya. Parang mas mabuti pa nga kung umiyak na lang siya at ilabas niya ang kinikimkim niya kaysa naman sa wala siyang imik. Mas lalo kaming nag-aalala dahil sa ginagawa niya.
Umaalis lang siya kapag umuuwi siya sa mansyon nila para makapagpalit at makatulog sandali. Agad din itong babalik pagkatapos ng ilang oras.
Dahan dahan akong lumapit sa kinauupuan niya. Naupo ako sa tabi niya at sinubukang magbukas ng usapan.
Mukhang hindi niya napansin ang presensya ko kaya tumikhim ako. Napalingon naman siya sa'kin pero agad ding umiwas ng tingin. Muli niyang itinuon ang paningin sa kabaong ni Papa na nasa harapan namin.
Sandali kong tinitigan ang mga mata niya pero wala akong mabasang emosyon doon. Her stoic expression remained.
I should open up a talk and start it with a question, 'Hey, You Okay?' But the last time I asked her that... mas lalo lang siyang nagalit sa'kin. And it's obvious that she's not feeling okay. Ofcourse.
"You... You want coffee?" I hesitantly asked, instead.
Inilahad ko sa kanya ang kape nang hindi ito sumagot. Pero tinitigan niya lang iyon at walang ganang umiling.
Binawi ko ang kamay ko. Okay. I need to try harder. Ano bang magandang pag-usapan?
May naisip ako at dahil sa kagustuhan kong magsalita siya ay hindi ko na naisip ng mabuti ang sunod kong itinanong.
"You missed your kids? Sinong nag-aalaga sa kanila ngayon?" Lumabas na ang mga salitang iyon bago ko pa mapigilan. Mahina akong napamura.
BINABASA MO ANG
Unfaithful Wife | ✔️
ChickLit[COMPLETED] Melissa was being trapped on her so-called "miserable marriage" nang i-arranged marriage siya sa kanyang bestfriend na si Chris. Her almost perfect love life was ruined because of that and she blamed it all on Chris. When they got marrie...