Copyright © Night_Rielle, 2019
CHAPTER THREE:
"Whooo yes! Early dismissal!" malakas na sigaw ni Taehyung sa tenga ko habang nakaakbay sa akin palabas ng classroom.
Marahas ko siyang itinulak palayo sa 'kin sabay takip sa tenga kong sinigawan niya. "Bwisit naman 'to eh," nanlilisik ang mga matang angal ko sa kanya. Binelatan lang niya ako sabay gulo ng buhok ko.
Binalik niya ang pagkakaakbay sa akin at sabay na ulit kaming naglakad papalabas. Nagkaroon ng biglaang early dismissal kaya ang daming mga estudyanteng palakad-lakad sa corridor. Ang iba ay masayang nagkekwentuhan. May nagmamadaling umuwi. May nakita pa akong naglalandian sa tabi. At may ilan pang mga kababaihang napapatingin sa aming dalawa ni Taehyung. Kay Taehyung lang pala. Tapos masasama na 'yung tingin sa akin ng iba. Nalipat ang tingin ko kay Taehyung na diretso lang ang lakad at preskong nakaakbay sa akin. Aware kaya 'tong taong 'to na gusto na akong akong patayin sa tingin ng mga bebegurls niya?
"B-bakit?" tanong niya nang mapansin akong nakatitig sa kanya.
Umiling ako. "Wala. Ang gwapo mo kasi," walang prenong sagot ko sa kanya. Dahil nakaakbay siya sa akin at nakatingin kami sa isa't isa, malapit ang mukha niya sa akin kaya naman pansin ko agad ang panandaliang pamumula ng pisngi niya. Iniwas niya agad ang mukha niya sa akin at umiling-iling. "Bakit?" tanong ko nang hindi pa rin siya tumitingin sa akin.
Tumikhim-tikhim muna siya. "A-aba oo naman. Gwapo talaga. Stop stating the obvious."
Napailing na lang ako sa taglay niyang hangin sa katawan. "Lakas," komento ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa school gate. Alas dose pa lang tanghali. Ang init umuwi. Naglabas ng payong si Taehyung at nagulat ako nang ibigay niya sa akin 'yun.
"Oh. Sa 'yo na muna 'tong payong ko. Alam ko namang umaraw o umulan, hindi ka talaga magdadala ng payong," napapailing niyang sabi.
"Hah? Eh ikaw paano ka? Hindi ka ba sasabay sa akin?"
Umiling agad siya. "Hindi. May pupuntahan pa ako eh."
Ngumuso agad ako. "Eh sama ako. Ayoko pang umuwi. Wala rin namang tao sa bahay."
Ginulo niya ang buhok. "Bawal. Hahaha. Umuwi ka na, okay?"
"Eh bakit bawal? Boks naman, eh. Ganyanan pala ah?" umiirap kong turan.
Natawa siya. "Uwi na, okay? May pupuntahan lang ako. Saglit lang 'yun. Init-init, sasama ka pa sa 'kin. Bye na."
"Kj. Hmp," I snorted.
He just shrugged and pushed me to the line of jeepneys waiting to get loaded. "Ingat ka ah?"
Wala na akong nagawa nang patakbo na siyang umalis. Napatitig na lang ako sa payong na iniwan niya.
• • •
Pag-uwi ko ay expected ko nang walang tao sa bahay. Si Mama, hindi ko alam kung nasaan. Layas din 'yung nanay ko na 'yun eh. Baka nasa mga kumare niya. Si Papa naman eh nasa trabaho.
Nagbukas ako ng fridge at naghanap ng pagkain. May nakita akong kaldereta kaya naman ininit ko na lang ito. Matapos kumain ay chineck ko 'yung phone ko para tingnan kung may message sa inbox ko mula kay Taehyung. Pero ang gago, walang message sa akin. Kainis. Saan kaya nagpunta 'yun? Nilayasan agad ako eh.
Dahil tanghali ay napagpasyahan kong matulog na muna. Halos dalawang oras siguro akong nakatulog nang magising ako sa maingay na ringtone.
Boks calling...
BINABASA MO ANG
Owned by a Jerk || Kim Taehyung
Novela JuvenilKim Taehyung and Alyx Dallanes are the best of friends. They both grew with the companion of each other. They're the usual best friends you would see running in the hallways, hand in hand and both giggling. As they both step to their senior year, un...