date published: november 5, 2013
language: tagalog
first one shot here
all rights reserved.
note: i'm sorry if it's lame && kindly play the song right there on the multimedia section
ﭢﭢﭢ
Nagsitakbuhan lahat ng estudyante na nakasuot ng kulay asul ng marinig nila ang announcer. Huhulihin kasi namin sila kapag hindi pa sila tumakbo.
"HOY JAZZ! TAKBO! HAHA! HABULIN MO'KO!" sigaw sakin nung bestfriend kong si Dessa na nakasuot ng kulay asul. Tumakbo ako sa pwesto niya kaso tumakbo rin siya. Etong mahirap kapag CAT eh, kami manghuhuli sa mga pasaway na katulad ne'tong bestfriend ko.
"Nye nye nye--" mang-aasar pa sana yung si Dessa pero nahuli siya ng kapwa-CAT ko. Napatawa naman ako. Hindi kasi natuloy ang asar niya.
"HALA OY! ANG DAYA! PUTEK!" sigaw ni Dessa habang nakahand-cuffs na inaalalayan ng kapwa CAT ko. Nag high-five naman kaming dalawa nung ka-CAT ko. Tumingin pa'ko uli sa buong campus at halos tatlo ang mahuli ko. Sobrang sakit na nga ng legs ko dahil kanina pa ako takbo ng takbo. Minsan pa naman ang kukulit nung iba, hindi nagpapatinag.
"Next on the jail booth. All those who are wearing red shirts!" pagka-sabi na pagka-sabi ng announcer ng school ay nagsitakbuhan muli ang mga estudyanteng nakakulay pula. Napatawa rin ako ng malakas ng may makita pa akong nasubsob sa lapag. Ang sama ko na yata.
"HUY!" sigaw ng ilang mga kapwa CAT ko kapag nakakakita sila ng mga estudyanteng nakapula. Halos hingalin na'ko kakatakbo dahil sa paghuhuli ko.
"Gotcha!" sabi ko dun sa isang estudyanteng Grade 6. Pinosasan ko na yung dalawa niyang kamay.
"Ate! Wag na po please? Libre na lang kita diyan ng Pizza! Please Ate, pakawalan mo lang ako." pagmamakaawa nung bata pero hindi ako nagpa-uto sa kanya. Ang pangit naman kasi kung ganun, hindi fair. At tsaka dapat walang kj.
Nagpumilit-pumilit pa rin yung Grade 6 student pero nauwi rin naman siya sa Jail namin. Napaupo ako sa isang bench dito sa school namin. Napabuntong hininga ako ng malakas dahil sa pagod. Pinunasan ko yung pawis sa mukha at leeg ko. Inayos ko rin yung tali ng buhok ko.
Pinagmasdan ko ang buong paligid. Yung ibang tao nagtatawanan, naglalaro, nagtetext, at meron rin namang mga taong nagpapakasenti na lang sa tabi ng puno. Halos lahat ng makikita ngayon ay ang mga naghahabulang estudyante. Syempre ayaw rin naman kasi nilang makulong sa booth namin. 20 minutes ka kasing nakakulong at kung gusto mo namang bayaran ang piyansa mo, 50 pesos rin iyon. Sayang naman kung magbabayad ka ng ganun, Pangkain din ang 50 pesos.
Tumayo na'ko para manghuli muli ng estudyante. Hindi kasi pwedeng magpass muna at magpahinga. Bawal iyon, lalong lalo na sa Boss namin.
Muli kong tinignan ang paligid. Halos lahat ng mga nakapula ay pinaghuhuli na ng mga kapwa-CAT ko. Wala naman na yata akong mahuhuling nakapula dahil nahuli na ang lahat pero nung tatalikod na sana ako... may nakita akong lalaking nakapula.
Dug dug dug. Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla itong kumabog ng malakas. Napatulala ako sa lalaking nakaupo ngayon na naka-earphones at naglalaro ng kanyang psp.
"Maui..." bulong ko ng makita ko siya duon. Si Maui na kabatchmate ko. Si Maui na walang ginawa kundi ang manahimik. Si Maui na natalo pa ako sa pagiging 2nd sa ranking. Si Maui na hindi masyadong nakikipag-usap sa iba kong kaklase. Si Maui na crush ko simula nung tumuntong ako dito sa school niya ng first year. Si Maui na hindi ako pinapansin kahit minsan nagpapansin ako sa kanya. Si Maui na hindi alam na may nararamdaman ako sa kanya. Si Maui na first love ko. Si Maui Tan na isang Chinito. Si Maui Tan na mahal ko.
Napakahawak ako sa handcuffs na hawak-hawak ko ngayon. Nakapula siya ngayon at dapat ko siyang hulihin pero nahihiya ako. Nahihiya akong hawakan yung kamay niya. Nahihiya akong ilagay tong handcuffs na'to sa kanya. Nahihiya ako kasi baka mayakap ko siya kapag nagpupumiglas siya. Nahihiya ako.
Lumunok ako ng napakalaking laway na namuo sa aking lalamunan. Kanina pa nag-aaway tong mga isip ko kung itutuloy ko bang posasan siya. Tinignan ko ang buong paligid at halos lahat ay may kanya-kanyang inaatupag. Yung mga kapwa-CATs ko eh may kanya-kanya na ring nahuhuli, ako na lang ang wala. Tumingin ako uli dun sa lalaking walang pakialam sa mundo.
'Kaya mo'to Jazz.' bulong ko sa sarili ko. Bumuga muna ako ng malakas na hininga bago humakbang papalapit sa kanya. 'Eto na, eto na' bulong ko ng makalapit ako sa kanya. Nangangatog yung mga binti ko at parang gusto ng lumakad palayo pero may isang parte ng isipan ko na wag ko yun gawin at ewan ko kung bakit.
"U-Uh huli k-ka!" sabi ko ng pautal-utal. Halos sapukin ko na nga ang sarili ko dahil sa kahihiyan. Pero ang pinagtataka ko lang ay hindi siya lumilingon sa akin kahit nandito na ako sa harapan niya. Napagtanto ko na lang na nakaearphones nga pala siya. Nasapo ko na lamang ang aking noo.
"This next song is Dedicated to Shekinah from Jack." sabi nung dun sa Audio Booth (Ewan ko kung ano tawag dun sa Booth na request-an ng mga songs) at pinatugtog na yung kantang nirerequest.
'Sa hindi inaaasahang, Pagtatagpo ng mga mundo'
Napalunok ako nung marinig ko yung kanta. Isa kasi to sa mga paborito kong kanta. Humangin ng malakas at natakpan ng konti ng buhok ko ang aking mukha. Rinig na rinig ko pa rin ang pagtibok ng puso ko. Kung kanina nabibingi ako sa sigawan ng mga tao dito, ngayon hindi na. Tanging yung kanta at pagtibok na lang ng puso ko ang naririnig ko.
Tinignan ko muli siya at halos mawalan ako ng hininga ng madatnan ko siyang nakatitig rin sakin. Wala akong masabi ngayon. Napatulala na lang ako. Lalo pa ngang lumakas ang tibok ng puso ko.
"Bakit?" siya ang unang bumasag sa katahimikan. Kahit napakalakas ng sound system, para sakin, tahimik pa rin. At parang kami lang ang nandirito. Kami lang.
Napayuko ako dahil sa kahihiyan. "Ahm nakapulang shirt ka kasi kaya... huhulihin sana kita." tugon ko sa kanya. Pinagdikit ko na lamang ang aking mga palad dahil sa niyerbos.
"Ahh. Jail booth ba kamo?" tanong niya uli. Inangat ko na ang ulo ko at muli kong nadatnan na nakatitig siya sakin. Natago niya na pala yung psp niya.
"Ah- Oo." sagot ko.
"Kapag ba nagpahuli ako sa iyo? Hindi na ako makakalabas?" nagtaka ako sa tanong niya. Lumakas muli ang hangin at halos lumaglag na sa amin ang mga dahon. Para kaming nasa isang hardin na walang katao-tao kundi kaming dalawa lang.
"Ah ano. 20 minutes ka lang naman dun. Kung gusto mo, magbayad ka na lang ng piyan--" nagulat ako nung hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.
"Kapag ba sumama ako sayo? Hindi mo na ako bibitawan?" napaawang ang bibig ko sa tanong niya. Parang ngang nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.
"A-ano bang pinag--"
"Kapag ba tinali ko na sa iyo ang kamay ko? Hindi mo na ako pakakawalan? Habang buhay na ba akong nakatali sayo?" halos mang-init ang mukha ko nung tinanong niya sakin iyon. Bakit parang iba yung nagiging meaning nito para sakin? Bakit parang...
Nagulat na lamang ako nung kinuha niya sakin yung handcuffs at tinali niya mismo yun sa kanyang kamay. Pero ang mas kinagulat ko ay yung biglang paghawak niya sa aking kamay at pinosasan rin ako. Bale nasa iisang posas kaming dalawa.
"Bakit mo'to ginawa?" taka kong tanong sa kanya. Tinignan ko mabuti yung mga kamay namin. Hinahawakan niya ang kamay kong nakaposas rin. Nanlaki ang mga mata ko dahil dun at parang tatalon na yata yung puso ko nung marinig ko ang sagot niya.
"Today, I have tied my life in you. I know that you love me and would it be awkward If I told you 'I love you too'?"