Chapter 5- Left the Box

26 2 4
                                    

Short Update ✌

Zael

T*ngina nung nakita ko yung labi nung gagong yun sa leeg nung DJ di ko na napigilan sarili ko.

Kanina pa ako nandito. Actually mas nauna ako kesa sa magkapatid na owner pala ng bar na to.

Nasa may pinaka gilid ako. Naka cap ako ng black kaya di ako gaanong kapansin pansin. May mga lumalapit pero di ko inentertain. Nakay Jewel lang ang tingin ko. Nang pumunta siya sa counter para mag serve ng drinks pinanood ko lang siya habang pinapalipad yung mga bote. Wala man lang siyang nabasag ni isa. Pro na yata itong si Jewel sa pag babartender. Plus points pa ang ganda niya.

Napatingin naman ako sa DJ nang simulan niya ang pag remix. May katabi ito at ngayon ko lang nakita. Muscular and tan. Panay ang malagkit na tingin kay DJ Anonymous habang may kung ano anong ginagawa sa dulo ng station ni Dj A.

Hindi ko napansin na dalawang oras ko na rin pala sila pinapanood. Hindi ko na nga nabantayan si Jewel dahil sa panonood ko sa bawat kilos nung lalaking katabi ni DJ. Ilang saglit dumating na kapatid ko kasama ang mga kaibigan niya. Pinakilala niya sakin yung dalawang bago.

Ilang sandali nakita ko ang pag alis ni DJ at pumunta sa may terrace. Sumunod naman yung lalaki. Piangtritripan na rin ako ng kapatid ko kaya kunyari nabwisit ako para sundan sila. Tinawag naman ako ni Sabel. Sabi ko mag ccr lang ako.

Nang makarating ako sa taas at sa tapat ng terrace pinakinggan ko ang usapan nila.

Hindi sa eaves dropper ako lagi pero na curious talaga ako. Nang biglang nag grunt si DJ sumilip ako at nakita kong naka dikit ang labi nung gago sa leeg niya. Nag init ulo ko nang hindi malamang dahilan.

I watched them for a while. Nang hindi ko na mapigilan sarili ko lumabas na ako sa pinagtataguan ko at kinonfront sila. Hindi ako makapaniwalang...

may boyfriend pala itong DJ na to.

She has a boyfriend... she's taken. Pero bakit parang hindi ko tanggap? Nagulat lang siguro ako...

Although I like Jewel. I should focus on her. Not her sister. Not this girl. Not this unknown DJ.

Nang magharap kami nung gago nagawa pa niyang akusahan si DJ Anonymous na pagiging slut. I swear, this dude's gay.

Nakipagsumbatan pa tong lalaking ito ... este bakla pero umalis rin lang naman. Mutlang mutla siya kanina akala mo naman nawalan na ng hangin sa sistema. Tss. Para yun lang.

Nang makaalis siya tinignan ko yung DJ. May maliit na hickey sa leeg niya na pilit itinatago. Kinuha ko yung panyo at iniabot sakanya kaso hindi niya tinanggap. Aish! Kinuha ko nalang ang kamay niya at ipinunas yung panyo ko sa leeg niya. Medyo nagulat naman siya sa ginawa ko.

Pero matapos nun nag soften naman mata niya.

"Thanks..."

"Sa susunod miss wag kang magtitiwala sa kung sinong lalaki." Lumabas nanaman itong pagkasungit ko. Eh hindi naman talaga magandang tignan ang isang babae na binastos dahil hindi nag ingat.

Umalis na ako pagkatapos nun. Baka kung ano pang masabi ko. Pumunta ako sa may counter at nakatulala lang sa busy na busy na si Jewel. Ang ganda talaga niya sa malapitan. Ang simple lang niya. Umorder na ako para di makahalata at ininom ng dahan dahan para pagmasdan pa ito. Shit tinamaan nanaman ako...

Saph

ARGHHHH ASAN YUNG BOX?!?!

walanghiya! Ang alam ko dala ko yun eh! wtf!

Andito ako sa likod ni ate Jewel. Si Amanda muna nag take over sa pag di-Dj dun. Hindi ko na kasi kaya. Bukod sa sumasakit yung ulo ko dahil wala yung box para kay Sabel, nanlalabo nanaman mga mata ko. Hindi naman ako pwepwedeng mageyeglasses at baka may makahalatang ako nga yung nerd sa high.

Nerd By Day, DJ By NightWhere stories live. Discover now