I'd love you forever♥ [ONE-SHOT!]

72 0 0
                                    

Tinignan ko ang oras mula sa cellphone ko.

"11:38"

Binalik ko ang tingin ko sa babaeng nasa harap ko na sa tingin ko'y nasa late twenties na. She kept on checking her watch and she looks bored and impatient. Sabagay, sino ba naman ang matutuwa kung ang imi-meet mo ay late na for 68 minutes?

"Miss Rhen pasensya na talaga. Please let's wait a little longer.. baka na-traffic lang si Dylan----"

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH"

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi biglang nagtilian ang mga tao dito sa coffee shop na pinuntahan namin ng wedding organizer ko. Yes, Miss Rhen is my wedding organizer. Magsasalita pa sana si Miss Rhen pero dahil maingay ay nginitian niya nalang ako.

Tumingin kaming dalawa sa direksyon na tinitilian ng mga tao. Nakita ko ang isang lalaking nanghaharana sa harap ng isang napakagandang babae. Napangiti ako bigla sa naalala ko 4 months ago.

---♥

 *DING DONG!*

Nasa bahay ako ngayon at dali-dali kong tinungo ang pinto para tignan kung sino yung nag-doorbell. Pagbukas ko ay isang delivery man ang bumungad sakin.

"Delivery for Pamela Jane Sudla po ma'am! Paki-receive nalang po."

"Ah oo sige." Kinuha ko agad yung bulaklak at sulat na inaabot niya sakin at pinirmahan ang ilang papel.

Nginitian ako ng wagas ng lalaki sabay sabing: "Good luck po ma'am! Sana po maganda ang kalabasan nito."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad na umalis ang lalaki. Napakunot ang noo ko sa sinabi ng lalaki at binaling ang tingin ko sa sulat na binigay niya. Binuksan ko ang sulat at nagtaka sa nakasulat.

Meet me at **mall. Tara nuod tayo ng movie together. Also, Ask your parents to come too. I love you! ~Nico

~~~~~~~

Andito na kami ngayon sa loob ng sinehan at nanunuod ng romantic movie. Hindi nga namin nasimulan yung movie kaya madilim na agad pagpasok namin. Sila mama at daddy ko? ayun humiwalay ng upuan para daw hindi makasira sa moment namin tss.

Malapit na sa pinaka'kilig' part yung pinapanuod namin nang biglang mamatay lahat ng ilaw. Tatayo na sana ako para hanapin ang parents ko pero naramdaman kong humawak sa kamay ko si Nico.

Biglang nagbukas lahat ng ilaw sa loob ng sinehan at nagflash sa screen ang picture ko at sa ilalim ay may nakasulat na..

"I  need and want you forever. Will you spend the rest of your life with me?"

Automatic na tumulo ang luha ko ng lumuhod siya sa harap ko at kinuha sa bulsa niya ang engagement ring namin. Doon ko lang napansin na puro relatives ko at relatives niya ang kasama namin sa loob ng sinehan. Tinignan ko sila mama at daddy at maluha-luhang tumango sila sakin at ngumiti.

Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko at niyakap siya ng mahigpit.

"Hey-" He chuckled. "Di ka pa sumasagot sa tanong ko."

Bumitaw ako sa pagkakayakap. "Kailangan pa ba yun?"

"Oo naman no para damang-dama ko itong successful proposal ko."

Hinampas ko siya ng mahina sa likod at saka ngumiti. "Aba-aba masyado ka atang confident? Paano kung isagot ko ay 'No'?"

"Kaya mo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'd love you forever♥ [ONE-SHOT!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon