Vanguard Nexus Internet Cafe- Gray

61 1 0
                                    

first ever file! hope you'll enjoy it! :">

Malapit nang matapos ang summer vacation nila Bailey. High School na sila ngayong taon.

Pero sa totoo lang, hindi iyon ang iniisip niya. Nasa beach sila ngayon kasama ang kanyang pamilya. Nasa dagat siya at nagpapaalon alon sa salbida niya. Nasa cottage naman ang kanyang mga magulang at naghahanda pa din para sa pag-dating ng pamilya ng kaibigan ng mga ito.

Tumingala siya, kung iisipin, hindi niya pa din nakikita ang sinasabi ng mga ito.

 "Bailey! anak! Dadating na sila! Sumama ka samin para salubungin sila!" tawag sa kanya ng mama niya.

"Sige lang po ma! Dito lang po ako."

Ewan niya din ba, pero dati gustong gusto niya ang sumalubong sa mga bisita nila lalo na kapag hindi niya pa kilala. Pero ngayon parang hindi niya feel. Nag eenjoy pa siya sa dagat o baka ayaw niya lang sa dadating. Ewan niya ba.

"Nakakapagod mag-isip." wika niya.

"Makainom nga muna."

Nauuhaw na siya kaya nag-simula na siyang maglakad pabalik sa cottage.. Nandoon na yata ang bisita, kinakausap ng mama niya ang mga ito. Kaya nilapitan niya nalang muna ang papa niya,

"Pa, penge po juice or tubig."

"Eto nak."

Inabutan siya ng papa niya ng maiinom.

"Ay! Ito nga pala ang anak ko si Bailey."

Hinila siya paharap ng mama niya sa mga bisita. Agad namang may pumaskil na ngiti sa mga labi niya.

"Hello po." magalang na bati niya sa mag-asawa.

"Aba, ang ganda naman pala ng anak ninyo. May pinagmanahan din talaga sa inyo." wika ng lalaki sa mama niya.

"Naku! Kayo naman." halatado namang gusto din ng mama niya.

"Iyong anak namin papadating na. Ayon oh, sa likod ninyo." wika naman ng babae.

Nilingon nga nila ng mama niya ang sinasabi nito. Nakita nilang naglalakad sa tabi ng dagat ang isang lalaki na mukhang may magandang lahi. Hindi naka zipper ang sleeveless nitong black jacket, naka summer shorts and with matching black sun glasses at leather slippers. Para itong model na nag fa-fashion show. Nilapitan nito ang mga magulang nito at nagmano.

"Ma, Pa. Dito na po ako. nagka problema po kasi konti sa VNC." wika nito.

"Anak, si Mr.and Mrs. Dragneel at ang anak niya si Bailey." pagpapakilala ng mama nito sa kanilang pamilya.

Lumingon ito sa kanila, tinanggal muna nito ang salamin nito. Bago nagpakilala.

"Ako po pala si Gray. Nice to meet you po." Pagpapakilala nito sa mga parents niya. Siya naman ang nilingon nito. Malamig na ang tingin nito pagdako sa kanya.

"Gray nga pla. Nice meeting you." iyon lang at tinalikuran na siya nito.

Nabastusan siya rito. Hindi man lang nakipag handshake! Ugh!

"Nice meeting you too Brod" Pang gagaya niya sa astig na boses nito.

Naka kunot ang noo nito ng tignan siya. Nginitian niya naman ito ng pagkatamis tamis bago siya nag-paalam at bumalik sa pwesto niya kanina sa dagat at nagpaalon alon ulit.

"Ang gwapo kaso mukhang walang moral values." Pagkusap niya sa sarili. Tumingala siya at pumikit.

"Mukha yatang bakla ang lalaking iyon." Naka pikit ang matang pagkausap niya sa sarili.

Masaya na siya habang nagpapaalon alon siya kasama ang bilog na salbabida. Biglang may tumili, hindi niya lang pinansin iyon pero bigla itong sumigaw na " ang bata! ang bata!"

Tapos bigla nalang may umiiyak na batang lalaki na pinipilit namang makakuha ng hangin kahit malapit na itong malunod.

Malapit lang naman ang bata sa pwesto niya kaya nagdesisyon siyang sagipin ito. Lumangoy siya papunta sa bata, kasama pa din ang salbabida. Nahawakan na niya ang bata. Tumigil na din ito sa pag-iyak. Ipinasok niya ito sa loob ng butas ng salbabida at siya naman ang lumabas. Nakaka hinga na ulit ng maayos ang bata at nakangiti itong lumangoy pabalik sa mga magulang, siya naman ay nandoon pa din sa pwesto niya.

"Patay. Paano na?" tanong niya sa sarili.

Hindi siya marunong lumangoy ng walang salbabida. She's doomed. Napadaan ang tingin niya sa cottage nila nakatayo na pala si Gray at naka tingin sa kanya. Ang ngiti nito ay ngiti na nakapangloloko o mas maganda atang sabihin na ang ngiting iyon ay nakapanglalait. Mukhang alam nito na hindi siya makaalis sa lugar na iyon.

"Curse you beach! Stupid beach!" wika niya.

"Ha! kala mo siguro kung sino ka no? tignan mo lang."

Nagpumilit siyang lumangoy, malapit na siya. hanggang balikat nalang niya ang tubig. nang biglang sumakit ang paa niya at hindi na niya maigalaw. Napalubog siya sa tubig at napahawak sa paa.

Buenas naman o! Bakit sa pagkakataong iyon pa sumakit ang paa niya? Kahit hindi pa din niya maigalaw ang paa ay pinilit pa din niyang maiangat ang mukha niya sa ibabaw ng tubig.

Tinapak niya ang paa niya sa buhangin, pero lumubog lang iyon, nilingon niya ang taas, malapit na sana siya pero hindi na niya kaya, nailabas na niya ang iba pa niyang oxygen.

May nakita siyang anino sa ibabaw ng tubig pero parang napaka layo nito at parang napakaimposibleng mailigtas siya. Kaya pumikit nalang siya.

"Goodbye me. Goodbye world. Goodbye my dear friends." wika niya sa isip. Mamamatay na siguro siya.

"Goodbye.... Good-"

Biglang may humawak sa isang kamay niya at hinila siya paangat sa tubig, nakahinga na ulit siya. Unti unti naman niyang iminulat ang kanyang mata. Naramdaman niyang naka yakap sa kanya ang mga braso ng nagligtas sa kanya at naka sandig ang katawan niya sa katawan nito. Gusto pa sana niyang i-feel ang katawan ng nag ligtas sa kanya ng bigla itong nagsalita.

"Hoy. nakakahiya ka naman. Malulunod ka pa sa lugar na halos balikat mo lang ang taas."

Lumayo siya sa taong iyon at tinitigan ito. Tama nga siya. Si Gray nga iyon.

"How troublesome, makabalik na nga." wika nito at tinalikuran na siya.

"Gray!" tawag niya rito. nalalasahan niya pa din ang tubig alat sa bibig niya. Hindi siya nilingon nito.

"Salamat!" pagpapasalamat niya rito.

To be continued~ hope you enjoy it. ;D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vanguard Nexus Internet Cafe- GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon