Chapter 25-- Cold-hearted

163 8 8
                                    

Chapter 25

Kamille's POV

Kahit kulang pa ako sa tulog ay maaga akong pumasok ngayon at iisa lang ang dahilan nun, para kausapin si Errol. Napakarami kong gustong ipaliwanag, napakarami kong gustong sabihin, pero tuwing iniisip ko pa lang na kakausapin ko siya ay natatakot na ako. Hindi ko nga alam kung gusto niya bang makausap manlang ako.

"Oh miss, ang aga mo yata?" Sabi ng guard nung dumating ako.

"Eh kuya, nandyan na po ba si Errol Castro?" 

"Si Errol Castro ba kamo? Yung artista?"

"O-Opo siya nga."

"Eh oo. Alam mo naman ang mga artistang gaya namin, maa--"

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya dahil kailangan ko talaga siyang makausap. Kailangan maunahan ko si Shiela dahil alam kong hindi ako magkaka-chance na makausap siya mamaya kapag dumating na yun.

Nakarating naman ako sa floor ng room niya at saka siya hinanap, at natagpuan ko siya doon na nagbabasa.

"E-Errol.." Humahangos ko pang sabi at saka tumapat sa pinto ng room niya. Tinignan niya lang ako at saka ibinalik ulit ang paningin sa binabasa niya.

"Errol. Makinig ka naman muna. Kahit ngayon lang. Magpapaliwanag ako."

"Teka. Diyan ka lang." Pagpipigil niya sa paglapit ko sa kanya pero hindi niya pa rin ako nililingon.

"Talagang malakas ang loob mo. Lalapit ka pa talaga sa'kin ha?!"

"Errol." Nabigla talaga ako sa sinabi niya kaya napatayo ako ng diretso.

"Ano bang kailangan mo pa ha?!" Inis niyang sabi at saka lumingon sa'kin.

"Kasi ako, hindi kita kailangan." Dagdag niya pa..

'Kasi ako, hindi kita kailangan'

'Kasi ako, hindi kita kailangan'

'Kasi ako, hindi kita kailangan'

..at aaminin kong nasaktan ako doon.

"Errol." 

"Ano ba? Puro pangalan ko na lang ba sasabihin mo ha? Sinasayang mo oras ko eh!"

"Errol gusto ko lang mag-sorry kasi---"

"Isa ka sa mga taong pinagkatiwalaan ko. Alam mo ba 'yun?"

Hindi naman ako nakapagsalita sa sinabi niya at nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Sorry Errol. Sorry.

"Sa totoo lang hindi ko inakala na makakasundo kita. Kasi diba? Ako to eh, si Errol Castro!"

Bahagya naman siyang ngumisi. Ang ngising kinaiinisan ko noon, "Pinagkatiwalaan kitang kaya ka lumapit sa'kin eh para tulungan ang kaibigan mo. Yun pala kasinungalingan lang 'yun."

"Hindi ganun 'yun Errol! Ginawa ko tal--"

Tumayo naman siya na hawak hawak pa rin ang libro niya, "Ginawa mo lang yun para makuha ang gusto mo? Ginamit mo lang ako, di ba?" Tumawa pa siya ng bahagya, "Ang galing mo. Ang galing galing mo!"

Nakatulala lang ako sa kanya dahil parang hindi ako makapagsalita. Gusto ko siyang kausapin, pero parang huli na lahat. Nilagpasan lang niya ako at sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tumigil siya sa pinto at nagbitaw ng salita..

My Love Messenger (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon