Day Fifty-three

121 2 0
                                    

<Tina>

"Tina, go here. Bar"

yan agad ang bumungad sa morning ko. Oh no James! Ano nangyayari?!

Nag dali dali akong umalis ng bahay at pumunta agad sa bar. Alam ko na agad kung saang bar yon kasi halos dun lagi napunta si James pag gusto niyang gumimik or maglasing everytime nag aaway kami dati.

Pag dating ko sa bar e hinanap ko siya agad don 

"miss? Kasama mo ba siya?" sabi ng isang bartender

"James!" pinuntahan ko agad si James sa table niya kung saan nakayuko siya at hawak hawak yung cell phone niya

"miss buti dumating kayo. Kahapon pa kasi nandito yan e. Ang dami na ngang nainom. Pinipigilan na nga namin kaya lang ayaw talaga e. Eh, mukang masama ata pinag dadaanan. Girlfriend po ba kayo?"

"uh.. Salamat. Oo girlfriend niya ako" hindi ko alam kung bakit yon ang nasagot ko 

"sige po. Walang ano man po. Sana magkaayos na kayo" tumungo nalang ako at pinatayo na si James kaso ang hirap niyang gisingin

"James!! Wake up!! Andito na ako!!" niyuyugyog ko lang siya hanggang magising

"T-Tina?"

"shh oo andito na ako." bigla siyang tumayo at napayakap sakin "James. Ano bang nangyayari sayo?"

"Tina." kumalas siya sa yakap niya at humawak sa ulo niya

"oh masakit ata ulo mo? Tara umuwi na tayo"' nilabas ko na siya sa bar at dinrive yung kotse niya at inuwi ko siya sa bahay namin dahil ayaw niyang umuwi sakanila at baka mapagalitan lang siya ng parents niya

<Gale>

"oh Gale! Tulalers ka ata?"

"h-huh?"

"tulala ka diyan! Ano iniisip mo nanaman?"

"wala"

"wala. Halata namang meron. Si james nanaman ba yan?"

"wag ka na nga diyan! Hayaan mo nalang ako"

"hayaan. Sus. Sige na nga. Alam ko namang problemado ka kay James e"

tumahimik nalang ako para tumahimik nadin tong si Kayla

buong araw kong hindi nakita si James.. at si Tina. Pero andito naman si Loiu. Asan kaya yung dalawa? Mag kasama kaya sila?

Nung papunta ako sa music room para mag muni muni e biglang may humila sakin galing sa isang classroom at nilock niya yung pinto

"aaahhhhh!!!" is all I could say at bigla niyang tinakpan yung bibig ko

hindi ako makakakalas dahil hawak niya ako ng mahigpit na nakasandal sa pader at nakaharang siya sakin

pilit kong kinakalas at hindi ko alam kung sino yon dahil nakapikit yung mga mata ko sa sobrang takot

"SHUT UP!" bigla niyang sigaw at napatigil namana ko at pakonti konti kong binuksan mga mata ko

LOIU??!!!!

"hoy! Anong gagawin mo sakin?!"

"will you just shut up for a minute?"

"PAKAWALAN MO KO!!!! Isusumbong kita kay Tina!!!"

"HOY SIGE GAWIN MO YON AT SIRANG SIRA ANG BUHAY MO PAG NAGAWA MO YON"

napatigil nalang ako then he continued "kayo ba ni James?" 

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon