Volleyball

112 2 0
                                    

Linagay ko yung earphones sa magkabilang tenga ko ngunit wala akong pinapakinggan. Umupo ako sa stage ng MPH namin, sumandal sa pader at nagbasa ng libro.

*Boogsh* may lalaking nagpalo ng volleyball kaya ito'y tumama sa sahig, nagbounce papunta sa wall at bumalik sa lalaki.

"WALANGYA KA!" sigaw ng lalaki.

"E-eh?" ako kaya kausap niya?

*Boogsh* pinalo niya nanaman yung bola. Mas malakas nga lang ngayon.

"WALA KANG KWENTANG KAIBIGAN!" sumigaw nanaman siya. Na-confirm ko na na hindi ako yung kausap niya. Di ko siya kilala eh. Actually, nakatalikod siya kaya di ko makita mukha niya. Pero di din familiar yung likod niya.

*Boogsh* pinalo niya yung bola for the 3rd time.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO!" tapos pinalo niya nanaman yung bola. Hayaan ko na nga siya.

*Boogsh*

*Boogsh*

*Boogsh*

Patuloy niyang pinapalo yung bola. Medyo na di-distract na ako -.-

"Ku--"

*Toogsh*

"ARAY!" tinamaan ako nung bola.

Natanggal yung eyeglasses ko at nag-slide. Ang labo pa naman ng mata ko. Hinawakan ko yung pisngi ko. Anlakas nung impact -.- Kinakapa ko yung salamin ko. Argh... Di ko mahanap -.-

"Uy, masakit ba?" sabi nung lalaki from a distance kaya di ko malaman kung gwapo siya XD

"Malamang. Nag-aray nga ako eh. Wag mo sabihing di mo narinig." bulong ko.

"Ha?"

"Wala. Sabi ko ang ganda k-- este ng girlfriend mo." sasabihin ko na sana yung totoo eh XD Joke lang :3

"Tss. Pumangit na nga siya eh." sabi niya sabay upo sa tabi ko. "Hindi pala. Wala akong girlfriend. Tch."

"Eh? Sabi mo pumangit siya tapos wala kang girlfriend? Yung totoo, Kuya?" teka lang... I'm starting a convo with a stranger. Lalaki pa!

"She broke up with me."

"Ano ka ba? Napaka-emo mo naman. Can't you see? Nandito pa ako oh! Ako nalang magreplace sa kanya?" ang landi ko din noh? Di ko pa nga nakikita mukha niya eh XD

Pero siyempre sa isip-isip ko lang 'yon. Di ako malandi noh! Haha XD Sino naman papatol sakin diba?

"Bakit?" -ako

"Yung ka-tropa namin... Linigawan siya ng palihim. Hindi nga alam ng buong tropa eh. Eto namang malanding ex ko, sinagot siya. After some time, pumunta ako sa garden. Nakita ko silang nagyayakapan at magmi-meet na sana mga labi nila ngunit nakita ako. Sabi naman ng ex ko sakin ay mag-break na daw kami without hesitation. Hindi niya ba ako sineryoso!? Tapos pinatakas ng ka-tropa ko yung ex ko. KAIBIGAN KO BA YON!?" kumuha siya ng bato sabay tapon.

"Grabe naman 'yon. Hayaan mo na sila. She doesn't deserve you." kung makasabi akong 'she doesn't deserve you' parang ang rami kong alam noh? XD "Mahirap na maghanap ng tunay na kaibigan nowadays."

"Salamat. Pwede bang ikaw nalang ang kaibigan ko?" ang hirap tumanggi. Feeling ko naskatan siya sobra. Siguro pinahalagahan niya yung ex niya sobra. Sabi nga nila, 'Care too much, you'll get hurt. Care too little, you'll lose them.'

Volleyball *Suho Fanfic One-shot*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon