Hayy... Kailan kaya niya kaya mapapansin ako. Ang hirap talaga minsan maging babae noh? Kasi kapag ikaw may gusto sa lalaki, ang hirap ivoice out ng feelings. Hanggang sulyap ka na lang. Kailan kaya ako mapapansin ng Chinitong toh?
Glaizany: Uy Girl, ang lalim ng buntong hiningamo dyan ah. Buti nagkakaintindihan kayo ng hangin.
Ako: Wala. Malapit na naman bakasyon noh?
Ang gwapo talaga niya kahit sa malayo. Kahit na seryoso yung mukha niya. Pwede ba akin ka nalang?
Glaizany: Melody makinig ka nga. Kung anu man este kung SINO man yang iniisip mo. Pwede mamaya na? Masyado kang pahalata eh :)
Lester (si Crush este Mahal ko): Wag natin itutulad ang buhay sa ride. Na maaaring magsuka ka kapag naranasan mo na at magsisi kung kailan huli na. Parang Love lang yan, ginusto mo kaya wag mong isusuka.
Ang cute naman ng topic; about love :) (echos kasi yung author) Lalo na't siya pa ang nagrereport
Lester: mahirap magmahal ng patago. Masakit. lalo na pagnakangiti siya ng hindi dahil sayo. Nagseselos ka sa kanya pero wala ka namang karapatan. I Lester Salas, nasa harap niyong lahat. At ipinapahayag ang nararamdaman para kay Ms. Melody Gomez. Melody, mahal kita. matagal na.
Ang sarap talaga niyang titigan. Kahit gaanu pa kaganda o Kagusto lo yung topis, wala akong pake. MAsaya akong titigan siya. Pero bakit Parang Nakatingin din sa akin ang lahat ng kaklase ko? May recitation ba?
Lester: PANSININ MO NAMAN AKO!!
Nagulat ako sa sinabi niya. Parang ang sakit kasi napagtaasan nya ako ng boses. Bigla na lang tumulo ang aking mga luha. Tumayo ako. Bahala na kung ano magiging reaksyon nya at ng iba. Binalik ko sa kanya ang sinabi niya sa akin...
Melody: Pansinin mo naman ako!! please...
after kong sabihin yun< umalis na ako sa kinatatayuan ko. Pagkaminamalas ka nga naman oh, kailangan ko pa syang madaanan bago ako makalabas ng pinto. Kaunti na lang at makakalabas na ako pero hinawakan niya ang braso ko at niyakap ako.
Lester: Mahal kita. Hindi ka kasi nakikinig eh.
-- END --